FAQ

686 11 4
                                    

ELIGIBILITY

Kailangan bang naisulat ang kuwento ko ngayong 2024?
Ilang parte dapat mayroon ang aking kuwento?
Mayroon bang minimum na bilang ng mga salitang kailangan upang makasali?


Ang eligibility ay nakadepende kung ang iyong kuwento ay Kumpleto (kategorya para sa lahat ng mga lengguwahe), o Ongoing (kategorya para sa Ingles lamang). Hindi kinakailangang naisulat ngayong taon ang iyong kuwento para maging eligibile.

Para sa mga Kumpletong kuwento, ang unang parte ng iyong kuwento ay kinakailangang nai-post sa Wattpad noong o pagkatapos ng Enero 1, 2022 para maging eligible. Maaari mo itong tapusin anumang oras bago mo isumite ang iyong kuwento. Dapat mayroong 50,000 na mga salita o higit pa ang iyong kuwento kung nakasulat ito sa Ingles at kinakailangang namarkahan bilang kumpleto kapag isinumite. Dapat mayroong 40,000 na mga salita o higit pa ang iyong kuwento at kinakailangang namarkahan bilang kumpleto kung nakasulat sa Filipino o Espanyol.

Para sa mga Ongoing na kuwento, ang iyong kuwento ay kinakailangang nasa Wattpad platform na noong Hunyo 5, 2024 upang maging eligible. Ang mga kuwento ay kinakailangang na-update nang walo mula sa sampung nakaraang linggo sa oras ng pagsusumite. Dinedepina namin ang pagpo-post ng isang beses sa isang linggo nang kahit isang beses sa pagitan ng Lunes hanggang Linggo bago mag-11:59 PM UTC. Ang mga story update ay kinikilala bilang 500+ na mga salita sa bawat pagkakataon. Kailangang makatanggap ang kuwento ng update sa 80% ng mga linggo simula nang una itong na-post hanggang sa petsa kung kailan iaanunsyo ang Mga Na-shortlist na Entry o ang iyong kuwento ay madidiskwalipika. Ang iyong kuwento ay kinakailangang mayroong 20,000 mga salita o higit pa at HINDI nakamarka bilang kumpleto.

Ang mga submission ay maaaring magkaroon ng gaano karami (o kaunti) na parte na kailangan upang maibahagi ang kuwento.

Maaari ko bang patuloy na i-edit ang aking kuwento pagkatapos kong isumite ito?
Kung ikaw ay nagsusumite ng isang Kumpletong kuwento, ang iyong kuwento ay kinakailangang nakamarka bilang kumpleto sa Wattpad sa oras ng pagsusumite at hindi maaaring i-edit pagkatapos ng pagsusumite.

Kung ikaw ay nagsusumite ng Ongoing na kuwento, kinakailangan ang pag-update pagkatapos ng pagsusumite upang mapanatili ang hinihiling na kadalasan ng pagpo-post ngunit hindi ka maaaring bumalik at baguhin ang kung anumang naisumite mo na. Mangyaring pakatandaan na ang paggawa ng mga pagbabago sa mga naisumite nang mga parte ng kuwento ay magreresulta sa pagkadiskwalipika.


Kailangan bang eksklusibo ang aking kuwento sa Wattpad kapag isinumite ko ito sa Wattys?
Kapag isinumite mo ang iyong kuwento, hindi ito kinakailangang eksklusibo sa Wattpad.

Maaari ba akong magsumite:
A. Ng higit pa sa isang kuwento?

Maaari kang magpasa ng higit pa sa isang eligible na kuwento sa Wattys, ngunit mangyaring pakatandaan na isang kuwento lang kada creator ang mananalo sa bawat taon.
B. Ng kahit na anong kuwentong isinumite ko sa nakaraang Wattys?
Hindi na kami tumatanggap ng mga kumpletong submission na naisali na noon sa Wattys. Kung nagsumite ka ng ongoing nakuwento noong 2023 ngunit hindi nanalo, maaari mong isumite muli ang kuwentong ito.
C. Ng isang kuwentong nanalo na ng Watty?
Upang hikayatin at suportahan ang mga bagong manunulat sa platform, ang mga kuwentong nagwagi na ng Watty noon ay hindi na maaaring sumali.
D. Ng isang kuwentong isinulat ko kasama ng ibang manunulat?
Ang mga kuwentong isinulat ng isang grupo ng manunulat ay eligible sa The Watty Awards. Gayunpaman, ang mismong award ay maibibigay lamang sa account kung saan nai-publish ang kuwento.
E. Ng isang mature na kwento?
Oo. Tandaan: lahat ng mga kuwento ay dapat sumunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman.
F. Ng isang comic o graphic novel?
Hindi. Ang iyong kuwento ay maaaring magkaroon ng mga imahe at media, tulad ng makikita sa isang light novel, ngunit ay mga comic at graphic novel ay hindi parte ng Wattys ngayong taon.
G. Ng isang kuwentong maraming lengguwahe?
Oo. Halimbawa, ang iyong kuwento ay isinulat sa Ingles, ngunit ang ilang pangungusap at mangilan-ngilang diyalogo ay Espanyol, ito ay katanggap-tanggap. Tandaang isumite ang iyong kuwento sa lengguwaheng mas nananaig sa iyong kuwento.
H. Ng isang salin ng kuwentong isinulat ng iba?
Hindi. Ang iyong kuwento ay dapat sarili mong gawa.

Ano ang pinagkaiba ng Pangunahin at Kasunod na Genre na pagpipilian sa submission form?
Ang pangunahing genre ay gagamitin upang matulungan kaming malaman ang genre na sa tingin mo ay PINAKAMAHUSAY na naglalarawan sa iyong kuwento. Ang kasunod na genre ay ginagamit upang matulungan kaming malaman kung ano ang mga karagdagang genre na maaaring mailagay ang iyong kuwento. Tandaan na ang pagpili ng kasunod na genre hindi kinakailangan, ngunit available sa mga kuwentong tumatagos sa maraming genre.

Bakit ang mga opsyon sa genre, 'Social Themes', 'Race, Culture and Religion', and 'LGBTQ2+', ay inalis sa pagsusumite ngayong taon?
Tinutukoy na ang magkakaibang tema sa lahat ng lengguwahe sa pamamagitan ng katanungan tungkol sa "Representasyon ng Karakter".

Bakit kailangang may 50,000 at 40,000 na mga salita ang mga kumpletong kuwento?
Bagaman nagkakaiba-iba ang kahulugan, isinasaalang-alang namin ang 50,000 mga salita bilang minimum upang maging novel-length ang isang kuwento. Para sa iba pang eligible na mga lengguwahe sa Wattys, kinokonsidera namin ang 40,000 na mga salita bilang minimum upang maging novel-length, batay sa market standards.

Maaari ba kaming magpasa ng maikling kuwento? Paano ang alternatibong storytelling?
Gumawa kami ng isang tiyak na desisyon sa pagpili ng mga nobela at ongoing na mga kuwento sa Wattys ngayong taon. Nangangahulugan ito, sa kasamaang palad, na ang alternative storytelling at mas maikling mga format ay hindi isasama sa patimpalak sa taong ito.

Paano makakalkula ang bilang ng mga salita?
Ito ay kakalkulahin sa pamamagitan ng Wattpad platform. Makikita mo ang iyong bilang ng mga salita sa web version ng Wattpad sa bawat parte.

Mayroon bang limitasyon ang bilang ng mga salita?
Wala. Pinapayagan lamang ng Wattpad ang pagkakaroon ng 200 na parte kung kaya't hindi ka dapat lumagpas sa bilang na iyon. Bagaman maaaring magkaroon ng kahit na gaano karaming salita sa 200 na parte.

Maaari bang isali ang mga sequel/series?
Oo, ang mga sequel o mga kuwentong nakapaloob sa isang series ay eligible, ngunit sa Ingles LAMANG. Tandaan, dapat ding mabasa ang mga ito bilang standalone para masuri.

Maaari bang mai-post ang isang buong serye sa isang libro at saka ipasa?
Oo. Kung ikaw ay may isang kuwento sa Wattpad na may maraming kuwento (kadalasan ay duologies), maaari itong isumite. Gayunpaman, ang eligibility nito ay susuriin sa unang petsa ng pagkaka-publish at sa haba ng unang kuwento. Tanging ang unang kuwento ang huhusgahan at gagawaran kung sakaling manalo.

Kung hindi ko matatapos ang kuwento ko ngayong taon, maaari ba akong sumali sa susunod na taon?
Ang Wattys ay nag-iiba sa ilang paraan bawat taon. Hindi namin masisiguro na ang mga tuntunin o eligibility ay kapareho pa rin sa susunod na taon.

Maaari bang magkaroon ng tula ang aking nobela o hindi ito pwede?
Ang mga kuwentong isinumite sa Wattys ay maaaring magkaroon ng mga tula sa ilang mga eksena, pagitan o panimula, ngunit hindi kami tatanggap ng mga koleksyon ng mga tula ngayong taon.

Hindi kasali ang aking lengguwahe. Maaari pa rin ba akong sumali?
Bagaman ang Watty Awards ay nakatuon sa pagdiriwang ng pinakamahusay na pagkukuwento sa buong mundo, nakatuon din kami sa paglikha ng posibleng pinakamahusay na karansan sa pagpaparangal, nangangahulugan ito na hindi namin masusuri ang lahat ng mga kuwento sa bawat lengguwahe. Kung ang iyong lengguwahe ay hindi kasama, ang iyong kuwento ay hindi maaaring manalo. Malugod kaming tumatanggap ng pagsusumite mula sa sumusunod na mga lengguwahe:

Ingles
Filipino
Espanyol

Mangyaring tiyakin na ang lengguwahe na iyong sasalihan ay napili na sa iyong settings bago isumite ang iyong form.

Bakit sa tatlong lengguwahe lamang inaalok ang Wattys ngayong taon?
Habang nagbabago ang Wattpad, pati na rin ang aming kapasidad sa pagpapatakbo at lohistika. Ngayong taon, ang desisyon ay ginawa ng Wattpad na ituon Ang Wattys sa tatlong pinakamalaking lengguwaheng suportado sa aming platform.

Maaari ba akong sumali sa iba pang patimpalak?
Oo. Ang pagsali sa Wattys ay hindi pumipigil sa iyo na sumali sa iba pang patimpalak at aktibidad sa Wattpad.

Ilang taon na dapat ako para makasali sa Wattys?
Ang mga Wattpadder ay dapat 13 taong gulang o mas matanda pa. Kung ikaw ay mas bata sa 18 taong gulang, ang iyong magulang o legal guardian ay kinakailangang pahintulutan ka na sumali sa patimpalak at kumolekta ng kahit na anong premyo na maaari mong mapanalunan.

Bakit eligible ang Wattpad Originals sa Wattys?
Nais naming magtampok ng iba't ibang klase ng mga kuwento sa buong platform at ang ilan sa mga kuwentong ito ay Wattpad Originals din.

PAGHUHUSGA & PREMYO

Ang 2024 Watty AwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon