FOM 7:

17 1 0
                                    

Yung dama mo sa sarili mo na pagod ka at inaantok pero ayaw pa rin bumagsak at magshutdown Ng system mo.

Nakakabadtrip! Pagtingin ko sa orasan ko, pasado ala-una na ng madaling araw.

Kanina pa ko nakahiga sa kama ko at paikot ikot. Hindi pa din kasi ako makatulog kahit anong pikit ko.

Nakalahati ko na nga yung librong kanina ko lang sinimulang basahin bago ako mahiga.

Nakipagtitigan na lang ako sa kisame ng kwarto ko at binilang ang mga glow in the dark stars na nakadikit dito.

Habang tinitignan ko ang mga bituin biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha.

Sino naman kaya ang magtetext ng ganitong oras.

From: Unknown Classmate
Can sleep tonight, cause your on my mind. I guess...
Hmm, you guess what?
-JP

Natawa ako bigla sa text. Siya pala ang nagtext at hanggang ngayon hindi ko pa din kilala kung sino siya.

To: Unknown Classmate
I guess i'm inlove once again.~

Hindi ko alam kung bakit naitype ko yun at na isend sa kanya.

Bobo mo Janine, baka kung anong isipin nun.

Niyakap ko na lang ang winnie the pooh stuff toy ko at napatitig sa screen ng phone mo.

Agad naman siya nagreply.

From: Unknown Classmate
I'll take this chance for other romance in my life.

Talaga bang paninindigan nya ang pagtapos ng kantang yan.

Hindi ko alam kung bored din ba ako o ano at pinatulan ko pa din ang text na ito.

To: Unknown Classmate
Cause you're all that I need.

From: Unknown Classmate
Ako lang pala ang kelangan ko ha! Hahaha!

Napabangon ako sa text nyang yun, wow! Ang bilis ng reply ha!

To: Unknown Classmate
Baka yun yung next line sa kanta. Sino ka nga ba?

From: Unknown Classmate
You still don't know me huh?

To: Unknown Classmate
Sa hindi naman talaga kita kilala e.

From: Unknown Classmate

Sa araw araw nating magkasama hindi mo pa din talaga ako kilala? Sige na matulog ka na.

Araw araw? Isa lang ang pumasok sa isip ko kung sino siya. Pero imposible naman.

From: Unknown Classmate
Wag ka ng mag-isip baka lalo kang hindi makatulog nyan. Goodnight Janine.

--
Kinabukasan, para akong zombie na naglalakad papasok ng classroom namin.

Pagkaupong pagkaupo ko sa upuan ko ay agad kong pinatong ang ulo ko aa mesa at pumikit. Kulang na kulang talaga ako sa tulog.

Nakakainis, 5am na ata ako nakatulog. Kung hindi lang talaga importante sakin ang pag-aaral hindi na ko pumasok ngayon e, 5 hours lang ang tulog ko at May quiz pa kami sa Math ngayon.

Suicide na Janine.

Pinikit ko ng mabuti ang mata ko, iiglip muna na.

"I can't help myself from falling in love with somebody like you~"

Bumangon ako agad at napatingin sa kumupulan sa harap na masayang naggigitara at nagkakantahan habang wala pa ang teacher namin.

Tinitigan ko sila isa-isa.
Nanjan kaya siya? Hindi talaga wala sa isip ko kung sino ba yung classmate ko daw.

Baka naman hindi ko talaga classmate yun at pinaglololoko lang ako.

"Puyat masyado?" tumindig ang balahibo ko dahil sa boses na yun mula sa likod ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at pinagmasdan siya. Nginitian nya ako at kumaway. "Mukhang kulang na kulang ka sa tulog partner."

Nginitian ko na lang din siya at iniwas ang tingin sa kanya. Ibinaling ko na lang muli ang tingin ko sa kumpulan sa harapan.

"for I can't help myself, from falling for you~" hindi ko napigilang matawa ng mahina ng marinig ko na kanta sya.

"Anong nakakatawa?" seryoso ang boses nya at lumipat pa talaga siya sa tabi ko para tanungin ako.

"Wala." tanging nasabi na lang. Pero deep inside gusto ko talagang tumawa, papiyok piyok kasi ang boses nya. Hahahaha! Bad Janine.

"Tsk! Pasalamat ka puyat ka." sabi nito.

"So anong connect nun?" tanong ko sa kanya dahil nalabuan ako sa sinabi nya.

"Kasi alam kong inisip mo ko magdamag kaya ka na puyat." Ngumiti na naman siya at kumindat pa.

"Para---" sabihin ko sayo hindi kita iniisip. Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pinat nya ang ulo ko.

"JP tara." May kung sinong tumawag sa kanya sa labas pero hindi ko ito pinansin dahil nakatitig lang ako sa kanya na nakatalikod na sa akin para puntahan kung sino man ang tumawag sa kanya.


JP?

Justin Perez?

Kinuha ko ang cellphone at iniscan ang text messages ko.


Then it hits me.





Guess what?








Napuyat nga ako kakaisip sa kanya.

FRIEND OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon