CHAPTER 5.1

41 1 0
                                    

Dedicated to my another bestie Andojar_Andrea12
Huy! Huy! Huy! Hi lang hahaha!

Krystal's POV
Nung nagdismissal ay pumunta kami sa locker namin ni Tristan. Nakapaglocker na ako pero si Tristan hindi pa rin. At habang naglolocker pa si Tristan ay saktong nakita ko si George.

"Oh hey George."sabi ko habang nakasmile.

"Hey Krystal. What are you doin? Bakit di ka pa nauwi?"sabi ni George habang nakasmile rin.

"Ahhhh uuwi na rin ako. Hinihintay ko pa si Tristan."sabi ko at tiningnan ko yung hinihintay ko. Matatapos na yata yun maglocker.

"Oh okay. I better keep going. Bye!!"sabi ni George sa akin at nag wave na lang ako. Bumalik na ako kay Tristan at kinalabit ko na siya. Ano ba 'to? Nakatulog na ba ito sa locker?

"Hoyyy!! Tristan to earth! Tristan to earth! Ano na? Tulog ka na ba?"sabi ko sa kanya. Bigla ko siyang kiniliti sa may tabing parte ng tiyan..

"Ahhhhhhhh!!!! Hahahahahahahaha!!!!! Ayaw ko na! Ayaw ko na!"tawa ng tawa naman ito ah.. Tapos ako naman ang kiniliti niya sa may bahaging batok. Tapos napatingala ako sa kiliti.

"Hahahaha! Tristan naman!!!! Hahahaha!!"pumiglas ako sa hawak niya at tumakbo ako palayo. Bigla naman niya ako hinabol. Nakasalubong ko si Maria at bigla ako napaiwas. Nang pagtingin ko ay mukhang galit na siya. Umiwas na lang talaga ako sa kanya. Napatigil naman ako sa pagod at nakiliti na naman ako ni Tristan.

"Ahhhhh!!!!!! Ayoko na please!!!!!"bigla akong napaupo sa sobrang sakit na ng tiyan ko.

"Ok ok titigil na ako."sabi ni Tristan habang tinataas na yung dalawa nyang kamay. Hayyyyyy pagod na ako! Buti na lang may tubig pa akong natitira. Ininom ko muna yun at nagpahinga. Umupo ako dun sa bench na malapit sa locker.

"Kapagod noh?"sabi ni Tristan sa akin at nakiupo naman siya. Nagunat-unat muna siya at umupo ng mabuti.

"Oo nga,sobrang kapagod."sabi ko sabay inom ng tubig. Kahingal eh aba itong si Tristan ay mabilis tumakbo. Kasali nga sa basketball varsity,di ba?

"Krystal,yung about kay George?"sabi ni Tristan sabay ayos ng buhok. Wow!! Pogi talaga ni bestfriend.

"Ano naman si George?"tanong ko kay Tristan. Bigla siya napabuntong hininga. Ayyyy naku selos ba to o ano?

"Sure kang walang meron sa inyo ni George. Uyyyy sinisigurado ko lang naman walang mahigit."sabi ni Tristan sa akin. Hayyyy kailangan pa bang itanong niyan.

"Wala ah. Childhood friend lang talaga."sabi ko tapos nakatingin lang sa akin si Tristan. Tumango na lang siya at tumayo na. Tumayo na rin ako at pumunta kay Tristan.

"Uwi na ako. Tatawagan ko na si manong para sunduin ako."sabi ko kay Tristan. Tumango na lang siya. Kinuha ko ang aking Iphone 6 at dinial ang number ni manong. Bigla naman kinuha ni Tristan yung phone ko.

"Huyyyyyy! Tristan naman!!"sabi ko habang inaagaw ko yung phone ko. Di ko nga maagaw at ang laking tao kaya ni Tristan. Nakita ko na nga 6-pack abs niya. Sobrang nahiya ako as in. Bigla naman napatigil si Tristan ng paghaharang sa akin at mukhang gulat naman siya. Hala! Baka may nakutingting na ito sa phone ko.

"Bakit may pic mo ako dito? At stolen pa."sabi niya na ikinagulat ko. Ayyyy oo nga pala pinicturan ko nga siya nung pinapanuod ko siya magbasketball practice dito sa school.

"Ayyy wala lang,trip lang. Wala ako magawa eh hahaha!"sabi ko habang natatawa kasi naman yung ekspresyon niya nung nakita niya. Nakanganga tapos malaki yung mata. Parang aning hahaha! Di ko na mapigilan,nilabas ko na lahat ng pinipigil kong tawa. Tumawa ako ng sobrang lakas na halos lahat ng tao ay tumitingin na sa akin.

"Uyyy tumigil ka na nga. Para kang baliw,pinagtitinginan ka na ng mga tao."sabi ni Tristan at ako ay tumigil na sa pagtawa. Tinignan ko ang paligid ko at tama nga si Tristan. Halos lahat ng mga tao ay nakatingin na sa akin.

"Akin na nga phone ko."sabi ko tapos inagaw ko na yung phone ko. Tinawagan ko na si manong. Naring lang phone ni manong Tonio. Hala paano ba to?

"Hindi nasagot si manong. Tulungan mo ako. Paano ba to?"sabi ko kay Tristan habang palakad-lakad. Si Tristan naman ay kinuha yung car keys niya at hinawakan niya yung kamay ko at naglakad na kami paalis at papunta sa parking lot.

"Sakay ka. Ihahatid na kita sa bahay niyo."sabi ni Tristan sa akin at pinagbukas ako ng pinto. Wow! Gentlemen pala ang loko. Hahahaha. Pumasok ako sa kotse ni Tristan at inistart niya ang kotse niya. Pumunta kami sa isang cupcake shop at dun ay tumigil kami. Binuksan ni Tristan ang kanyang pintuan.

"Uhmmm wait nga lang may kikitain at bibilhin lang ako. Diyan ka lang ha. Wag kang aalis ha."sabi ni Tristan sa akin at pumasok dun sa cupcake shop. Mukhang may kikitain nga siyang babae. Hindi na lang ako tumingin at nakinig na lang ako sa radyo.

(Play "everything has changed taylor swift ft. Ed sheeran")

Wow! Pang-emote talaga ang music ngayon. Ang ganda ba ng kantang ito. Biglang nagulat ako ng nagbukas ang pintuan ni Tristan.

"Ay pwet ng kabayo!!"napasigaw tuloy ako. Kagulat tong mokong na to. Alam naman niyang nagrerelax ako.

"Ayyy Krystal! Kagulat to eh. Bigla na lang sisigaw sigaw eh."napahawak siya sa dibdib niya at may dala dala siyang box na may lamang cake.

"Para kaynino yan?"sabi ko kay Tristan at tiningnan yung box na may cake. Parang nagseselos yata ako kasi nakirot yung puso ko. Awdeee naman.

---------------------------------

May part 2 pa to masyadong mahaba eh hahahaha. Uyyyy magparamdam naman kayo mga silent readers.

My bestfriend loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon