CHAPTER 16

762 34 6
                                    

BRIDGETTE
Chocolate




I was humming as I made my way through the space between the shelves of chocolates and junk food. I’m doing my groceries now, and believe me, ngayon lang ako sinipag bumili ng food for my house simula nang makapunta siya sa bahay ko.





I'm not in the mood to do anything lately. Nagpapalaundry na nga lang ako sa sobrang katamaran ko kumilos sa sarili kong bahay. Additionally, stating the obvious, I don't cook my own food and I always skipped my meals most of the time dahil o-order na lang ako kung magugutom man ng sobra. Hindi ko na rin kasi makasama masyado si Bobby dahil tinutuon na niya ang oras niya sa pag-aalaga sa lola niya, at balak ko na rin dumalaw doon pagtapos kong maggrocery at maglinis ng kaunti sa bahay ko dahil wala naman akong ibang gagawin buong magdamag because apparently, it's weekend. Ang boring mag-isa.





Huminto ako sa pagtulak ng cart at pinakatitigan ang Cadbury Dairymilk sa harapan ko. There's a bunch of chocolates in here but I always love this specific chocolate. I am hesitant to buy it dahil nagtitipid nga ako. As always. Iniisip ko kung kailangan ko ba 'to o bugso lang ng damdamin ko kaya ako nagkecrave.




Mga ilang minuto pa ang lumipas ay may nakita akong braso na kumukuha ng limang pirasong medium size na Cadbury Dairymilk na medyo padabog pa kaya agad akong napasulyap sa gilid ko at napasinghap dahil sa nakita.




"You're taking too long. Get out of the way if you're still undecided. Paharang-harang." She nonchalantly said kasama ng pasimpleng irap bago umalis.



I scoffed, hindi makapaniwala sa ginawa niya. "Problema no'n?" Usal ko sa sarili dahil nakaalis na siya.




Pinagmasdan ko ang papalayong pigura niya hanggang sa makaliko ito pakanan at tuluyang nawala sa pangingin ko.




"May topak na naman. Pwede namang sabihing excuse me, 'di ba? Tsk." Mailing-iling kong sambit sa sarili bago kumuha ng katulad sa kanya.





Hindi ko alam na mahilig rin pala siya sa ganitong chocolate. May kasweetan rin palang dumadaloy sa katawan niya, akala ko puro kasungitan lang.





Matapos ko sa chocolate section ay dumiretso na agad ako sa cashier dahil tapos naman na akong mamili. Nakailang balik lang talaga ako doon dahil sa paulit-ulit kong pag-iisip kung bibili ba ako, but yeah, I ended up buying it anyway.



Ang gastos ko.



"We don't accept cash here, okay?" Masungit na sambit ng kahera sa akin. She is white with blonde hair, a big figure, blue eyes, and exaggerated makeup. What irritates me the most, though, is the way she talks to me.



"I know," mahinahon kong sagot dito. As if I don't see the big sign written in front of me. We only accept card payments.



Tumaas ang isang kilay nito at nag-umpisang i-punch ang mga pinamili ko.



I watched her the entire time she looked at me with such a judgmental gaze. "You’re Asian," she said, making it sound like a definitive statement.



"Yes, and?" I replied, sensing where this was going.



"You have dark skin and black hair, but you’re a pretty Asian, so it’s all good. Here, this is your receipt." She handed me the receipt after taking my card from me without permission.




What the fuck is wrong with her? At ano naman kung maitim ako? I love my tan skin!




"So? What's your point?" Hindi ko siya binibigyan ng sagot na sobrang haba dahil baka kung ano pa ang masabi ko.




When Love and Hate CollideWhere stories live. Discover now