PAANO MAGSUMITE

1.2K 12 7
                                    

Simple lang ang pagsali! Bisitahin ang Story Details page ng kuwentong nais mong isali. Kung ang iyong kuwento ay eligible, uudyukan kang kumumpleto ng isang submission form. Kapag nakumpleto na ito, makatatanggap ka ng kompirmasyon na ang iyong kuwento ay nasumite. Ang Story Details page ay kung saan ka naglalagay ng deskripsyon, pamagat, lengguwahe, at iba pa ng isang kuwento.

Lengguwahe ng Award:
Dito, ipakikita kung anong lengguwahe mo isinusumite ang iyong kuwento. Ito ay base sa lengguwahe na iyong idineklara sa iyong kuwento sa 'Story Details' page ng iyong kuwento. Kung ang iyong kuwento ay nakasulat sa maraming lengguwahe, siguraduhin na ang iyong kuwento ay isinali sa lengguwaheng namamayani sa kuwento. Ang mga kuwentong hindi pasok sa Ingles, Filipino, o Espanyol ay hindi magiging eligible para makonsidera.

Ang mga kuwentong isinalin sa ibang mga lengguwahe ay hindi eligibile - maaari mo lamang isumite ang iyong kuwento sa isang lengguwahe.

Deklarasyon ng Ongoing o Kumpletong Kuwento [Ingles lamang]:
Dito, ipakikita sa iyo kung ang iyong kuwento ay isinusumite sa 'Ongoing' o 'Kumpleto' base sa iyong deklarasyon sa 'Story Details' page ng iyong kuwento. Para sa iba pang impormasyon kung ano ang bumubuo sa isang Ongoing o Kumpletong kuwento, mangyaring tingnan ang aming Kabanata sa Eligibility.

Mga Tanong sa Pagkakakilanlan ng Series [Ingles lamang]:
Ang mga serye ng mga katanungang ito ay uudyukan kang ideklara kung ang iyong kuwento ay parte ng isang series, at kung ito ay isang sequel.

Haba ng Ongoing na Kuwento [Ingles lamang]:
Ang katanungang ito ay may kaugnayan lamang sa mga magsusumite sa kategorya ng Ongoing na Kuwento sa Ingles. Dito mo idedeklara kung gaano kahaba mo balak gawin ang iyong kuwento o series.

Representasyon ng Karakter
Ang katanungang ito ay makatutulong sa amin na madetermina kung anong mga pagkakakilanlan ang maaaring marepresenta sa iyong kuwento. Mangyaring sumagot lamang base sa mga pagkakakilanlan ng mga panauhing tauhan sa iyong kuwento.

Ang katanungang ito ay opsyonal lamang at hindi makaaapekto sa iyong kapasidad na manalo ng Watty. Kami ay patuloy na naghahanap ng mga kuwentong may mahusay na representasyon - ang pagsasagot sa mga katanungang ito ay makatutulong sa amin na mas kilalanin ang mga kuwentong may mahusay na representasyon para sa mga oportunidad sa hinaharap sa labas ng Watty Awards. Hindi kami kumukolekta ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng manunulat.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa representasyon ng karakter, mangyaring tingnan ang mga depenisyon ng bawat opsyon na nakalista sa ibaba. Maaari mo ring piliin ang 'Iba pa' at magdeklara ng iba pang pagkakailanlan kung ang mga pagkakakilanlang sumasaklaw sa iyong kuwento ay hindi natugunan ng mga nakalistang opsyon.

BIPOC
"Ang kolektibong termino na tumutukoy sa non-White racial groups. Habang ang "people of colour" ay maaaring maging kapaki-pakinabang na termino sa politika, at naglalarawan sa mga tao na may sariling katangian (kumpara sa kung ano ang hindi sila, hal. "non-White"), importante ring kilalalin ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang sariling racial/ethnic group hangga't maaari, dahil ang bawat isa ay mayroong kanya-kanyang karanasan at kahulugan at maaaring mas maging angkop."

LGBTQ2+
"Acronym para sa lesbian, gay, bisexual, transgender, queer at two-spirit. Ang Q ay karaniwang kumakatawan sa queer kapag ginagamit ng mga LGBTQ2+ na organisasyon, pinuno, at media ang acronym. Sa mga setting na nag-aalok ng suporta para sa kabataan, maaari din ito para sa questioning. Ginagamit din ang LGBT at LGBTQ2+, na may idinagdag na + bilang pagkilala sa lahat ng non-straight, non-cisgender na pagkakakilanlan."

Marginalized na relihiyon
Mga relihiyosong pananampalataya na naiiba sa karamihan ng relihiyon sa lokasyong iyon.
"Ang sistematikong pagpapasakop ng mga minoryang relihiyosong grupo, gaya ng mga Buddhist, Hindu, Jew, Muslim, Sikh, Native American, at pati ang mga atheist, agnostic, o freethinker. Ang pagpapailalim sa mga relihiyong di-Kristiyano ay nangyayari sa lahat ng antas ng lipunan sa pamamagitan ng mga aksyon ng mga indibidwal (relihiyosong pagtatangi), mga patakaran at gawain ng institusyon (diskriminasyon sa relihiyon), at mga pamantayan at pagpapahalaga sa kultura at lipunan na nauugnay sa Kristiyanismo."

Neurodivergent
"Ang mga pagkakaiba-iba sa utak tungkol sa pakikisalamuha, pag-aaral, atensyon, mood, at iba pang mga pag-andar ng isip sa isang non-pathological na kahulugan. Ang mga kapansanan sa paglaki at saykayatriko ay kadalasang nasa ilalim nito"
HAL: ADHD, Autism Spectrum, Down Syndrome, atbp

Pamumuhay nang may kapansanan
"Inilalarawan ang mga limitasyon sa pagganap na nakaaapekto sa isa o higit pa sa mga pangunahing aktibidad sa buhay, kabilang ang paglalakad, pagbuhat, pag-aaral at paghinga."

Ang 2024 Watty AwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon