Val's POV
"Wow!" Mangha ni Wave pagkarating namin sa bahay dito sa Antipolo.
"Don't be amaze. It's all yours." Wika ni Yanna.
Namangha kasi si Wave sa mga nakahilerang kotse at sa laki ng bahay.
Pumasok na kami ng bahay para makapag pahinga na rin.
Pagpasok namin bumungad agad ang gallery area.
Habang yung iba dumeretso sa sala.
Si Wave naman ay nilapitan ito at pinagmasdan ang napakalaking picture naming tatlo.
Hindi ko sure kung aware ba siya na nasa likod niya lang ako o hindi.
Sunod niya tinignan ang pictures ni Ran nung baby pa siya.
Tinignan niya rin ang wedding at proposal pictures namin.
Pero may isa siyang picture na kinuha.
Lumapit ako para tignan ito.
Picture pala nila ng mama niya nung grumaduate siya.
"Siya yung mama mo." Nagkaroon na ko ng courage na makausap siya.
"Wala ba siya rito? Bakit hindi siya sumama sainyo pagpumupunta kayong Siargao?" Tanong niya.
Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang oras para sabihin sakanya ito.
Pero baka lalo niya ikagalit pag naglihim na naman ako sakanya.
"She died Wave. Hindi niya kinaya ang pagkawala mo nung nalaman niya. Parehas din na hindi natin alam nung time na yun na may sakit siya sa puso at nagpapagamot siya sa States. I'm sorry." Sagot ko.
Yayakapin ko sana siya patalikod pero agad din niya inilagan.
Mugto ang mga mata niya pagharap niya sakin.
Tinignan niya lang ako sabay alis.
Sinundan ko na lang siya at papunta siya kay Yanna.
"Why are you crying?" Pagtataka ni Yanna.
Hindi siya sumagot kaya naman binaling ni Yanna ang tingin niya sakin.
"Nalaman niya yung about sa Mama niya." Sagot ko.
"Will visit her tomorrow if you want." Saad niya kay Wave.
Tumungo tungo na lang si Wave na parang bata.
Iniwan na muna namin si Wave sa sala kasama si Ran.
Aayusin kasi namin yung magiging room ni Wave.
Habang inaayos namin ang kwarto pinag uusapan namin si Wave.
Napag isipan na rin naman na itawag na lang ulit namin siya as Ari para masanay siya.
"When will you talk to her?" Tanong ni Yanna kay Jane.
Nahihirapan na kasi si Yanna na siya lang ang kinakausap ni Wave ay Ari na pala.
"Kasi naman! Ikaw may authority ka kaya naging okay agad! Baka mamaya pag kinausap ko yun makita ko na agad ang Diyos." Wika ni Jane.
"Nah! You'll gonna see Satan. Bakit ka natatakot? She's your bestfriend. You know her better than I am." Tataka ni Yanna.
"Yun nga ang problema! Kilala ko siya kaya alam ko ugali niya!" Anas ni Jane.
"You only know Ari but not Wave." Wika niya.
"Gulo rin ng ugali neto! Siya na nga nagsabi na kilala ko siya kasi bestfriend ko tapos ngayon hindi ko siya kilala kasi si Ari lang kilala. Jusmiyong utak talaga neto!" Stressed ni Jane.
"I just want you to talk to her! Para hindi lang ako yung kinakausap niya! And I dont know her as Ari. I can't explain everything to her!" Demand ni Yanna.
Patuloy lang sila sa pagbabangayan at pilitan habang ako binibilisan ko na ang pag aayos ng gamit niya dahil baka gusto na niya magpahinga.
'Bakit ba kasi wala ngayon mga katulong namin?'
Pagkatapos namin ayusin yung kwarto tinawag ko na agad sila Ari para umakyat.
"Sorry we need na kasi mag adjust. Nasanay na kami na tawagin kay Wave pero need na natin gamitin ang true name mo." Explain ni Yanna nung nagtaka siya na tinawag ko siyang Ari.
Inexplain muna ni Yanna kay Ari ang mga agenda namin bukas.
"So it's already settled? I can go home na?" Tanong ni Yanna.
"Huy! Dito ka lang!" Bigla sigaw ni Ari sabay hila kay Yanna papalayo samin.
Kahit na malayo sila rinig namin ang usapan nila.
Gusto ni Ari na magstay muna si Yanna dito.
Kaso ayaw naman ni Yanna.
"Sige na Yanna dito ka muna mag stay." Pilit ko rin.
Obvious na labag sa loob niya pero wala siya nagawa.
"You better start talking to her!" Anas ni Yanna kay Jane paglapit niya.
Buti na lang at ayos yung kwarto na pinagsstay ni Jane.
At dahil pare parehas kaming pagod ay nag pahinga muna kami ngayon araw dahil bukas uumpisahan na namin itour is Ari sa mga business niya.
Jane's POV
Habang si Yanna mahimbing na natutulog ako naman hindi makatulog.
'Bakit ba kasi ako nagkape!'
Napag desisyunan ko na lang na bumaba muna.
Maaga pa naman 5 pm palang ng hapon.
Maglalaro na lang ako ng PS5 sa baba para malibang ako.
Laking gulat ko dahil pag baba ko nandun si Ari.
"Ari" Tawag ko sakanya.
Agad rin naman siya tumingin sakin.
"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong ko.
"Hindi ako mapakali." Cold niyang sagot.
Tumungo tungo na lang ako.
Sa totoo lang hindi ko alam paano ko ulit siya kakausapin.
Natatakot kasi ako.
"Ano yung kumakalabog dun?" Tanong niya sabay turo sa isang pintuan.
Tinignan ko naman agad yung tinutukoy niya.
"Ah! Nandyan nakalagay mga aso mo." Sagot ko.
May nakawala ata sa cage kaya kumakalampag yung pinto.
"May aso ako?" Paglilinaw niya.
"Oo madami lahat sila na iwan mo. Di lang aso pati ibon at hamster. Pero onti na lang natirang hamster knowing na maiksi lang life span nila." Sagot ko.
Tumango tango lang siya.
"Tara puntahan natin sila. Sure ako na namiss ka nila. Pero ingat lang baka si Washington yung nakatakas." Aya ko.
Agad naman kami lumapit sa pinto at binuksan.
Pagkabukas na pagkabukas namin bigla ako sinugod ni Washington pero agad siya napatigil at nabaling ang tingin niya kay Ari.
Nilapitan niya si Ari at inamoy ito.
Bakas sa mukha ni Ari yung takot.
Ikaw ba naman lapitan ng Rottweiler.
"Wag ka matakot. Nakikilala ka niya. Try mo siya tawagin." Utos ko.
"Washington." Malambing na tawag ni Ari.
Bigla naman nag tatalon si Washington at kahol.
Nakilala na niya ata ang mommy niya.
Pumasok na rin kami sa loob ng room ng mga dogs at inisa isa ko pinakilala ang mga aso niya.
Lahat naman sila nakilala agad si Ari at tuwang tuwa makita ulit siya.

BINABASA MO ANG
Our Past
FanfictionReminiscing Our Past That I Will Never Forget. Book 2 of Our Paths