BRIDGETTE
"👍"
Nagising akong may nagpupumilit sa pagdilat ng mata ko.
Anong oras na ba? At bakit naman may gigising sakin? Ako lang naman ang tao...wait?
"Natalie—" napadilat ako upang tignan ang taong gumigising sa akin. Sa kabila ng kalabuan ng mga mata ko, kahit blurred siya sa paningin ko, alam kong siya yun dahil sa pigura niya.
Kasalukuyan siyang nakadapa sa ibabaw ng kama habang nakadungaw at mariing nakatitig sa akin, kahit na hirap akong maaninag siya dahil lamp shade lang ang kasalukuyang nakabukas na ilaw sa kwarto ko ay alam kong siya yun.
Ang isang kamay niya ay nakatago sa bandang dibdib nito habang ang isa naman na ginamit niya para buksan ang mata ko ay relax lang na nakalaylay paibaba ng kama. She's holding something but I can't see it clearly dahil madilim masyado sa part na yun.
Kumunot ang noo ko dahil tulala lang itong nakatitig sa akin at hindi nagsalita.
"Bakit? Iihi ka ba?" I asked her with my raspy voice, kaya napatikhim ako para umayos ang boses ko. Bigla rin akong nahikab dahil sa kaantukang nararamdaman ko.
Anong oras na ba ulit? Wala pang liwanag sa bintana ko.
I tried searching for my glasses everywhere near me using my hands dahil nahihirapan na akong blurred ang paningin but I can't find it. Almost half of my body is still under the comforter, kaya baka natabunan na.
Where is it?
"You slept with your glasses on." Isang malamig na boses ang nagsalita bigla.
Totoo ba? Suot ko 'yon noong natulog ako? Hindi ko na siguro natanggal sa sobrang pagod ko sa pagbuhat sa kanya kagabi at nakatulog na lang ako bigla after seeing her message.
Sa kabila ng pagkalutang ko sa sinabi niya ay siya na ang nagkusang nagsuot sa akin ng salamin ko. Ito pala ang hawak niya kanina pa.
Gumalaw ito ng bahagya sa pagkakadapa niya mula sa kama para mas maabot ako ng dalawa niyang mga braso.
While me...I just watched her do it without attempting to move from my position on the floor. She's a bit near me—above me, in a perfect amount of distance. Kaya naman hindi ko mapigilang mahigit ang hininga ko habang ginagawa niya yun sa akin.
Ang malabong paningin ko ay biglang luminaw nang matagumpay niyang maisukbit ang dalawang handle ng salamin sa mga tenga ko.
Siya lang ang malinaw sa paningin ko ngayon.
My eyes are so focused on her. Nandito na naman ako sa paningin kong mali.
Why does her 'just woke up' bare face look so angelic right now? Kalmado bigla ng awra niya. Nawala yung Natalie na masungit, halimaw at laging galit.
Hindi ko alam kung kabag ba 'tong nararamdaman ko sa tyan ko dahil sa lamig o may kakaiba talaga sa mga mata niya kapag tumititig siya sakin.
Napakalalim.
Nanatili siya sa pwesto niya sa ibabaw ko. Halos ang kalahating katawan na nito ay nag-adjust para lang maabot niya ako, kaya nakatukod ngayon ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng mga balikat ko.
Hindi ako komportable sa pwesto niya, sa pwesto namin, but somehow, I like seeing her this near to me because I really like her skin.
Ano kaya skin care routine nito? Wala man lang kapores pores o tigyawat. Tapos parang ang lambot pa...
YOU ARE READING
When Love and Hate Collide
RomanceBridgette Borja and Natalie Levine This story focuses on the PRESENT. NOTE: Please expect words and grammatical errors in this story. Updates will depend on my availability and brain functionality. LOL. And don't hesitate to leave a vote and commen...