PAMANTAYAN SA PAGHUHUSGA

729 11 0
                                    

Maraming pangunahaing elemento sa isang kuwento, at sa paghuhusga, sinusuri ng aming team ang mga entry base sa mga sumusunod:

Agaran: Mayroong makabagbag-damdaming hook/tunggalian, malinaw ang saligan sa panimulang kabanata at mabilis na tumutungo sa punto. Dalhin agad kami sa aksyon ng kuwento sa pinakamabilis na panahon. Ano ang agad na makakukuha sa atensyon ng iyong mambabasa?
Nakaeengganyo: Ang iyong mga karakter ay may malakas na motibasyon, nararamdaman na namin ang core story engine na nagsusulong sa iyong naratibo, at ang iyong mga kabanata ay nagtatapos sa paraang nagpapasabik sa amin na mabasa ang kasunod na kabanata.
Komersyal: Isaalang-alang ang audience para sa genre ng kuwentong ito at kung ano ang makaaakit sa kanila. Isipin ang mga trope ng genre na ito at kung paano mo yayakapin o ibabagsak ang mga ito. At tandaan na panatilihin itong accessible, kahit na tumatalakay ng mga mas malalalim na tema.
Karakter: Ang (mga) pangunahing karakter ang siyang nagtutulak sa iyong kuwento. Kailangan namin silang mahalin, mahalin at kainisan, o kaya ay may maramdaman kami sa kanila para madala nila kami sa isang paglalakbay. Kung ang iyong mga karakter ay mayroon "nito", mas nanaisin naming sumakay sa passenger seat.
Hook: Bigyan kami ng hook na maaaring magpasabik sa amin, tulad ng isang natatanging konsepto o bagong twist sa isang pinakamamahal na cliché, at ibigay ito agad sa amin nang may "high stakes". Ang 'What If' ng iyong kuwento ay ang importanteng spark na magpapalingon sa mga mambabasa. Ito ang hinahanap namin sa aming pagpili sa mga Magwawagi. Ang mga kuwentong nakaiintriga sa amin mula pa sa simula ay malamang ang mga hindi namin makalilimutan agad-agad.
Boses: Kung gagamitin nang mabuti, ang iyong naratibong boses ay maaaring humubog sa kuwentong nais mo. Dito ipinapakita ng mga manunulat ang kanilang malikhaing sining sa pamamagitan ng paghibla ng mga ordinaryong salita tungo sa isang mahiwagang bagay. Ngunit alam naming mas madaling sabihin ito kaysa gawin. Kung kaya't isa ito sa mga pangunahing pamantayan sa Wattys.
Mundo: Ang iyong mundo ay ang iyong palaruan, at habang binabasa namin ang iyong kuwento, palaruan din namin ito. Habang ang mahusay na pagbuo ng mundo ay hindi kailangang maging komplikado, ito ay dapat maging tukoy, malinaw, at lohikal sa loob ng iyong kuwento. Bigyan niyo kami ng kaunti at maliligaw kami. Bigyan niyo kami ng sobra-sobra at malulunod kami sa mga detalye.
Pacing: Ito man ay isang high-action thriller o isang slice-of-life na kuwento, importanteng mapanatiling balanse ang bilis. Nais naming lubos na mabighani sa mga kilos ng iyong mga karakter, at ang mga walang kaugnayang detalye, mabigat na mga paglalarawan at masamang diyalogo ay magpapaalis sa amin sa kuwento. Ang epektibong pacing ay mahalaga sa daloy ng iyong kuwento at magpapa-hook sa amin.
Readability: Isang mahalagang parte ng pagsusulat ay ang teknikal na bahagi, gaya ng pagbigkas, pagbaybay, at gramatika. Tama ba ang mga salitang iyong ginagamit? May katuturan ba ang iyong mga pangungusap? Dumadaloy ba nang maayos ang iyong mga talata? Ito ang mahahalagang salik na nagbibigay sa iyong mga mambabasa at sa mga hurado ng Wattys ng maayos na karanasan sa pagbabasa habang ginagawa nitong madali ang mabighani ang mga mambabasa sa iyong kuwento.

Para matutuo nang higit pa kung paano isama ang mga pangunahing elementong ito sa iyong mga kuwento, tingnan ang Story School ng Wattpad, isang serye ng mga video na nagtatampok ng mga creator at ang aming mga eksperto. Sa 8 bite-sized na mga episode, matuto ng malawak na hanay ng mga paksa sa pagsusulat gaya ng Hook at Layunin, Motibasyon, Tunggalian at Pusta, na makatutulong na magbigay ng inspirasyon, motibasyon at ilabas ang iyong susunod na pinakamahusay na kuwento. Kung naghahanap ka ng iba pa, tingnan ang aming writing resources page!

Ang 2024 Watty AwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon