Last Chapter

7.8K 143 19
                                        

Farah's POV

Tinignan ko isa isa si Calyx, Pixes at Noah. Suot suot nito ang uniform na binili namin. Ita-transfer kasi namin sila sa school na pagmamay ari ng mga Salvatorre.

"Ang cute nyo naman!" ani ko. Tinignan ko muli ang cellphone ko. Hindi pa nagti text si Nay Anita. Sumama kasi si Faria dito para mamalengke. Kapag wala ako ay isinasama nya ang tatlo mamalengke, I was shocked at first at nag alala rin pero, sumusunod naman ang tatlo dito kaya tiwala rin ako sa kanya.

But then...these past few days grabe ang pag aalala ko. I don't know. Tapos palagi ring pabago bago ang mood ko. I bit my lips. Maybe, I am...

Umupo si Phoenix sa tabi ko. Nangunot ang noo ko.

"Ang baho mo." sabi ko dito. Natawa naman ang tatlong bata na nasa harap ko.

"Kakaligo ko lang." aniya pa at inamoy ang sarili. Napangiwi ako. I don't like his smell. Tumayo ako pero nahawakan nya rin ang kamay ko.

"Ang tagal nila Nay Anita. May pasalubong akong ice cream kay Faria. Tinawagan mo na ba?" tanong nito na ikinanguso ko.

"May ice cream, Daddy?!" Pixes' eyes twinkled.

"Yup. Nasa kusina- Wag tumakbo! Calyx, take charge!" natatawang ani ni Phoenix nang makitang tumatakbo na ang tatlo.

"Sige, tatawagan ko na muna." sabi ko kalaunan.

Nagdial ako at tinapat ko ang cellphone sa tenga ko. Nagri ring lang ito.

"Nay Anita! Buti naman po sinagot nyo. Asan na po kayo ni Faria? Kanina pa po kasi kayong umaga umalis, ngayon hapon na-"

"Mabait si Faria..." nangunot ang noo ko nang magsalita ito.

"Po? Ano pong sinasabi nyo?" bumangon ang kaba sa dibdib ko. Napansin iyon ni Phoenix at kinuha ang cellphone ko at niloudspeaker ito.

"Asan po kayo?" tanong ni Phoenix.

Nakarinig kami ng tunog na pinilas. Masking tape, ganon ang tunog noon kapag tinatanggal.

"Mommy!!!"

Natutop ko ang labi ko. It's Faria's voice!

"Nay Anita, nasaan po kayo-"

"Mabait na bata ang anak ko. Si Kaloy. Nagkaroon sya ng trabaho. Naging isa syang bayaring lalaki. At nakilala nya ang babaeng yun..."

Nagkatinginan kami ni Phoenix. No...

"Si Sasha! Sinira nya ang buhay ng anak ko! Pinatay nya ang apo ko! Si Kaloy, hindi nya nakayanan ang nalaman nya noong bumisita sya noong nakaraang linggo! Wala na si Sasha at ang pinagbubuntis nito! Kasalanan nyo! Phoenix, sinabi mo kay Sasha na ipalaglag ang bata at pinainom mo sya ng mga gamot! Ayun ang sinabi ng sulat na ibinigay nya sa anak ko bago sya mapunta sa mental hospital!"

"Hindi po totoo yan! Nagsinungaling si Sasha sa inyo! She did it herself-"

"Kayo ang may kasalanan ng lahat. Minahal ko ang mga anak mo- pero mas mahal ko ang anak ko at apo kong hindi man lang nasilayan ang mundo dahil sa inyo! Dahil sa asawa mo!!"

"Mommy, help! Daddy!!" sigaw ni Faria sa kabilang linya.

Phoenix started to call someone. Must be the authorities.

"Listen, Nay Anita. Nagmamakaawa po ako. Wag nyo pong idamay-"

"Talon, Faria! Gusto mo bang itulak pa kita?!" sogaw nito sa anak ko.

"Nay Anita, pakiusap po. Wag ang anak ko!" sigaw ko. No, my baby!!

"I found her location-"

Pareha kaming natigilan nang marinig namin ang sigaw ng anak ko at ang tunog ng pagbagsak nito sa pagtubig.

Hiding My Husband's Triplets [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon