ELIGIBILITY

2.4K 25 14
                                    

Kung ang isa sa iyong mga kuwento ay eligible na makasali, ang isang eligibility banner ay makikita sa 'Story Details' page ng kuwentong iyon at mananatili roon sa kabuuan ng panahon ng pagsusumite. Kung may ginawa kang mga pagbabago sa iyong kuwento para matugunan nito ang mga kinakailangan para sa eligibility, mangyaring maglaan ng hanggang 24 oras para magkabisa ang pagbabago at para makita ang submission form.

Para maging karapat-dapat na sumali at manalo ng Watty Award, ikaw at iyong kuwento/mga kuwento ay dapat sumunod sa mga sumusunod na eligibility criteria:

EDAD
Ikaw ay hindi dapat bababa sa 13 taong gulang. Ang mga magwawagi na mas bata sa 18 taong gulang ay dapat magkaroon ng pahintulot mula sa magulang o legal guardian upang makasali at kumolekta ng kahit na anong premyo. Mangyaring siguruhin na inilagay mo ang iyong petsa ng kapanganakan sa iyong Wattpad account upang makumpirma ang iyong edad, kung hindi, hindi ka makatatanggap ng eligiblity banner sa iyong kuwento.

MGA KARAPATAN
Dapat ay pagmamay-ari mo at may kontrol ka sa lahat ng karapatan sa iyong kuwento para ang iyong kuwento (hal. hindi ka maaaring magsumite ng na-plagiarize na kuwento o isang kuwento na ibinenta mo ang mga karapatan sa ibang tao o anumang bagay na nangangahulugan na hindi mo kontrolado ang lahat ng mga karapatan sa iyong kuwento) upang maging eligibile na makasali sa Wattys at posibleng manalo ng isang Watty Award.

PARA SA MGA KUMPLETONG KUWENTO:

Ang mga kumpletong kuwento ay mga kumpletong nobela na may malinaw na simula, gitna, at wakas, at dapat matugunan ang mga sumusunod na criteria:

BILANG NG SALITA
Ang iyong kuwento ay dapat mayroong 50,000 mga salita o higit pa kung nakasulat ito sa Ingles at dapat nakamarka bilang kumpleto kapag isinumite.

Ang iyong kuwento ay dapat mayroong 40,000 mga salita o higit pa at nakamarka bilang kumpleto kung nakasulat ito sa Filipino o Espanyol.

PETSA KUNG KAILAN NAKA-POST
Ang unang parte ng iyong kuwento ay kinakailangang nai-post sa Wattpad ng o pagkatapos ng Enero 1, 2022. Maaari mo itong tapusin kailanman bago mo isumite ang iyong kuwento.

MGA SEQUEL [Ingles Lamang]
Sa Ingles, ang mga sequel ay eligible ngunit dapat itong masuri bilang isang stand-alone na kuwento. Kapag nagsumite ka ng isang sequel na hindi masusuri bilang isang stand-alone, madidiskwalipika ito pagkasumite mo. Ang mga sequel ay hindi available sa ibang mga lengguwahe.

Kung ang isang sequel ay isinumite sa isang lengguwahe maliban sa Ingles, ang sequel ay madidiskwalipika.

PARA SA MGA ONGOING NA KUWENTO [Ingles Lamang]
Ang mga ongoing na kuwento ay mga kuwentong hindi pa kumpleto at sadyang magpapatuloy sa mahabang panahon. Para maging eligible, ang mga kuwentong ito ay dapat matugunan ang mga sumusunod na criteria:

BILANG NG SALITA
Ang iyong kuwento ay dapat mayroong 20,000 mga salita o higit pa at HINDI dapat nakamarka bilang kumpleto kapag isinumite.

PATTERN SA PAGPO-POST
Ang iyong kuwento ay dapat nasa Wattpad platform na mula noong Hunyo 5, 2024. Ang mga kuwento ay kinakailangang na-update ng 8 mula sa 10 nakaraang linggo mula sa panahon ng pagsusumite. Tinutukoy namin ang pagpo-post nang isang beses sa isang linggo bilang pagpo-post nang hindi bababa sa isang beses sa pagitan ng Lunes hanggang Linggo bago ang 11:59:59 PM UTC. Ang mga story update ay kinikilala bilang 500+ mga salita sa bawat pagkakataon.

Ang kuwento ay kinakailangang nakatanggap ng update nang kahit 80% ng mga linggo sa pagitan ng petsa kung kailan mo isinimute ang kuwento at ang petsa kung kailan inanunsyo Ang mga Na-shortlist na Entry (sa o bandang Oktubre 14, 2024) o ang iyong kuwento ay madidiskwalipika.

PAGSUSUMITE & SUBMISSION FORM
Kinakailangan mong kumumpleto ng isang submission form kasama ang iyong entry para maging eligible. Kumpirmahin ang lahat ng impormasyon na iyong idedeklara sa iyong form at tiyakin ang katumpakan bago magsumite dahil hindi mo na mababago pa ang iyong mga sagot pagkatapos mong magsumite.

Maaari kang magsumite ng higit pa sa isang eligible na kuwento sa Wattys, ngunit mangyaring pakatandaan na isang kuwento lamang kada creator ang maaaring manalo kada taon.

Mangyaring pakatandaan din na hindi na kami tatanggap ng mga isinumite nang mga Kumpletong kuwento noon sa Wattys. Simula ngayong taon, tatanggap lamang kami ng mga pagsusumite nang isang beses. Ang mga Ongoing na kuwento (Ingles lamang) ay maaaring isumite nang isang beses kada taon, sa pagkakataong ito.

Ang mga ongoing na kuwento na na-shortlist na noon sa Wattys (ngunit hindi nanalo) ay maaaring isumite basta natugunan ng mga ito ang iba pang eligibility criteria.

LENGGUWAHE & TERITORYO

Ngayong taon, gumawa kami ng ilang pagbabago sa kung anong mga lengguwahe ang eligible para magsumite. Mangyaring bisitahin ang aming FAQ para sa iba pang impormasyon.

Para makasali sa Wattys, ang iyong kuwento ay dapat nakasulat sa isa sa mga sumusunod na tatlong lengguwahe:
Ingles
Filipino
Espanyol

Ang Wattys ay tumatanggap ng mga pagsusumite sa buong mundo, kung saan ang mga patimpalak na tulad nito ay pinahihintulutan ng batas.

(MGA) GENRE NG KUWENTO

Ang mga kuwento ay susuriin at bibigyan ng award base sa isang sistema na hindi paghihiwalayin ang mga Nagwagi ayon sa genre. Habang kinakailangan pa rin ang pagdedeklara ng genre sa submission form, ang mga kuwento ay hindi bibigyan ng premyo sa bawat 'kategorya ng award'. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga premyo ngayong taon, mangyaring tingnan ang aming kabanata tungkol sa 'PREMYO'.

Ngayong taon, ang Wattys ay tatanggap ng pagsusumite sa mga sumusunod na genre:

Action & Thriller
Fantasy
Historical
Horror
Mystery & Detective
Paranormal
Romance
Science Fiction

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga pagpipilian sa genre, mangyaring tingnan ang aming kabanta tungkol sa 'Paano Magsumite'. Ang Wattys ay hindi tatanggap ng mga pagsusumite sa Fan Fiction sa kahit na anong lengguwahe. Hindi rin kami tatanggap nga mga tula, mga koleksyon ng maikling kuwento, random, nonfiction, o mga classic.

Nais linawin ng Wattpad na kahit na anong kuwento na iyong isusumite sa Wattpad ay mananatiling 100% na iyo. Ang mga karapatan na aming kukunin ay nakalista sa 'Mga Legal na Usapin' na kabanata. Siguraduhing tingnan ito!


Ang 2024 Watty AwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon