Chapter 7: Sigurado
Months have passed. Naging normal din ang buhay at nagpatuloy kami sa pag-aaral nang mabuti, at tuloy pa rin ang panliligaw ko kay Arkus.
Our Grade 11 journey ended, and it’s now summer. Isang taon na lang at graduate na kami, pero nagpaplano na kami kung saan magka-college.
"Gusto ng parents ko na mag-apply ako sa mga state universities sa Manila. Damayan n'yo naman ako!" pagbabahagi ni Sam.
"Sa Bisbal lang ako mag-aaral ng kolehiyo. Ikaw ba, Miko?" si Jude, sabay siko sa akin.
Ka-chat ko kasi si Arkus. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila pero hindi ako nagsasalita.
"Baka sa Bisbal din. 'Yun lang naman malapit dito. Ayaw ko na rin lumayo," sagot ko, pero abala pa rin sa pakikipag-usap kay Arkus.
"Eh ikaw naman, Carl?"
"Baka sa La Salle. Doon din kasi si Alissa," sagot ni Carl.
Napatingin ako kay Carl. College din ang usapan namin ni Arkus, at hindi pa alam ni Arkus kung saan siya magkokolehiyo, pero nasa option niya ang Bisbal.
"Sa Manila?" tanong ni Sam, na nabuhayan dahil may makakasama sa Manila.
"Sa Dasmariñas," sagot ni Carl.
Malayo siya doon, ah? Mahal na mahal niya talaga si Alissa, na kahit mahirap at malayo, ay susundan niya ito.
"Maiwan ko na kayo. Mag-basketball lang kami!" paalam ni Carl at tumayo na, saka umalis.
Nandito kasi kami nakatambay sa park ng Casa Poblacion. Mainit ang panahon, pero nasa damuhan kami at nasa ilalim ng puno, kaya presko at walang araw.
"Pansin niyo ba na bihira nang sumama si Carl sa'tin? Kung sasama man siya, saglit lang tapos umaalis agad?" Sam commented while following Carl's footsteps.
"Pansin ko rin 'yan. Lagi na lang niya kasama yung mga friends niyang straight. Hindi naman siya ganoon dati," Jude said as he sipped on his mango shake.
"Hayaan niyo na, baka gusto lang ng bagong hobby," opinyon ko naman.
"Baka ayaw niya na sa'tin kasi hindi tayo straight?" palagay ni Sam.
I grinned and shook my head.
"Grade 7 palang ay magkakaibigan na tayo. Sana noon pa niya ginawa ang pag-iwas kung ayaw niya sa atin," giit ko.
"Oo nga, at tsaka hindi naman gagawin ni Carl 'yun," pagsang-ayon ni Jude.
Sam sighed and flipped the next page of the book he's reading.
"Sana nga. Mga homophobic pa naman yung nakakasama niya lately, at sana hindi siya maimpluwensyahan,"
We spent half of the summer going to the beach, playing arcades in the mall, visiting some tourist attractions in Laguna, and we also went to Intramuros in Manila.
Kaming tatlo lang at hindi sumama si Carl dahil busy. I also tried to invite Arkus, but he was busy with his family and religion.
Nang sumapit ang Mayo, pamilya at relatives ko naman ang kasama ko. Birthday din ni Mama, kaya nagbakasyon din kami sa Batangas.
"Hindi mo sinama si Arkus?" tanong ni Mama, na tahimik akong pinagmamasdan habang nakatingin lang sa dagat.
Bumuntong-hininga ako. "Busy siya sa pamilya niya, Ma."
"Maayos pa ba kayo? Ba't parang hindi na? Nanliligaw ka pa ba?" my mother bombarded me with her questions.
"Maayos pa naman. Bihira ko lang siya makasama kasi marami din siyang lakad kasama ang pamilya." I answered, and that was his exact reason.
BINABASA MO ANG
Paradise In Your Eyes (Street Series #6)
Romance"Paradise is a place. But for me, it's in his eyes." 03.01.2024 Itsjepg 2024