CHAPTER 15

20 0 0
                                    

Krystal's POV
So ayun nga wala ng ilangan sa aming dalawa ni Tristan. Nagusap kasi kami kaninang recess.
_______________________________________
*FLASHBACK*
*kringggggg*
Breaktime na nagring na ang bell eh.

"I need to talk to you."sabi ni Tristan tapos ayon pumunta kami sa isang tagong lugar kung san walang tao.

"Bakit nga ba tayo nagkakailangan?"tanong sa akin ni Tristan. Oo nga bakit nga ba?

"Siguro dahil dun sa hug? O baka may ibang rason pa?"sabi ko tapos nakatingin ako sa ibang lugar.

"Dahil ba dun sa kiss?"tanong sa akin ni Tristan. Kinabahan ako pero bigla akong napaisip dahil rito. Napayuko ako.

"Oo dahil nga dun."sabi ko habang nakayuko. Ipinatingin niya ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin. Wala akong nagawa kundi titigan siya pabalik. Ang ganda ng mga mata niya.

"Bakit mo nga pala ako hinalikan?"sabi ni Tristan tapos ako naman. Ito nakatingin pa rin sa kanyang mga mata. Pag sinabi ko ba ang totoo,maniniwala siya? Di ko nga alam ang katotohanan.

"Yun na lang kasi ang maibibigay ko pasasalamat sayo. Dahil na rin sa mga nagawa mo sa akin."nagsinungaling ako. Pero di ko kayang sabihin ang totoo dahil naunahan ako ng kaba at takot. Mag-iipon muna ako ng lakas na loob.

"Ehhh? Buti pala yun ang ibinigay mo."sabi ni Tristan ng pabulong pero nakinig ko naman.

"Huh? Ano yun?"sabi ko pero bigla siyang umiling.

"Wala. Wala akong sinasabi ahh."sabi ko sa kanya. Inakbayan niya ako at pinisil ang ilong ko.

"Bakit ba talaga gusto mo palaging pisilin ilong ko?"sabi ko sa kanya habag nakahawak sa ilong ko.

"Kasi ang cute mo."sabi ni Tristan tapos umalis na kami.

*end of flashback*
________________________________

So ngayon ay dismissal na ulit. Ito nga kami ni Tristan,nagtatawanan. Katulad ng dati. Break daw kasi muna. Ayyy oo nga pala. Nagprapractice kami. Na-improve rin naman kami. Kaya na namin mag ballroom. Pero sabi ni miss yung slow lang daw ang sasayawin namin.
"Uy alam mo ba? Si Maria may gusto sa akin."sabi ni Tristan na may lungkot pero tumawa na lang siya.

"Kaya pala umiiyak eh. Kasi binasted mo."sabi ko sa kanya. Pero tumawa na lang siya. Pinisil niya ulit yung ilong.

"Ikaw talaga."sabi niya tapos tinanggal na niya ang pagkapisil sa ilong ko. Kinapa ko yung ilong dahil ang sakit na at namumula na. Eto kasing si Tristan kung makapisil, WAGAS!!! Pero kahit anong mangyari bestfriend ko yan. Mahal ko yan eh.

Uyyy hindi yung mahal na parang mag-couple. Yung mahal na magkaibigan,friends. Gets?? Good. So eto nga tapos na ang break. Sinusulyapan ko ang mga taong dumaraan sa window. Nang nagulat ako at nakita ko si George at may kasamang babae. Sino kaya yun? Kaanu-ano kaya niya yun?

"Krystal,nakikinig ka na ba?"sabi ni miss at bumalik ako sa katinuan.

"Yes miss. Nakikinig po ako."sabi ko kay miss. Nagsinungaling na lang ako,baka magalit si miss eh. Kaya ayun. Nagsayaw na kami ni Tristan. May buhat part nga eh. Kaya pa naman ni Tristan akong buhatin. Malakas yan.

Okay malapit na yung buhat part. In 3.... 2........... 1....... Yun binuhat na ako ni Tristan. Buti kinaya niya. Nabigat na nga daw aki sabi ni Tristan. Sabi ko nalang ay masarap kayang kumain. Totoo naman ah. Masarap kumain. Nabalitaan ko rin na yung mean gurlz ay unti-unting nagkakawatak-watak. Dahil may lablyp na yung iba tapos yung iba naman ay nagluluksa. You know what I mean?

"Okay that's good."sabi ni miss sa amin. Binaba na ako ni Tristan. Ayun pagod na kaming dalawa.

"Sige umuwi na kayo. Bukas ulit hanggang 5 lang tayo bukas dahil may meeting pa kaming mga teachers.

"Sige miss. Thanks ulit."sabi ko kay miss. Tumango naman si Tristan.

"Oo nga miss. Thanks."sabi ni Tristan at umalis na kami. Bumaba na kami at pumunta sa locker namin ni Tristan. Magkatabi nga pala ang locker namin.

"Talikod ka nga muna Krystal. Magpapalit lang ako ng shirt."sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Tumalikod na ako.

"Ayyy Krystal. Yung towel ko nga. Yung nasa unahan mo."sabi niya sa akin. Kinuha ko naman yung towel at ibinigay sa kanya. Pagkaharap ko ay ayun wala na yung shirt. Okay shirtless ngayon si Tristan habang nakaharap sa akin.

"Ayyyy sorry. Akala ko naka shirt ka pa."sabi ko tapos tinakluban ko yung mata ko.

"Masanay ka na dito sa katawan ko. Ilang beses mo na kaya 'to nakita."sabi niya. Okay totoo yun maramung beses ko na yang nakitang shirtless.

Tinanggal ko na yung pagkataklob ko sa mata ko. May abs. May abs talaga siya. So ayun nakapagshirt na ulit siya. Buti talaga tago yung mga lockers namin. Kundi marami ng nangboboso Tristan. 

"Tara na."sabi ni Tristan. Kukunin ko na sana yung bag ko ng biglang kinuha ni Tristan. Pinagdadala niya ako ng bag? Totoo ba 'tong nangyayari ngayon?

"Thanks."sabi ko sa kanya. Bigla niyang hinawakan yung braso ko kasi nauna akong maglakad sa kanya.

"Bakit??"sabi ko at tinuro ni Tristan yung palda ko. Anong meron sa palda ko? Tiningnan ko yung palda ko. Ayyyy shet. Bakit ngayon pa ako nagkameron?

"Meron kang stain."sabi ni Tristan. Hala!! Yari na ako. Meron ako ngayon.

"Mauna ka maglakad. Tatakluban ko yung palda mo."sabi ni Tristan sa akin. Okay. Tumango na lang ako. Bugla kong natandaan na may extra akong damit sa locker.

"May extra akong damit sa locker ko."sabi ko at tinuro yung locker ko. Panu ako magpapalit? Ayoko naman dito sa locker. Eh malayo naman ang CR. Dito na nga lang. Maggagabi na rin naman eh.

"Dito na lang ako magpapalit. Takluban mo ako. Yung palda ko lang naman ang papalitan ko."sabi ko kay Tristan. Tumlikod siya at tinakluban ako. Nagpalit na ako. Ayun natapos na rin. Kinuwit ko na siya.

"Uwi na tayo. Bilisan na natin."sabi ko at ayun pumunta na kami sa parking lot. Buti talaga nandito si Tristan.

"Thanks talaga. As in."sabi ko at pumasok na ako sa kotse ni Tristan. Nilagay ni Tristan yung bag ko sa likod.

"Welcome. Para san ba ang bestfriend di ba?"sabi niya sa akin. Laking pasalamat ko talaga kay Tristan. Buong oras aking tahinik at ang tanging kinig ko lang ay ang tunog mula sa radyo. Nang nasa tapat na kami ng bahay ko. Nagbye agad ako kay Tristan at nagmadaling pumunta sa CR para makapagshower ako at makapaglagay ng alam niyo na yun.

Ang hirap talaga pag nasa period ang isang babae. Ang sakit sa puson. At may madadamay ka pang iba dahil pag nasa period ang isang babae,nagiging moody sila. Ako na mismo ang nagsasabi.
_____________________________________

SORRY FOR THE LATE UPDATE!! Maraming ginawa eh. Dahil nga bago ang grading system,marami ang magbabawi.

My bestfriend loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon