CHAPTER 2

3 1 7
                                    

Melody

KANINA pa ako kinakausap ni Mrs. Canlas about sa paycheck pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

My mind went black since Win as my partner encounter.

Kanina din ay kinukulit ako ng mga kasama ko, asking questions tulad ng mga nag fafangirl. Like ano daw ang feeling ng mahawakan ang kamay ng ultimate idol nila, mabango daw ba, ano daw naramdaman ko.

Pero ni isa ay wala akong kinausap dahil masyadong lumilipad ang utak ko, at pina-process ang nangyari kanina.

After our performance, agad pumunta sa stage ang ibang actors/actresses para sa aming ending, bigla naman nawala sa paningin ko si Win.

Kung hindi pa ako tinanong ng mga kasama ko kung how was the feeling, baka isipin ko na nag de-daydream lang ako. Pero he's real. Totoo siya. Nakakalungkot lang na after that, hindi ko na muli siyang nakita. Ni makapagpaalam ay hindi ko nagawa.

Bakit naman siya magpapaalam saakin, I am no one but his die hard fan.

"Melody, earth to Melody" Mrs. Canlas snapped her fingers in front of my face bringing me back to my senses.

"Y-Yeah? Pardon me." nahihiyang yumuko ako. Ano ba, ihiwalay ang work sa personal matter. Hindi ikaw 'yan Melody!

"If okay sa'yo ay kalahati ng na earn ay mapupunta sayo since hindi nagpapabayad ang volunteer, and you did great today seriously bumenta talaga mga tix natin." she announced.

Umiling ako kay Mrs. Canlas. "Bigyan niyo po ako tulad ng ibibigay niyo sa ibang kasama ko. I want to be even po. Even if I did great or not, I love what I'm doing and I'm not taking advantage of it."

Naniniwala kasi akong lahat naman kami ay nag prepare at nagpagod sa araw na ito, hindi mahalaga kung sino ang 'mas' sa lahat ng ganap ngayon. Besides, may mga mas nangangailangan nun.

She proudly smiled at me and agreed.

Ilang minuto kong ipinahinga ang sarili hanggang sa 'di ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may pumatong saaking tela, agad kong nayakap iyon sa lamig ng ac dito sa office ni Mrs. Canlas. Tatayo na sana ako pero nilalamon talaga ako ng antok.

4:37 pm ng magising ako. Wala na halos ang sinag ng araw dahil malapit na ang paglubog nito. Napatingin ako sa paligid, hinayaan ako ni Mrs. Canlas matulog sa office niya.

Hinagilap ko ang phone ko and dialled Daph's number. Ilang ring lang ay agad niya din itong sinagot.

[I heard from someone na nag-sleep ka sa office ng boss mo.]

"Yeah, I'm really sorry hindi ko kayo naihatid ni Dorelle. Sobrang pagod ko kanina, nilalamon ako ng antok legit"

[That's fine, you need to rest naiintindihan ko. Besides nakatulog din agad si Dorelle kaya tumawag agad ako sa driver namin.]

"Ganun? Akala ko pa naman may atraso na ako sayo"

[Ay teh meron talaga! Talandi ka ginulat ninyo ang buong sixto nation, hindi na 'ko magugulat one day matatagpuan ka nalang na lumulutang sa ilog. Andaming fans nung Win na 'yun ang susugod sayo]

"Nagulat din ako, kanina kasi namomroblema kami dahil maaga umalis si Dex, medyo may complications na nangyari. Pero naayos naman kasi may volunteer daw. Malay ko ba na siya pala 'yung volunteer."

Nakipagkwentuhan muna ako ng ilang minuto bago ko tuluyang patayin ang call. Napa bugtong hininga ako.

I never thought na mangyayari lahat ng bagay na noon ay sa daydreaming ko lang nararanasan. As much as possible ayaw kong bigyan ng meaning ito dahil una sa lahat, hindi ako gusto nung taong kinababaliwan ko.

Sing My Heart Out (SIXTOS KRYPT SERIES #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon