CHAPTER 3

2 1 2
                                    

Melody

Sabi nga nila, expect the unexpected. I can't believe what's happening right now pero andito talaga siya. It's really happening. At unti unti ko nang na rerealize lahat. Wala talagang imposible.

Nag-stop kami sa isang malaking mansion. Old style mansion, parang 'yung mga house noong unang panahon. Maraming car ang nakaparada sa harap, I guess ito na ang sinasabi ni Win na house ng Sixtos.

"Welcome to Sixtos lair" he said as he opened the door.

Namangha ako sa sobrang ganda ng loob. Kung sa labas ay makaluma ang style, dito sa loob ay parang modern na medyo luxurious.

Magmula sa chandelier na kumikintab sa sobrang daming dyamante doon, hanggang sa grand stairs na may carpet na color brown, sa mga furnitures na halatang mamahalin.

Maraming album ang naka display sa shelf, halos puno ang tatlong matataas na shelf. Mayroon din nakakalat na iba't ibang instrument sa living room, malamang ay ginagamit nila ito.

"Wow" tanging nasabi ko.

"Minsan lang ako dito, madalas sa condo ako sa Pampanga." he said.

"Oh, so hindi talaga kayo lagi magkasama?"

Umiling siya. "No, may kaniya-kaniya kaming house or condo. Nagsasama-sama lang kami dito if there's a celebration, new vlogs and making or recording of our new songs."

Wow. Another knowledge about Sixtos, official information from one of the members of Sixtos. Thank you sa infos Win.

"I see, I just thought lagi kayo magkakasama. Ang comfy ninyo tignan sa isa't isa, hindi awkward ganun."

"Yeah, it's just we treat each other like real brothers. We share everything we had, ganyan talaga kapag pare-parehas handsome e." natatawa niyang sabi.

Sa sandaling magkasama kami ni Win, masasabi kong kwela talaga siya. Kahit na maangas, hindi siya 'yung parang seryoso lagi sa buhay. Minsan magseseryoso, tapos saglit lang biglang tatawa ng malakas.

Ikalma mo naman Win, baliw na baliw na nga ako sa'yo pinapalala mo pa.

Pero sa true, namamangha ako sa sinabi niya. Alam ko naman na genuine sila sa isa't isa pero hindi lang magkakaibigan turingan nila, more like brothers.

When we got to the second floor, we entered in a room with 'Studio' written above the door. I roamed my eyes to see a spacious area with 6 futon scattered on the ground. And to my shock, there are the five of 'em. Dame, Colt, Thorn, Genesis, and Phaxton sitting on the futon. And it seems like they're working on something.

Nabaling ang tingin nila saamin, naramdaman ko nanaman ang hiya. Gulat sila nang makita ako, lalo na si Colt at Thorn.

"Holy shit" sinabayan ng sign of the cross ni Colt.

"Holy shit talaga Colt" nag sign of the cross din si Thorn.

"Uh, hi.." I shyly approached them.

"What is she doing here Win?" Dame is irritated. Why so sudden?

Galit ba siya na nandito ako? Hala..

"Chill Damien, she's harmless." bumaling si Win ng tingin saakin, at tumingin muli sakanila. "So bros, meet Melody. Remember she was there in our concert at Pampanga."

Ngumiti si Genesis saakin. "Yeah, how should I forget. She's you're ultimate fan" lumapit siya saakin at iniabot ang kamay niya. "I'm Brylle Genesis, nice meeting you."

I smiled and reached for his hand. Kinakabahan ako na medyo nanginginig kaya hindi ko na halos mabitawan kamay niya. Nagulat ako ng si Win na mismo mag-alis ng kamay ko kay Genesis at hinila ako sa nagiisang sofa.

Sing My Heart Out (SIXTOS KRYPT SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon