Chapter 6: Sign
"Miko..." he muttered in between our kisses.
Our eyes met. He looked at me like he was asking for more. He bit his lower lip and put his hand on my nape. He kissed me again but I stopped.
"Masyado tayong mabilis, Arkus. Let's slow down?" sabi ko.
Kumurap-kurap siya at para bang hindi niya inasahan ang sasabihin ko. Kissing him was the closest thing to heaven and I don't mind doing it whenever he asks for it but I want to take it slow.
"S-Sorry," he said shyly and looked away.
Umalis na ako sa ibabaw niya at bumalik na sa dating pwesto which is sa tabi niya. Tumagilid siya and he's now facing the wall. I decided to hugged him from the back until we fall asleep.
Sumapit ang valentine's day at may event sa school kaya parang naging half day lang ang pasok namin. Hinayaan kami ng mga teachers na mag enjoy sa event at subukan ang iba't ibang booth sa campus.
Nandito kami at naglalaro ng badminton habang ako ay maya't maya rin ang pagnanakaw ng tingin kay Arkus na seryosong inaayos ang booth nila. Ang cute niya lang kapag seryoso kaya hindi ko matanggal ang tingin ko.
"Umayos ka nga, Milano!" saway ni Jude sa akin nang mapansin ang ginagawa.
Tumawa ako at pinilit mag seryoso pero ang ending ay talo ako syempre. Nagpahinga kami at doon na nila ako sinimulan.
"Any progress? Ilang buwan ka nang nanliligaw ah?" Sam started.
"Mayroon naman," sagot ko sabay inom ng gatorade.
Halos mabuga ko lang ang iniinom nang makitang may lumapit na lalaki kay Arkus. Kitang kita ko ang ngiti sa labi niya pati na rin ang ngiti ng lalaki. May inabot ito kay Arkus at hindi ko alam kung ano iyon.
"Like what? Nakilala mo na ba siya?" si Jude naman.
"M-Medyo," tipid kong sagot.
Naging mapait pa ang paglunok ko at biglang nakaramdam ng panlulumo.
"Mabuti naman kung ganun. Nagbibigay na ba siya ng pahiwatig?" si Carl na kahit busy sa cellphone dahil kausap ang girlfriend ay nagawa pang magtanong.
Dahil sa tanong ni Carl ay sumagi sa isip ko ang halikan namin sa gitna ng malamig na gabi. That was a sign for me I just don't know what that kiss meant for him.
"O-Oo?" I stuttered for some reason. Bumalik ang tingin ko kay Arkus at mag isa na ulit siya.
Gusto kong tumakbo palapit para tanungin kung sino ang kausap niya at kung ano ang binigay nito sa kanya. Nagseselos kasi ako.
"Hindi sigurado sa sagot? Yung totoo, Miko, may patutunguhan pa ba ang panliligaw mo?" si Jude ulit.
Kunot ang noo ko, "Anong patutunguhan? Lahat naman ng actions ay may patutunguhan, Jude."
Umirap ang kaibigan, "Alam ko pero tingin mo ba...magiging kayo?"
Mabilis akong tumango, "Of course! Maghihintay ako kahit gaano katagal kasi sigurado ako kay Arkus,"
Tumiklop ang bibig ni Jude at napainom nalang ng tubig. Ngumisi naman si Carl at nag salute pa sa akin si Sam na parang proud siya sa sinabi ko.
"E-Edi best of luck." iyon nalang ang nasabi ni Jude.
Sinubukan namin ang lahat ng booth dahil marami rin ang nag aya sa akin. Nasa booth na kami nila Arkus.
Ang ideya ng booth nila ay gagawa ka ng note at sila ang maghahatid nito sa taong gusto mong pagbigyan.
BINABASA MO ANG
Paradise In Your Eyes (Street Series #6)
Romance"Paradise is a place. But for me, it's in his eyes." 03.01.2024 Itsjepg 2024