Tristan's POV
"SECRET!!! Bakit? Selos ka?"sabi ko kay Krystal. Tapos sumakay na ako. Nilagay ko yung cake na para sa kapitbahay ko na si Dennis, sa passenger seat at mukhang nagseselos tong bestfriend ko. Mahirap pamandin amuhin to.
"Hindi nga ako selos."sabi ni Krystal at hindi pa makatingin sa akin. Hinarap ko ang mukha niya sa mukha ko. Tiningnan ko ng diretso sa kanyang mga mata.
"Yung totoo? Sabihin mo dito sa harap ko."sabi ko habang nakatingin ako sa mga mata niya. As in diretso sa mata niya.
(Play "a thousand years-christina perri")
"Hindi nga ako selos."sabi ni Krystal at tinignan ko talaga siya sa mga mata niya. Tapos may bigla akong naramdaman dito sa may dibdib ko. Sobrang lakas nang pagtibok ng puso ko sana hindi to rinig ni Krystal. Napapikit na lang ako at nilapitan ko ang mukha niya na para bang hahalikan ko. Bigla namang lumayo si Krystal.
"Ahhh shit. Sorry Krystal. Hindi ko yun sinasadya. Napalapit lang yung mukha ko. Fuck. I'm really sorry."sabi ko kay Krystal. Tumango na lang siya at umalis na kami. May tension and awkwardness dito sa loob ng kotse ko.
"Uhmm Tristan. Tanong lang ha. Gusto mo ba ako? Uyyy tanong lang ha."sabi sa akin ni Krystal habang nakatingin pa rin sa dinadaanan namin.
"Hindi ah. Bestfriend lang kita. Anong tanong yan bes?"sabi ko habng nakatingin rin sa dinadaanan. Bigla namang may pumatak mula sa langit. At dun sumabay ang pagtulo ng luha ni Krystal.
"Oh bakit ka umiiyak?"sabi ko kay Krystal. Hininto ko muna at pinark ang kotse ko sa tabi ng daan. Niyakap ko si Krystal at dun ko lang nalaman na may nararamdaman ko para kay Krystal. Matagal ko na nararamdaman ito pero hindi ko lang maamin dahil ang alam ko ay wala lang ito. Kaya pala masakit pagnakikita ko na may kasama si Krystal na ibang lalaki.
"Natatandaan ko si Aaron. Huhuhuhuhu....."sabi niya sa akin at isinubsob niya ang mukha niya sa aking dibdib. Si Aaron ay ang kapatid ni Krystal na namatay na dahil sa aksidenteng di makakalimutan ni Krystal.
Ang storya kasi ay parang yung daddy niya nagdadrive ng biglang may nakasalubong silang truck at nagkabanggaan yung dalawang sasakyan. At kasabay pa nun ang paglakas ng ulan. Nakasurvive silang lahat pero di magtagal ay namatay na rin si Aaron ang kanyang 5 years old na kapatid.
"Tahan na,Krystal. Nandito ako para sayo. Huwag kang matakot maglabas o magshare sa akin ng problema. Bestfriend mo ako. Wala ka dapat ikatakot sa akin,what is our friendship for kung hindi tayo magiging honest sa isa't isa?"sabi ko ng buong puso. Tiningnan ko naman si Krystal at mukhang napakalma ko na siya at ngayon ay nakangiti na siya sa akin.
"Thanks bestfriend. Bestfriend talaga kita pati ang sweet mo sa akin ngayon ha. Infairness mas lalo kang napogi."sabi niya sa akin. Sabay naman kaming tumawa. Ang dali talagang patahanin ang bestfriend ko. Bumalik na ako sa pagdadrive at si Krystal naman ay nagearphones muna para makapagisip-isip at guminhawa ulit ang kalooban niya. Nang makarating na kami sa tapat ng gate ng bahay nina Krystal ay tumila na ang ulan at hinug ko na siya.
"Huy Krystal. Tandaan mo yung sinabi ko ha. Wag mo yung kakalimutan."sabi ko at hinug ko siya ng mahigpit. Tumango na lang siya at lumabas na ng kotse ko at pumasok na sa kanilang bahay. Umalis na ako at nagdrive na papunta sa bahay namin. Tumigil muna ako sa bahay nina Dennis at nagbusena naman ako. Saktong lumabas si Dennis at pumunta sa kotse ko. Binuksan ko yung window at kinausap siya.
"Huy happy birthday bro. Ito pala gift ko sayo. Best wishes to you. Lagi ka mag-iingat ha."sabi ko sabay bigay ng cake at ng gift ko.
"Thanks bro. Nagabala ka pa. Balik ka dito sa bahay ha. Tayo ay kakain at magkwekwentuhan ha."sabi ni Dennis sa akin. Tumango na ako at nagpark na sa garahe namin. Diretso ako sa loob ng bahay at saktong nakasalubong ko si Mommy at si bebe Dianne,ang aking bunsong kapatid.
"Bebe Dianne! Hi mommy!"sabi ko kay Dianne tapos kiniss ako sa cheeks. SI mommy naman ay kinissan ako sa cheeks.
"Ma,punta lang ako kina Dennis. Kakainin daw yung handa niya."sabi ko kay mommy. Tumango na lang si mommy at ako ay diretso sa CR at naglinis ng katawan. Nagbihis na ako para makapunta agad ako kayna Dennis.
"Ma,pupunta na po ako kayna Dennis. Geh po bye!"sabi ko kay mommy tapos yumakap sa akin si Dianne.
"Babalik ka kuya ha."sabi niya sa akin at ito naman si mommy ay natuwa sa aming magkapatid.
P.S.-Tatlo po kaming magkakapatid. Yung isa ay may work sa ibang bansa kaya wala siya. Siya nga pala ay si Kuya Renzo. Si daddy naman ay kasama ni kuya Renzo sa ibang bansa.
"Oo babalik pa ang kuya mo. Wag ka mag-alala bebe."sabi ni mommy kay Dianne at binuhat papunta sa sofa. Tumango na lang si mommy. Umalis na ako ng bahay at pumunta sa bahay ni Dennis.
"Huy bro. Happy birthday talaga. Sorry nalate ng konti hinatid ko lang si Krystal sa kanila."sabi ko kay Dennis. Tumango naman siya. Pumasok na kami sa loob at kumain at nagkwentuhan naman kami.
"Huy bro. Musta na nga pala kayo ni Krystal?"sabi ni Dennis sa akin.
"Yun pa rin. Bestfriends pa rin kami. Pero parang meron dito sa puso ko na pagnakikita ko o close contact,yung malapit na talaga ang mukaha namin. Bumibilis yung tibok ng puso ko. Parang wala na bang bukas dahil sa bilis."sabi ko kay Dennis.
"Bro,alam mo in-love ka na kay Krystal. Wala namang masama dun at least kilala mo na talaga siya. Pero mag-ingat ka bro baka may manakit kay Krystal. Binabalaan kita bro."sabi sa akin ni Dennis na ikinabigla ko. Oo nga baka totoo na in-love na ako sa bestfriend ko. Nang malapit na matapos yung kwwntuhan namin ay may sinabi akong ikinabigla ni Dennis.
"Kamusta naman kayo ni Erich bro? May progress na ba?"sabi ko kay Dennis. Nagulat siya at muntikan ng mailuwa yung juice na iniinuman niya.
"Ano ka ba bro? Wala pa nga eh. Naghahanap pa ng paraan."sabi sa akin ni Dennis at nagtawanan kami pareho. Nagpaalam na ako na uuwi na ako at pinauwi na nga ako at late na daw. Yung twin sister naman ni Dennis ay hinug ako. May crush kasi sakin yun. Bumalik na ako sa bahay at pumunta sa kwarto ko. May nagtext naman sa akin na number lang ang nakalagay sa subject.
From: 09123456789
Pwede ka bang makausap? Sa backstage ka pumunta at dun tayo mag-uusap. Ang oras ay 4:00 p.m. Pag hindi ka pumunta. Yari ang iyong bestfriend. Wala ka dapat kasama pag may kasama ka maghanda ka nang tumakbo. Kasi we're coming for you.
Woah! Sino kaya to? Puntahan ko kaya ito. Sige para walang masaktan pero itatanong ko muna kung sino ito. Pagkatapos kong isipin yun ay natulog na ako ng mahimbing.
----------------------------
NEW CHARACTER ALERT!!!! Si Dennis delos Reyes ang hot boy ng village nila. At si Drianna delos Reyes ang twin sister ni Dennis na may supercrush kay Tristan. Bwahhahaha!!
-author
BINABASA MO ANG
My bestfriend lover
Teen FictionMeron syang bestfriend na: Napakasweet Matalino Maganda Mapagmahal Palakaibigan Ito ang perfect na para sakanya na bestfriend. Paano kaya niya maproprotektahan ang kanyang bestfriend sa mga maaaring manakit sa kanya? Paano niya maipagtatapat na maha...