Chapter 9

13 4 1
                                    

Chapter 9: Halik





Tanaw ang paglubog ng araw, dinig ang paghikbi ng kaibigan, pagdaan ng pait sa lalamunan na dala ng alak, amoy ng sinisigang dahon.

Nandito kaming tatlo sa veranda ng bahay ni Jude. Isang oras na kaming nandito pero tahimik pa rin kaming tatlo. Isa lang ang tumatakbo sa isip namin at iyon ang mga salitang ginawad ni Carl sa amin. 

Si Sam ay umiiyak, si Jude ay tulala kagaya ko. We're all hurt due to abandonment. This is making my stomach churn. 

"Tinapon niya lang tayo nang ganon ganon lang?" Sam's bargaining. 

I sighed. 

"What do you expect? He's straight. Nagkaroon pa ng bagong kaibigan na puro lalaki kaya na-impluwensyahan at nilayuan na tayo," si Jude naman.

We were friends since grade 7 at alam niya na homosexual kami at okay lang sa kanya 'yun at hindi raw problema. Pero noong senior high school at sumali siya ng basketball team ay nagsimula na rin pala na mag iba ang tingin at turing niya sa amin. 

I don't know if he got influenced by his teammates or did he just literally outgrew us? Two possible reasons but if the second reason is the right one, it would’ve hurt.  

What will you feel if someone gets tired of you? What would you do if someone slowly lost the sparks and connection in your bond? 

You know that you can't do anything. You can't control their feelings and you can't manipulate their mind. You just have to accept it. That's what I just realized today.

I just lost my friend and no he didn't die, our friendship does. 

"Dahil lang ganito tayo? Akala ko okay lang sa kanya 'yun?" patuloy ni Sam.

We decided to drink with just the three of us until midnight. Tumingin ako sa dalawang kaibigan na kung kanina ay umiiyak ngayon ay nagtatawanan naman. Ngumiti ako at natantong may kaibigan pa rin naman ako. 

Nagpatuloy ang mga araw sa school. Mas pinili ko na mag focus nang mabuti sa pag aaral dahil huling taon ko na rin naman ito sa high school at college na ako next year. 

Over time, I learned to accept the fact that Carl isn't my friend anymore. He's now a stranger that I used to know and I chose to ignore him too every chance I get to see him with his newfound friends or some time with her girlfriend. 

I pour all my time to studying. Hindi naman ako matalino, masipag lang. Nagagawa ko naman ang parte ko sa isang proyekto katulad nalang ng reporting namin ngayon.

Nandito ako sa library at kanina pa naghahanap ng libro as a source of information. Kasama ko si Arkus kanina pero umalis din siya nang sunduin ng mga kaklase. 

May nahugot akong isang folder at dumulas ang mga papel kaya nagkalat ito sa sahig. Hindi ko sinasadya na makita ang mga nilalaman nito noong pinulot ko. Nagliyab ang aking kuryosidad lalo na nang may mabasang kilalang personalidad at pangalan sa politics.

Imbes na ibalik sa shelf ay dinala ko ang folder sa lamesa at nagsimulang basahin ang mga laman nito. 

Mga lumang litrato na may petsa at mga dyaryo na may taon kung kailan inilabas. Year 1965, 1972, 1986...

Lumang mga litrato, dyaryo, magazine, tabloids at iba pa. Namangha ako sa timeline at mas naging kuryoso na basahin ang paksa nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kilalang apelyido sa Laguna.

Paradise In Your Eyes (Street Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon