FOM 4:

15 1 0
                                    

Today? Is just an ordinary day. Pasok sa school, makinig sa lesson ng teacher bawat subject hanggang sa mabored ka.

Ano pa nga bang aasahan mo sa isang katulad kong orinaryong estudyante lang.

Syempre aral.. Aral.. Aral..

Nerdy? Hindi naman, kasi hindi naman ako nerd. Mahina nga ako sa math e, at hindi makapal salamin ko. Nagsusuot lang ako nito for eye protection, napitin kasi ako ng mga flyung dust particles kaya madalas akong mapuwing. Ewan ko ba, malakas ata magnet ng mata ko sa kanila. mwehehehe

Actually, last subject na namin ngayon at naghihintay na lang din kami sa teacher namin na 15 minutes late na. Medyo sanay na kami dun dahil malimit naman malay si Mam Cornejo.

Nakaupo lang ako dito sa pwesto ko, nilalaro ang ballpen ko at nilelettering ang pangalan ko. Mahilig kasi akong magsayang ng ballpen, lalo na pag wala akong mapagkaabalahan.

Gusto ko mang tumunganga sa labas dahil nasa tabi lang ako ng binata, hindi ko na lang ginawa. Dahil madilim na, 7pm na kasi baka kung ano pa makita ko.

Napukaw ang attention ng lahat ng tumayo na ang class president naman na si Louie.

Tulad ng lagi nyang ginagawa umupo si sa teacher table at masayang inanunsyo sa buong klase na "Wala tayong Chemistry." na dahilan ng pagbubunyi ng mga kaklase ko.

"Yes!"
"Uwian na"
"Yehey!"

Ako naman nagsimula ng iligpit ang mga gamit ko para madaling makauwi. Paniguradong pahirapan na naman makasakay nito.

"Pero bago ang lahat may iaannounce muna kami para sa groupmates ko." muli kong narinig ang boses ni Louie. Siguro about na yang sa pairing na ginawa nila.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko habang ang tenga ko ay nakatuon upang makinig.

"So eto yung partners for waltz group. Tandadanan~" kahit kelan talaga pa suspense ang isang to.

"Syempre kami ni Zelle." masaya nitong anunsyo. Tinuon ko na ang pansin ko sa kanila dahil tapos na ko sa pag-aayos ng gamit ko at ready to go na. Tumayo si Zelle at lumapit kay Louie.

"Innah at Marrion." siya naman ang nagbasa habang si Louie naman ay pumapalakpak.

Tinawag isa-isa ang mga members. Ako naman matyagang naghihintay na mabanggit ang pangalan ko at nang magiging kapareha sa sayaw na to.

Gusto ko ng umuwi, 7:30pm na makikipagsapalaran na naman ako ng tayuan sa bus nito.

"and lastly, tantandadan~" di ko namalayan na si Louie na pala uli ang nag-aannounce with matching pagdadurm pa sa table.

Halaaaa~ hindi ko ba narinig yung pangalan ko? Natulala ba ko?

"Justin and.." napatingin ako sa katabi kong si Kathy, kasi hindi ko pa din naririnig ang pangalan nya. Baka nakatulog ako sa inip or something nawala pala ako sa realidad.

"Ka--" "Janine." napatigil ako sa pagbabadya kong pagtatanong ng marinig ko ang pangalan ko.

"Ako?" mahina kong sambit, sino ngang partner ko? Hindi ko din narinig e. Tanong ko sa sarili ko dahil din talaga narinig.

Magtatanong na sana ako kung sino ang partner ko ng biglang tumayo na lalaki sa harapan at sumigaw ng "NO AWAY!"

Napataas ang kilay dahil dito. Tinitigan ko siya at dun ko lang napagtanto na siya si Justin Andrei Perez, kung hindi ako nagkakamali.

"May problema ba Justin?" nakangising tanong sa kanya ni Louie.

"Sinabi ko na sayo kung sino ipartner mo sakin diba bakit ganyan kinalabasan." mah pagkairita sa tono ng boses nya.

"Anong problema nya?" kinalabit ko si Kathy at bumulong.

"Ayaw ka atang partner e. Ako ata ang gusto, hehe." nagpating ang tenga ko dahil sa narinig ko. So siya ang ipapartner sakin? Tinignan ko siya ng masama, tsaka ko lang narealize na siya pala yung crush nitong si Kathy last school year.

"Psh! Akala naman nya gusto ko syang magjng partner." sinabi ko yun ng masama pa din ng titig sa kanya.

Seriously, kung ayaw nya mas ayaw ko din.

Napatingin sya sakin at animong nagulat siya nang makitang nakatingin din ako sa kanya.

"Kung ayaw nya edi go, si Kathy ipair nyo jan. Psh ayoko din naman sa kanya." akala mo kung sino. Naamoy ko na ang yabang sa kanya. Like duh! Ayoko sa ugali nya mabuti pa magprops personnel na lang ako kung siya lang din ang magiging partner ko.

"Pano kung ayoko?" natatawang tanong ni Louie sa kanya. Tinitigan nya lang ito ng masama. "Anong bang problema?"

"Wa-wala." sabi nito na nagpupukol pa din ng masamang tingin kay Louie. Nagtatawanan na ang mga lalaki sa harap na sa tingin ko ay tropa nya at iilan sa mga classmate naming babae.

Psh~ pinapatagal pa ang discussion kung ayaw, edi wag.

RIIIIIIING~

"WOAAAAAAHHH"

Sigaw ng karamihan ng magring na ang bell at nagsimula ng matayuan.

FRIEND OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon