Krystal's POV
*after 1 week*
Pagkatapos ng isang week walang masyadong nangyari. Pinakilala sa akin ni Tristan si Dennis. Palagi na namin siya sinasama sa mga gala namin at unti unti akong nagiging close kay Dennis. Sabi nga ni Tristan baka daw magkadevelopan daw kami. Nandito ako ngayon kasama si Dennis. Wala si Tristan may trangkaso. Pero excited na ako dahil dadating na si kuya Jericho. At dahil nung Monday ang pilian ng ms. and mr. Dreamer. Ako at si Tristan ang napili at as usual pupunta daw siya sa bahay ko para daw makapag plan na ng mga gagawin. Pero di pa namin alam kung kailan.
"Gusto mo ihatid na kita,Krystal?"sabi sa akin ni Dennis. Tumango na lang ako at sinabi kong maglakad na lang kami at malapit naman yung bahay ko pero sabi niya mag meryenda daw muna kami. Pumayag naman ako tapos nilibre niya ako ng lasagna. Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni Dennis.
"Salamat talaga Dennis. Pakisabi nga kay Tristan magpagaling na. Sayang hindi ako nakapunta. Pakisabi ha? Thanks talaga."sabi ko kay Dennis.
"Oo naman Krystal. Alam ko namang concern kadun sa kapitbahay ko. Sige bye."sabi ni Dennis.Nag bye na ako sa kanya at tinanaw hanggang mawala na siya sa paningin ko.
Hindi kumpleto ang araw ko pag wala ang bespren ko. Bakit parang ang bigat sa kalooban ko na hindi ko nakita si Tristan ng isang araw? Siguro napamahal na rin ako sa kanya. Wahhh? Ano bang sinasabi ko?
Siguro mahal mo na nga ang loko mong bespren.
ARGHHH. Sino yun? Siguro yun yung konsensiya ko. Hindi naman sa mahal ko pero kakaiba talaga eh. Parang tama nga yung konsensiya ko,parang inlab na ako kay Tristan.
Pumasok na ako sa bahay namin. Miss ko na talaga si Tristan. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang aking tuta na si Boxxy. Oo Boxxy mapangit na kung mapangit wala kayong pakialam dahil akin lang siya. Hahaha. Pabebe girls lang ang peg.
TENGENE NEMEN! Natapakan ko pa nga daw yung ihi ni Boxxy. Putik na yan.
"MANANGGG!! Yung ihi ni Boxxy natapakan ko. Ebarg naman ehhh."sabi ko tapos at kumaripas naman ng takbo si manang na may dalang mop. Pumunta na ako sa kwarto at humiga agad sa kama. Ah ah bakit ba si Tristan palagi ang nasa isip ko. Kanina absent-minded ako sa mga klase kakaisip kay Tristan. Tumayo na ako at nagshower sa CR alangan naman sa sala. Lels ang korni nun ah.
Pagkalabas ko ay natandaan ko naman si Tristan. Hayyy naku. TRISTAN NA NAMAN ANG NASA ISIP KO. Ebarg much. Ginawa ko na ang mga assignments ko para makatulog na rin ako at makapunta sa dreamland. Hahaha childish much? Eto ba ang epekto ng masyadong pagkamiss kay Tristan.
Dennis's POV
May kakaiba ngayon kay Krystal. Palaging nakapout parang kabaliktaran nung nakilala kong Krystal. Dahil ba kay Tristan at nagkakaganun yun. Siguro nga dahil kay Tristan pero sa totoo lang gusto ko si Krystal. ANG GULO KO! PUCHANG LAB YAN! Si Erich kasi pinaasa ako. Hoy! Akala niyo lang mga lalaki lang ang paasa. Mga babae rin naman kaya patas lang rin. Umuwi na ako mag-isa. Dumeretso agad ako sa gate namin. Mamaya ko na lang sasabihin yung pinapabilin sa akin ni Krystal. Pansin ko rin na nakatulala siya palagi sa isang tabi.*ring ring ring*
Nagriring phone ko may natawag. Tiningnan ko yung caller ID at agad kong sinagot si bro lang naman kasi.
"Bro ano na?"
"Bro punta ka dito. Kailangan ko ng kausap."
"Sige bro. Punta na ako diyan."
Agad kong in-end call. Nagmadali ako sa pagpapalit ng damit at agad pumunta kay Tristan. Nang nasa tapat na ako ng bahay saktong nakabukas ang pinto nila. Agad akong pumasok at pumunta sa kwarto ni Tristan.
"Bro buti pumunta ka."nanghihinang sabi ni Tristan. Nakakaawa siya as in kung kita mo lang siya. Maputla at nanghihina.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Bakit ka nagkaganyan?"concern kong sabi ko sa kanya.
"Bro hindi ko alam eh bigla na lang akong nagkaganito. Nasan si Krystal? Gusto ko siyang makita."sabi niya na sobrang nanghihina kung baga parang mamamatay. Huwag,ayaw ko pa siyang mawala. Tinawagan ko agad si Krystal kung yun ang gusto ni Tristan. Sige gagawin ko yun.
Krystal's POV
*ring ring ring*
May natawag sa akin. Si Dennis? Bakit kaya? Sinagot ko ito agad agad. Siguro may balita na siya tungkol kay Tristan.
"Hello. Oh Dennis? Ano na?"
"Krystal,pwede ka bang pumunta sa bahay ni Tristan? Gusto ka niyang makusap. Sunduin kita diyan,okay?"
Hala! Panu yun? Dadating si kuya Jericho. Bespren o pinsan? Hala di ako makapili. Shete naman oh. Bespren na lang. Sabi ni kuya may maya pa naman daw siya darating dhil trapik daw.
"Sige bilisan mo sa pagsundo ha?"
"Oo naman,Krystal"
In-end call na at nagmadaling pumunta sa entrance gate ng bahay ko. Naghintay ako ng mga 5 minuto at dumating na si Dennis na nakasakay sa isang motor. Damn,ang ganda nung motor parang Ducatti. Pero hindi ako sanay sumakay sa motor.
"Ang bilis mo ah Dennis."sabi ko na may sarcastic tone.
"Oo nga eh. Hahahaha angkas ka na. "sabi niya at inangkas ako dun sa motor niya. Hindi ako sanay kaya minsan ay napapa-hug ako kay Dennis. Ah ah naman nakakahiya eh.
Hay buti talaga si Dennis lang 'to."Salamat Dennis ha. Sorry rin kung napapahug ako sayo."sabi ko na may pagkahiya sa boses ko. Pero naramdaman ko na may abs si Dennis. Hay ano ba nanaman ang iniisip ko? Kailangan kong magtino.
"Ok lang yun. Walang anuman."sabi ni Dennis na nakangiti. Pogi rin pala si Dennis pagnakangiti. Ayiesh. Ano ba yan?
Hinintay kong ipark ni Dennis yung motor niya sa bahay nila. Pagkatapos nun ay pinapasok ako ni Dennis sa kwarto ni Tristan.
"Hi Krystal. Musta na?"hinang hina na sabi ni Tristan sa akin. Nakakaawa siya dahil sobrang putla niya.
"Bakit ka nagkaganyan?"sabi ko habang papalapit ng palapit ako sa kanya.
"Okay lang a-"naputol ang sinabi niya dahil hinug ko siya ng sobrang higpit. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinug pabalik. Inalagaan ko siya hanggang may tumawag sa akin. Shit si kuya Jericho.
"Oh kuya. Hi. San na po kayo?"sabi ko na may konting kaba. Baka nama kasi nandun na siya sa bahay tapos ako nandito sa bahay ni Tristan.
"On the way na ako wala na masydong trapik eh." Shit talaga lang.
"Sige kuya byeee."sabi ko at agad na binaba ang phone ko.
Nagpaalam na ako kay Tristan. Tinawag ko si Dennis para ihatid niya ako. Motor ulit ang ginamit niya. OMO!! Pero okay lang yan di ba? Sobrang bilis mag patakbo ni Dennis. Kaya mabilis rin akong nakauwi. Tapos nung nasa loob na ako tsaka lang dumating si kuya Jericho.
"KUYA JERICHO!!"sabi ko at biglang hug kay kuya Jericho. Hayyy sakto lang ang pagkadating ko.
"BEBE INSAN!! Musta na?"sabi niya at hinug ako pabalik. Hayyyy miss ko na talaga si kuya Jericho. Binigyan niya ako ng isang dozen ng Krispy Kreme. My favorite!!
"Thanks kuya."sabi ko at pinaupo ko na si kuya Jericho. Nagkwentuhan kami dahil madalas na rin naman kami magkita. Kaya patas lang. Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog agad ako. Dahil sa pag-aalaga ko kay Tristan. At least nakita ko na siya buo na ang araw ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/42729688-288-k357604.jpg)
BINABASA MO ANG
My bestfriend lover
Teen FictionMeron syang bestfriend na: Napakasweet Matalino Maganda Mapagmahal Palakaibigan Ito ang perfect na para sakanya na bestfriend. Paano kaya niya maproprotektahan ang kanyang bestfriend sa mga maaaring manakit sa kanya? Paano niya maipagtatapat na maha...