Chapter 2

85 6 0
                                    

Chapter 2: Nanliligaw

There was silence.

I expected his reaction and that was priceless. I can stare at him all day.

"S-Seryoso ka ba?" hindi siya makapaniwala.

I nodded confidently. I licked my lips and prepared myself to explain.

"Hindi mo lang nahahalata pero matagal na kitang gusto, Arkus." panimula ko.

Gulantang siya at parang pino-proseso pa rin ang sinabi ko. 

"Grade 9 palang tayo. Noong ginamot mo ako sa clinic hanggang sa lagi na kitang nakikita at tuwang tuwa ako kapag nakikita ka," I added.

His mouth was shut. Hindi niya na nga natuloy ang ginagawa. 

"Kahit mga small interactions natin noon ay nagpapasaya sa'kin. Matagal ko na rin gustong sabihin sayo na gusto kita pero hindi ako makahanap ng pagkakataon kasi abala ka lagi. Ngayon na na-solo kita...naglakas na ako ng loob na umamin," I said without breathing.

Nakalimutan ko na ata ang huminga. Yumuko siya at kinagat ang labi. Hinayaan ko siya na iproseso ang mga sinabi ko.

Napalunok ako. Grabe ang tibok ng puso ko pati ang alon ng kaba sa sistema. Pero may parte sa akin na gumaan pagkatapos kong umamin.

Nakabawi na siya kaya nagkatinginan ulit kami. Hindi ko alam pero nakitaan ko ng pagkinang ang mga mata niya o baka nahihibang lang ako.

"M-Manliligaw ka?" he said with a tone of confusion and asking for clarification.

Para bang imposible ang gusto kong gawin kaya sinisigurado niya.

I nodded proudly, "Oo. Manliligaw ako, Arkus," paglilinaw ko.

Courting is for everyone. I don't know if he thinks that courtship is for boys and girls only. 

"W-Wala akong masabi..." sagot niya at yumuko ulit.

"Naiintindihan ko. Basta liligawan kita..." ulit ko.

Masaya akong nakikinig sa aming guro na nagtuturo sa harap. Madalas ay nakakatulog ako sa klase niya pero iba ang araw na ito. Ganadong ganado ako.

Syempre mapapansin ako ng mga kaibigan ko kaya ito sila at kanina pa panay bulong at inis sa akin. Ngumingiti lang ako at hinayaan sila na mag isip kung bakit ako ganito kasaya.

"Kayo na ba ni Arkus?!?!" napalakas ang pagkakasabi ni Jude.

Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig ng palengkera kong kaibigan. 

Uwian na at marami kaming kasabay sa hallway at sa pagbaba kaya halos lahat ay napatingin sa akin. Halos umirap ako sa hangin. Nasapo ko ang noo at umiling iling.

"Ang ingay mo naman, Jude! Sarap mong ipakulam!" giit ko sa kaibigan.

Umulan ang mga tanong nila habang naglalakad kami sa may campus. Kung hindi lang humarang sa dinaraanan namin si Joanna ay hindi sila titigil.

"Bakit?" tanong ko rito.

She raised her brow and crossed her arms. Behind her are her girl friends. 

"Wala. At least makaka-move on ako sa'yo kasi alam ko na ang dahilan kung bakit hindi mo ako gusto. Pwede mo naman sa akin sabihin na hindi ka straight at hindi mo preferred ang opposite gender. Pinag-isipan ko pa ng ilang araw kung ano ba ang kulang sa akin at hindi mo ako magustuhan pabalik," walang preno nitong sabi. 

She was so real for that. Now, all our jaws are on the floor. Grabe naman ang atake!

"I guess we can be friends nalang?" dagdag niya at naglahad ng kamay.

Paradise In Your Eyes (Street Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon