CHAPTER 9

35 1 2
                                    

Angelica's POV
Today is Saturday. Ngayon kami magkikita ni Ethos. Gumising ako ng sobrang maaga para magpaganda. Naligo na ako. Nagbihis na. Ang pinili kong damit ay high waist shorts,sleeveless na top at nakasandals ako. Pumunta na ako sa tagpuan namin at nandun na nga siya. Nakapolo shirt,short na hanggang tuhod at vans na shoes. Dali-dali akong naglakad palapit sa kanya. Tinapik ko siya sa likod at humarap siya sa akin at ngumiti. Hayyyy nakakakilig ang ngiti niya. Ang cute cute niya.

"Hi Ethos. So what are we going to do today?"sabi ko kay Ethos habang siya ay nag-aayos ng kanyang buhok. Hay mahihimatay na ako dito.

"Oh hey Angel. Hindi pa kasi ako nagbebreakfast. Pwede mo ba ako samahan magbreakfast?"sabi niya sa akin tapos ngumiti siya sa akin. Hayyyy!!! Nakakabighani ang kagwapuhan niya.

"Sure,yeah."sabi ko tapos pumunta kami ng Jollibee. Gusto kasi ni Ethos kaya pumayag na lang ako. Awwww!! Balik-bata ako dito eh. Marami kasing memories ang nandito sa Jollibee kagaya nung kami ni Joshua,my first bestfriend and crush hihihihi.....^_^

"Good morining sir and ma'am. Welcome to Jollibee. Ano pong order niyo?"sabi ni ate sa amin. Mukhang hindi makatitig si ate kay Ethos ah. Kasi naman tinitingnan ko ng masama baka kasi landiin eh. Akin lang ang Ethos ko. :P

"Good morning rin. Ahhh 2 pancake,yung 1 piece lang. Tapos 2 coffee,yun lang."sabi ni Ethos tapos ngumiti ng napakatamis. Oo,napakatamis dahil sobrang sweet niyang ngumiti. Ah ah naman inenglish ko lang naman. Hahahaha.

"Ok sir. That will be 240 pesos."sabi ni ate. Huy ate. Hindi ka makatingin kay Ethos noh. Mapapatay ka sa akin. Dejk. Ang OA ko talaga. Binayaran na ni Ethos at kinuha ang order namin. Humanap na kami ng table at kumain ng breakfast. Nag-usap naman kami tungkol sa aming mga sarili.

"Ano bang gusto mo sa isang babae,Ethos?"tanong ko kay Ethos. Para naman may guide agad ako at makapagbago ng konti. Hahahaha.

"Ahhhmmm syempre naman ang gusto ko sa isang babae ay maganda,matalino,masayahin,mapagmahal at matapat,yun lang."sabi niya sa akin. Hala wala ako masyadong qualities na ganyan. Simula bukas mag-aaral na ako. Hahahaha di man ako nag-aaral,pag may exam lang talaga.

"Ahhhh ok. Ang lucky ng magiging gf mo. Pramis man."sabi ko at tinaas ko yung kamay ko. Hay sana nga ako ang lucky gorl mo Ethos.

"Eh bakit naman?"sabi niya tapos sumubo siya ng pancake.

"Kasi ikaw ay halos perfect na."sabi ko at napatingin siya sa akin. May nasabi ba akong masama? Dahil nakatingin siya na parang naliwanagan.

"Uyyy ok ka lang? May nasabi ba ako?"tanong ko sa kanya. Napasmile naman siya at umiling. Ang cutie eh.

"Wala ok lang ako."sabi niya sa akin. Inubos na namin ang bteakfast at nagstart na maguli-uli.

"Gusto mo manuod ng movie?"tanong niya na ikinagulat ko kaya muntikan na akong mapatalon. Kasi naman,halos 1 oras na kaming hindi nagsasalitaan.

"Ginulat mo ako eh."sabi ko sa kanya. Hinawakan ko yung puso ko at tumingin sa kanya na hinihingal. Tumawa naman siya sa akin.

"Ikaw bahala."sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila papunta sa cinema board. Ang showing ay The Peanuts Movie,Mission Impossible:Rogue Nation at Suicide Squad.

"Ano ba gusto mo,Ethos? Cartoon or Action?"tanong ko sa kanya. Ano kaya siya? A bit childish or more on action? Ok malalaman na natin.

"Sige mag-CARTOONS tayo!!"sabi niya na may pagkaenergetic. Okay may pagka-childish siya. Pero kahit anong mangyari sobrang cute pa rin niya.

"Ok ok. Basta ikaw payag na ako."sabi ko sa kanya. Sino ba nan kasing makakatanggi eh tignan mo naman napakacute niya. Pumunta na kami sa cashier at kumuha ng movie tickets. Pumasok na kami sa sine. Saktong may nagbebenta ng popcorn, bumili si Ethos ng isang bucket. Okay mantsatsansing ako sa pamamagitan ng popcorn na ito.

"Excited ka na ba?"tanong ko kay Ethos. Saktong nagstart na yung movie. Yes! Okay eto na ang oras para mangtsansing. Habang nanunuod kami nanghahanap ako ng tamang timing para dumukot dun sa popcorn tapos magkakasabay kami ni Ethos ng pagkuha tapos mahahawakan ko ang kanyang kamay. Yieeee!

"Angel,salamat nga pala at sinamahan mo ako."sabi niya sa akin. Nagulat naman ako pero mayamaya ay kinilig ako. Ayan na saktong nagkuha kami ni Ethos ng popcorn tapos nagkahawakan kami ng kamay. Nagkatinginan kami sa isa't isa at ngumiti naman siya. Hayyy ang cute talaga niya.

"Uhmmm,Angel. Yung kamay ko."sabi ni Ethos sa akin. Tsaka ko lang narealize na hawak hawak ko ang kamay niya. Binitawan ko agad agad at bahiya ako sa ginawa ko kaya naging speechless ako sa buong movie. Pagkarapos ng movie ay nakapag-aya si Ethos na mag lunch.

"Sorry kanina ha. Dapat talaga kukunin ko popcorn yun pala kamay mo na ang nakuha ko."sabi ko sa kanya na hiyang-hiya.

"No it's okay."sabi niya sa akin. Hay buti talaga ang bait niya. Nag-order na siya habang ako ay naghanap ng table. Buti may available table dun. Hay dun na nga ako uupo. Tinignan ko yung phone ko at naglaro ng game. So nakakahiya talaga ih. Di ko na kaya ih mamatay na ako sabkilig ih.

"Oh eto na order mo, Angel."sabi ni Ethos habang binibigay sa akin yung order ko. Nag thank you ako kay Ethos at kumain na. Parang inaamad na ako maguli-uli. Nag-aya naman akong pumunta sa isang coffee shop. Inaantok na kasi ako at parang masama ang pakiramdam ko.

"Angel,okay ka lang ba talaga?"tanong niya sa akin. Tumango ako at hinawakan niya yung leeg ko.

"May lagnat ka,Angel. Baka napagod ka o naano ka."sabi ni Ethos. Bigla akong nahilo. Yung paningin ko naikot. Nagulat ako ng akayin ako ni Ethos. Life-saver ba itong lalaking ito?

"Ihahatid na kita pauwi. Sabihin mo na lang sa akin yung direksiyon. Okay."sabi ni Ethos tapos ay binuksan niya yung pinto para sa akin at dun ako umupo. Hayyy thank you talaga Lord nadito si Ethos. Sinabi ko na yung mga direksiyon sa kanya. Nasa tapat na kami ng bahay namin. Binaba ako dun ni Ethos at binuhat na ako dahil hindi ko na talaga kaya. Pinapasok naman kami ni Yaya.

"Oh iho. Anong nangyari kay nene?"sabi ni yaya kay Ethos. Dinala na ako ni Ethos sa kwarto ko at hiniga ako dun tinanggal yung sandals ko at pinagpahinga ako. Inalagaan ako ni Ethos. Hanggang dumating sina mommy at daddy. Hindi ko na namalayan na nakauwi na sila dahil nakatulog na ako. Pagkagising ko na lang ay nakapajama na ako. Sabi naman ni yaya ay magpahinga na ako baka daw mas lumala ang sakit ko.

--------------------------------------

NEW UPDATE!! Yan ang problema ng hyper pagkalipas ng ilang oras,sakit agad ang nadarama. Yan ang nangyari kay Angel. Naku talaga ang mga hyper. At least nandyan si Ethos.

Paki-vote,share and comments ang story ko. Huyyy mga silent readers paramdam naman oh. Kahit simpleng hi lang.

My bestfriend loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon