Chapter 3: Happy
We ate silently. It was a bit awkward but I love it especially when our eyes meet and he will look away shyly.
I watched him finish his food as soon as I finished mine. There's something about the way he moves. It was firm and smooth.
Yung ikaw nalang ang mag aalala kasi baka mamaya mabasag siya sa sobrang fragile. Nakangiti ako habang pinupuri siya sa utak ko.
He wiped his lips. He thought that the reason for my smile was because of the food on his face.
"Wala naman dumi. I'm just...admiring you," banat ko ulit.
Makakailang puntos kaya ako ngayong hapon at mamayang gabi sa mga banat ko?
He smirked and that's my goal and reward. I can imagine myself teasing him everyday just to witness his cuteness when he's shy.
Ang sarap mong ibulsa, Arkus!
"Sa Donya Juana pa ba kayo nakatira?" pagbubukas ko ng usapan nang natapos na siyang kumain.
Sumagot siya, "Hindi na. Lumipat na kami ng bahay,"
"Ah..." I nodded. Nag isip na agad ako ng sunod na tanong.
"Ba't kayo lumipat at...saan?"
Kumurap kurap siya. "Lumipat kami para malapit sa school at sa kapilya," he responded.
Tumahimik ako. I don't know how to ask about his religion but maybe it's not the right time to ask about it.
"INC nga pala ako, by the way..."
Siya na ang nagbukas ng usapin na 'yun.
I swallowed, "Oo nga raw. Anong usual na ginagawa kapag may samba kayo?"
Honestly, I'm not interested to hear but for the sake of our conversation I have to ask it.
My question made him speak and I watched his lips as he talked. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya at para lang akong tanga dito na namamangha.
"Kung interesado ka pwede kang dumalo," aniya nang natapos mag-kwento.
"S-Sure!"
Oh god, Miko! Hindi ka nga nagsisimba tapos dadalo ka pa sa ibang relihiyon?
"Sigurado ka?" para bang nagulat siya sa sagot ko.
I smiled and nodded. "Of course,"
Iisipin ko nalang na paraan din iyon para makilala ang parents niya o ang buong pamilya. Ganoon din kasi ang nabasa ko online. Kailangan mo raw kilalanin ang pamilya ng taong nililigawan mo.
"Gusto mo bang hatid na kita?" tanong ko habang pinagbubuksan siya ng pinto palabas sa fast food restaurant dahil tapos na kami kumain.
I saw how his eyes panicked a bit then he shook his head.
"H-Hindi na kailangan. Saka malapit na dumilim baka hinahanap ka na rin ng parents mo?" aniya at may punto nga naman siya.
"Alright. See you tomorrow?" I raised my brow.
Nagbadya ang ngiti sa kanyang labi.
Tumango siya, "See you tomorrow. Salamat..."
Pinasakay ko muna siya ng tricycle at saka ako umuwi. Nakangiti ako habang naglalakad papasok sa street namin.
I'm sure that these are the feelings when you fall in love. It'll make your day a day.
Nilabas ko ang cellphone ko para i-chat siya nang may pumasok na ideya sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Paradise In Your Eyes (Street Series #6)
Romance"Paradise is a place. But for me, it's in his eyes." 03.01.2024 Itsjepg 2024