BRIDGETTE
Let's have a date
"Tinitigan ko, nilapitan ko
Hanggang sa may diwata nang pagdilat ko
Nalasing kagabi ang galing katabi ka na babe
Napa-damn sa ‘yong face, marikit kahit na sa dilim—"*Someone knocking*
I was having my own jamming session here with matching little dance while I was busy checking the papers here at my office when I suddenly heard a knock outside my door.
Tinigil ko muna ang patugtog ko bago napagdesisyunang tignan ang CCTV footage sa labas ng office ko dito sa aking computer.
"Ay, ano kayang kailangan niya?" Bulong ko sa sarili nang makita ang pamilyar na pigura sa screen ko.
Nagpatuloy ang pagkatok nito kaya naman tumayo na ako para pagbuksan siya ng pinto. Nilalock ko na kasi yung pintuan ng office ko simula nung malaman kong isa siya sa napiling model nila Bobby.
Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang katotohanang mapapabilang siya sa mga modelo ko. Hindi naman siya permanent dito. She already signed the contract for three months at hindi ko na siya makikita after that kaya pumayag na lang rin ako.
I was so against it at pinaglalaban ko talaga kahit nung kumain kaming dalawa ng dinner ni Bobby sa bahay kaso natatameme lang ako palagi.
He won but I just gaslight myself about sa pustahan namin. A hundred thousand is no joke and that's my only motivation to accept my reality.
Not to like her as a challenge is very easy because I hate her.
At ngayon, kailangan kong panindigan ang relasyon namin ni Oliver in order for me to really win this.
"Hi, I brought lunch with me. I know you haven't eaten yet." He said while smiling genuinely and lifting the take out foods in his hand to show me.
"Aw, you're so nice, baby!" I greeted him with a hug and I felt the vibration of his laughter.
Nasa ganitong sitwasyon kami nang bigla akong may narinig na tumawag sa akin.
"Queen B!"
Si Bobby na kumakaway pa with apparently, some models including her. They all greeted me from afar except her. Mabilis kong napansin ang pagtaas ng kilay niya saming dalawa ng pinsan niya but I decided to ignore it at humiwalay na sa pagkakayakap kay Oliver upang ayusin ang buhok niya at ngitian ito.
"Thank you for always giving me butterflies, baby." Pabebe kong usal sa kanya.
I heard a coughing somewhere at alam ko na agad kung sino yun pero hindi ko pa rin pinansin.
Kapag inggit, pikit.
"Butterflies daw eh pagkain yung binibigay sa kanya. 'Di ba?" Rinig kong sabi ni Bobby sa hindi kalayuan at siniko pa si Ma'am Levine. Tumawa si Bobby habang halatang nagpipigil ng tawa ang isa, kaya hindi ko rin napigilang ikutan sila ng mata.
The betrayal, John Bobby!
"Come on, let's eat together, baby. Sakto I'm very hungry." Patuloy ko pa at ngumuso sa harap ni Oliver.
"Okay, let's eat inside, baby." Maagap niyang sagot sa akin at inalalayan ako sa bewang para sabay kaming pumasok sa office ko.
"Baby, stop! It tickles me."
YOU ARE READING
When Love and Hate Collide
RomanceBridgette Borja and Natalie Levine This story focuses on the PRESENT. NOTE: Please expect words and grammatical errors in this story. Updates will depend on my availability and brain functionality. LOL. And don't hesitate to leave a vote and commen...