CHAPTER 1

2.3K 51 25
                                    

BRIDGETTE
It's me, Hi!



"A-anong ginagawa mo dito?" Medyo utal kong tanong sa babaeng biglang pumasok sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawang pumasok dito gayong nakalocked ang pintuan ko bago ako magtungo at maligo sa banyo.

Nakatapis lang ang katawan ko ngayon ng white towel na hindi aabot sa tuhod ko ang haba, medyo basa rin ang buhok kong dark brown ang kulay at tumatagaktak ang iilang patak ng tubig mula sa aking buhok hanggang sa exposed kong balikat.

Mariin lang na nakafocus ang mukha niyang seryoso sa akin, ang mga kilay na normal na ang katarayan at ang mga mata niyang nakakatusok kung tumingin. Prenteng nakasandal pa ito sa likod ng pintuan ng kwarto ko habang nakakrus ang mga braso sa ilalim ng kanyang dibdib, maski ang mga binti nito ay nakakrus din kaya naman kitang kita ko ang hubog ng katawan niya sa kabila ng suot niyang fitted red dress.

Hindi siya sumagot bagkos ay tinignan lang ako nito mula ulo hanggang paa na animo'y kinakabisado ang buong pagkatao ko sa isang pasada ng kanyang mga mata.

I feel conscious of my body every time she stares at me. It's like she's judging my existence. She always has that effect on me whenever she traces my whole being using her piercing eyes.

Her presence in front of me is always somewhat strange yet familiar.

I feel perfectly fine with my own features and I'm really proud of every corner of myself but I can't help it when it comes to her point of view.

"Hoy! lumabas ka nga dito!" Sigaw ko dahil hindi ako makakilos nang maayos kapag nakikita ko siya. Marahil ay naiirita ako sa kanya. Like always. Kota na siya since college days ko.

Nakita ko kung paano tumaas ang gilid ng labi niya at nag-umpisa na itong maglakad nang dahan-dahan patungo sa direksyon ko. Napaatras ako nang paunti-unti siyang lumalapit sa akin.

"Hoy! S-sinasabi ko sayo—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil naramdaman ko bigla ang pagtama ng likuran ko sa malamig na pader.

Tuluyan nang nagwala ang puso ko dahil wala na akong maatrasan at nakakulong na ako ngayon sa dalawang brasong nakaharang sa pagitan ng ulo ko. Shutabels! Ang bilis!

"I know you're badly looking for me." Bulong nito sa mukha ko. Ang mabangong hininga nito ang tumama sa balat ko habang ang mga mata nito'y may kislap at purong itim na lamang ang maaaninag.

"In your dreams, Professor." Sarkastikong singhal ko sa kanya at pinantayan ang mga titig nitong para na akong hinuhubaran.

She scoffed as she poked her tongue to her inner cheek then made a clicking sound after. "I'm not your Professor anymore." She retorted as if naoffend ko siya sa paraan ng pagtawag ko sa kanya.

Sisinghalan ko sana siyang muli ngunit natigalgal agad ako nang bigla niyang igalaw ang kanyang isang kamay upang mabagal na landasin ang exposed kong balikat. Dahan-dahan niyang hinaplos ito paitaas at paibaba na nagdulot sa akin ng kakaibang sensasyon at pagtaas ng mga balahibo sa katawan.

Napalunok ako nang mabagal habang pinagmamasdan ko ang kamay niya sa balat ko.

"But...Do you wanna know what's in my dreams?" Patuloy niyang salita na halos pabulong na lang habang patuloy rin siya sa pagbibigay nang magaang na haplos sa aking balat at hindi ko inaalis ang mga mata ko sa bawat paggalaw ng kamay niya, hindi ako makatitig sa kanya dahil baka bumigay ako, ngunit ganoon na lamang ang pagsinghap na nilikha ko nang biglang lumandas ang kamay niya papunta sa nakatapis kong dibdib kung saan nakapulupot ang dulo ng towel na gamit ko.

When Love and Hate CollideWhere stories live. Discover now