CHAPTER 5

2 0 0
                                    

Melody

HINDI ko alam paano ko natagalan ang party kahit na halos lumilipad ang isip ko sa mga nangyari. Pero totoo lahat ng iyon. Ang Sixtos ay nagperform kanina sa stage.

Napatingin ako sa paligid at ganun nalang din ang kaba ko nang makitang nakatingin si Colt at Thorn sa akin ng medyo nakakunot ang noo.

Napatingin ako kay Mom and Dad na busy sa pakikipag-usap sa mga bisita. Wala akong gagawin dito, nagmistulang display lang ako.

Kinalabit ko si mom. "Mi, may pupuntahan lang po akong kakilala."

"Dito ba dear?" tumango ako

Lumingon sa akin ang kausap ni mommy na halos kaedaran niya din. Nginitian niya ako ng malapad. "Lalong gumaganda ang anak mo Mel. Pwede siyang ipasok sa modeling agency."

Umiling iling si mommy. "Naku, she's not into modeling. Mas nag fo-focus siya sa studies niya and nag-aaral na din paano mag run ng business."

Napapikit ako sa sinabi ni mommy. Ganto nalang sila lagi. Sinasabi sa iba na susunod talaga ako sa yapak ng Daddy ko kahit wala naman talaga sa plano ko iyon.

"Sige na nak, go socialise. Tatawagin na lang kita kapag hinahanap na tayo ni Dad oki??"

Iniwan ko si mommy doon, at naglakad sa direksyon nila Thorn at Colt. Natuwa ako sa naisip na hindi mapaghiwalay itong dalawa. Walang masyadong umaaligid sakanila dahil hindi naman lahat ng business man ay ma-alam sa mga pop group. Good thing dahil malaya ko silang makakausap.

"Hi!"

Nanlaki ang mata ni Thorn sabay hampas kay Colt. "Sabi na e, siya 'yan." ngumiti siya ng malapad sa akin. "Hindi kita halos nakilala Melody, kaya akala namin hindi ikaw 'yan."

"Nagulat din ako na makita kayo dito. naka free viewing tuloy ako sa inyo."

Inabutan kami ng waiter ng shot glass na may lamang wine. Napatingin ako sakanila at iniangat ang shot glass ko.

"Cheers" pinagbangga namin ang mga baso sabay simsim sa wine.

Marami kaming napagkwentuhan. Tulad nalang daw ng pag-imbita sakanila dito na mag perform dahil malaking influence daw sila dahil sa natural talents nila. Hindi lang kasi basta boy group ang grupo nila kundi active din sa mga campaigns and advocacies na tumutulong sa marami.

Pero hindi iyon ang pinakanaiisip ko. Nasaan na kaya siya? Kanina ko pa siya pasimpleng hinahanap pero hindi ko talaga siya makita. Hindi ko din siya maitanong kay Thorn at Colt dahil baka isipin nila na isa akong obsess fan. Sa part pa nga lang na I'm with them, I am lucky enough. Madaming babaeng naghahangad nito.

"Ibang Melody ang kaharap namin ngayon" Colt said while laughing at his thought.

Trust me, I almost didn't recognise myself too. It's like I made a total transformation. Maging ang pagiging mahiyain ko ay hindi gaano nangunguna sa akin.

"I thought I'm the only one who noticed it." napaisip naman ng bahagya si Thorn at pinanlakihan ako ng mata. "Hindi ba ikaw iyong sinabi ni Mr. Suller kanina sa speech niya? Diba Colt? Melody daw"

Colt nodded "Huwag mong sabihing.."

Nahiya na ulit ako sa mga naiisip nila. Hindi ko expect na maioopen ang ganitong topic kasi hindi naman big deal ito para sa akin.

Pero para sagutin ang mga katanungan nila, tumango ako. "Yes, ako nga iyon. I'm a Suller, daddy ko iyong nag-speech kanina."

"Wowers, that's nice diba repa?"

"Yeah nice" medyo malamyong sagot ni Colt ay Thorn.

Napansin kong namumula si Colt at palingon lingon na parang inaantok na hindi mo alam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sing My Heart Out (SIXTOS KRYPT SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon