Tristan's POV
Gusto kita Tristan.
Gusto kita Tristan.
Gusto ako ni Maria at yun ang ikinabigla ko. Ako na isang ordinaryong tao,may magkakaguato sa aking halos perpekto na babae.
"Huyyy Tristan! Okay ka lang ba? Sabi na nga ba eh. Yan tuloy nakatulala ka ngayon habang nakatingin sa hindi kalayuan. Huy pansinin mo naman ako. Sorry di ko agad nasabi."sabi ni Maria habang hinawakan niya yung batok niya. Tumayo na lang ako paalis kung nasaan si Maria.
"Huyyyy!! Trissstannnn!!"panay na sigaw ni Maria pero hindi ko na lang siya pinansin. Habang naglalakad ako nakalimutan ko na may klase pa pala ako. Tumakbo ako papunta sa room ko na nasa 3rd floor pa. Tapak diyan,tapak doon hanggang makaabot sa 3rd floor. Buti talaga athlete ako pero hinihingal na ako.
Pagkadating ko sa room,wala pa si terror sir. Aba't nang kukurot sa tagiliran pag hindi tumatahimik. Minsan pa nga pinapalabas eh tapos papapuntahin ng P.O.D.(Prefect Of Discipline). Hala nakakatakot naman yun. Pagkaupo ko sa chair ko ay bumungad sa paningin ko si Krystal. Dumating si George at Nathan na dala dala ang gamit ni sir. Nagtilian naman lahat ng babae sa classroom. Kumindat naman si Nathan sa kanilang lahat. Mas lalong nagtilian ang lahat ng babae at ako dito wala lang nakatitig lang sa kanila.
"Ang pogi talaga nila. Mamatay na ako sa kakiligan."
"Oh my gosh!! Nandito si George at Nathan!!"
"Kinikilig ako!! OMG!! Kyaaahhh!!"
"OMG!! OMG!! Yung bebe ko nandiyan!!"
Ilan lang yun sa mga nakikinig ko. Hay talagang hearthrob 'tong dalawa na 'to sa school eh. Ako rin naman pero mahirap eh. Alam mo ba yung 'feeling' na pinagkakaguluhan ka ng mga babae tapos itong kasama mo nadadamay sa mga fangirl mo.Tumingin ulit ako kay Krystal na nasa tabi ko lang.
"Huy kanina ka pa wala. Buti nga hindi ka naabutan ni sir terror."sabi ni Krystal sa akin.
"Buti nga eh. May kinuha kasi ako sa locker."sabi ko sa kanya. Oo nagsinungaling ako,sa totoo lang kaya ako bumaba ay dahil nagpapahangin ako. Kinuha ko yung tubig ko at uminom hanggang maubos yung tubig.
"Hayyyyy Nakuuuu!!! Aalis na sina Nathan at George."
"Awwwwwdieee!! Wala na lumabas na sila ng pinto!!"
Tumingin ako sa pinto ay lumabas na nga sila at dumating na si sir. Agad nagtayuan sila at bumati.
"Good afternoon sir. Medina."sabay sabay naming sabi. Tumango na lang si sir at sinenyasan na umupo na kami. Ang boring naman ng subject ni sir. Sarap matulog.
*after afternoon subjects*
"Okay class since time na. Bibilisan ko na ang pag-aanounce ko. This Monday nga pala ay pipili kami ng mr. Dreamer and ms. Dreamer sa bawat section ng grade 7. Ang contest ay sa september pa pero kahit ngayon ay july pa lang gusto naming mga teachers ay advance ang pagpili para maraming time sa mga participants. Okay. You can go now."sabi ng advisor namin. Ayyy ito na namang contest na to. Sure na ang pipiliin ay si Krystal. Aba't halos perfect siya eh.
Lumabas na kami ng classroom at pumunta sa locker ko. Naisip ko naman yung eksena kanina sa may swing. Nakita ko naman si Dennis yung kapitbahay ko.
"Hoy bro. Dito ka na nag-aaral. Bakit? Paano?"sabi ko sa kanya habang tinatapik yung likod niya.
"Exchange student ako dito bro. Pumayag naman ako dahil scholar ako. Nag-agree din naman yung mga magulang ko."sabi niya sa akin.
"Paano na si Erich?"sabi ko kay Dennis na ikinagulat niya. Tapos ay nalungkot naman siya.
"Nabusted ako bro. May bf na pala siya. Taga-ibang school di ko alam kung anong school."sabi niya tapos nalungkot siya. Awwww!! Sakit nun. Busted si bro.
"Okay lang yan bro. Marami pang ibang babae diyan. Huwag ka mag-alala."sabi ko bang hinahagod ko yung likod niya.
"Huwag muna bro. Kailangan ko munang ipahinga tong puso ko."sabi niya sa akin. Nang may dumaan na mga babae bigla silang nagbulungan nung nakita nila si Dennis.
"Ano bang section mo bro?"tanong ko sa kanya.
"2nd to the best section bro. Uhmmm parang trustworthy section yata."sabi niya sa akin. Whatttt?! Kasection ko si bro.
"Kasection kita bro pero bakit hindi ka pa pinakilala sa amin?"sabi ko naman sa kanya. Nagfist bump naman kaming dalawa.
"Sabi kasi ni mr. Santos na sa Monday na lang daw ako pumasok pero nagtour muna ako dito sa school natin."sabi niya sa akin. Ahhhhh kaya pala. Umalis na si Dennis at may practice pa nga pala ako ng basketball. Naglocker na muna ako at hinanap ko naman si Krystal. At nandun siya sa basketball court nanunuod ng practice sa mga basketball player.
"Huy Krystal. Hintayin mo ako diyan. Magpapalit lang ako ng damit."sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at pumunta na ako sa room kung saan nagpapalit ang mga basketball player. Nagpalit na ako ng jersey at umalis na ako. Bumalik ako sa basketball court at nagpractice na. Nakita ko na lumapit si Nathan kay Krystal at tumabi siya kay Krystal. Napahigpit ako ng hawak dun sa bola at nagpipigil ng galit. Bakit ako nagkakaganto? Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at ipinagpatuloy ang pagpapractice ng basketball.
"Huy Tristan!! Tawag ka ni captain."sabi ni Mark isa sa mga ka-team ko. Tumingin ako kay Nathan at pinapapunta nga ako sa kanya. Kung magtatanong ka kung bakit siya ay captain kahit freshman lang siya. Siya kasi ay magaling sa basketball at mas magaling pa talaga siya sa mga sophies,juniors at seniors. Palagi siyang nakaka 3 points pag natira. Palaging shoot ang kanyang mga tira madalas lang siya magkamali sa pagtira.
"Ano yun Nathan?"sabi ko kay Nathan. Umupo ako sa tabi niya. Tumingin siya sa akin.
"Sabi nga pala ni coach na may practice bukas. Ang time ay 8:30 ng umaga hanggang 10:00 ao 2 hours lang yun. Pakisabi mo nga sa kanila. Wala kasi si coach pero inassign niya akong incharge sa inyo."sabi ni Nathan sa akin. Yun lang pala. May katamarang taglay pala ito si Nathan.
"Guyyysssss!!!! Attteeeennnnttttiiiioooonnn!! May pinasabi sa akin si Nathan na ipinasabi ni coach sa kanya."sigaw ko ng sobrang lakas sa kanila. Sila ay nagsipuntahan sa akin at nakinig sa akin. Inannounce ko naman yung sinabi ni Nathan. Nagtanguan sila lahat at bumalik na sila sa pagpapractice. Natapos na rin ang practice at tumingin ako sa kapaligiran ko at wala na si Krystal. Umuwi na ako ng bahay since tapos na ang training namin. Tsaka ko lang tiningnan ang phone ko may 2 message ang nakalagay. Tiningnan ko naman yung isa ay kay Krystal. Yung isa ay kay Maria.
From: Krystal ^_^
Tristan umuwi na ako. Huwag ka mag-alala nagpasundo ako kay manong. Sumakit kasi yung ulo ko. Geh ingat pag-uwi.
Inopen ko yung isang message.
From: 09*********
Hi Tris. Si Maria nga pala to. Sorry dun sa kanina. ('~o~)
Hanggang ngayon pa ba naman magsosorry ka pa. Hayyyysssstttt... =_=
-------------------------------------------
Hi!! ^_^ NEW UPDATE!! hey mga silent readers paramdam naman. As always like,vote and comment. Keep on reading!! Thanks!!
BINABASA MO ANG
My bestfriend lover
Teen FictionMeron syang bestfriend na: Napakasweet Matalino Maganda Mapagmahal Palakaibigan Ito ang perfect na para sakanya na bestfriend. Paano kaya niya maproprotektahan ang kanyang bestfriend sa mga maaaring manakit sa kanya? Paano niya maipagtatapat na maha...
