CHAPTER 1

3 1 2
                                    

Melody

MADALING araw na ng makabalik ako sa dorm ko. Binibingi ako ng katahimikan ng paligid, pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

On my way home, inopen ko ang papel na iniabot ni Thorn saakin. At literal na kumabog ang sistema ko ng mabasa ang nakasulat sa papel.

Hi Melody,

Add mo 'ko sa dump ko, lakad kita kay Win ;)

FB: Franco ng buhay mo
IG: itzmeFrancoNgbuhaymo
X: frncngbhym

I went to that concert, walang ineexpect kundi ang satisfaction and kasiyahan ko na makita sila personally, pero yung makausap sila in personal tapos maka interact pa si Thorn, that hits diff.

Sariwa pa din sa akin ang conversation namin ni Win kanina. Sariwa pa din sa akin ang pag-assume ko na totoong gusto niya ko. He doesn't even know I exist not until earlier.

"I like you.."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ngunit agad niya din binawi.

"I like your shirt, it looks nice on you"

Sobrang dismayado ako kanina dahil akala ko ako na talaga ang gusto niya. Why am I expecting anyway, he just met me earlier. At ang tulad kong normie girl, malabong magustuhan ni Win. He's on the top, and I am literally out of his league.

Pero all in all, okay lang kasi in the first place I didn't expected things to take turn. I'm already grateful sa mga nangyari.

At dahil sa concert na iyon, lalong lumalim ang admiration ko sa Sixtos. Talagang wala ng makapagpapaalis sakanila sa sistema ko lalo na ang ulimate crush ko, Win.

Napatitig ako sa posters nila na halos umokupa sa kwarto ko. Magsimula sa visuals, styles, talents, na sa kanila na halos lahat. Kaya hindi talaga sayang ang paggastos ko sakanila. They are truly worth it.

Nag update ako ng happenings sa stan account ko, umani agad ng likes ang post ko.

Like what I expect, I am the hotseat in social media. Almost of articles regards the concert point out to a certain fan who wore cloth with Win's faces on it. And almost of the viewers says it is giving good vibes, naipakita ko daw na totoo ang pagmamahal ko sa Sixtos.

Kalakip ng mga aricles ay photos ko wearing the cloth. Mabuti nalang ay halos lahat ng photos ay nakablurred ang face ko. Siguro dahil wala pa permission galing sakin. Maaari ma turn down ang articles kapag nagreklamo ako.

Pero that's fine, hindi naman recognizable.

Nakalutang pa din ako sa alapaap hanggang lamunin na 'ko ng antok. This is indeed the best night before I fell asleep.

-

Umaga pa lang ay nandito na kami sa labas ng studio ng kaibigan kong si Daph. Kasama ang baby girl niyang si Dorelle. Sila lagi ang kasama ko sa tuwing may work ako dito sa theatre.

Every sundays ay nag peperform ako sa theatre. Aside sa pag wowork fron home sa isang call center company, nag wowork ako bilang actress/singer sa theatre malapit sa dorm ko. Hindi naman lagi ay puro work and work and work. Kahit papaano ay gusto ko pa din gawin ang passion ko. I really love singing.

Sobrang dedicated ako sa work ko, to the point na halos ipagpalit ko siya sa call center. However, it's not always the dreams and passion, I need to be practical. Every weekdays ay pumapasok ako sa college, I'm graduating this year thank God. Every night ang schedule ko sa call center, and then weekends madalas ay sa theatre ako.

Napansin ko din na padami ng padami ang dumadayo dito every week na ikinatutuwa ko. Tulad nalang ngayon, pinipilahan pa din ang tickets sa labas kahit halos maubos na ito online. Nakaka touch.

Sing My Heart Out (SIXTOS KRYPT SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon