FOM 2:

22 0 0
                                    

Titig, tingin, sulayap... Nagmamasid.
Halos yan ang ginagawa ko ngayon dito sa pwesto ko kapag meron libreng oras.

Simula kasi pagpasok sa classroom na ito wala na akong ibang iniisip kung hindi ang malaman kung sino yung abnormal na classmate ko daw.

Hindi ko talaga mahulaan kung sino. Nafefeel kong pinagtitripan lang ako ni Angel at Kathy, sila ang mga close ko dito sa room. Pero ayaw ko naman silang tanungin.

Panano kung mali ako at hindi pala sila ang may pakana nun? Edi inusisa pa nila ako tungkol dun. At base sa boses nung 'classmate' nung tumawag siya, lalaki naman.

Muli kong tinitigan ang mga lalaki sa classroom na ito. Konti lang sila, dose lamg. Mas marami kasi ang population ng babae dito sa school namin kaya kakaunti lang talaga ang mga lalaki bawat classroom.

Sinuyod ko sila ng tingin. Halos lahat naman sila kilala ko. Pero sa pangalan or mukha lang dahil hindi naman ako pala kausap sa kanila... Pag kailangan lang talaga.

Si Louie, ang class president namin, impossible naman na siya dahil kilalang kilala ko naman ang boses nyan dahil sa daldal at laging pasasalita nya sa harapan.

Si Ronald, imposibleng sya dahil isa sya sa mga kaibigan ko dito sa room.

Si Marion--- "Janine tara sa punta tayong canteen." nawala ako sa iniisip ko ng biglang magsalita sa gilid ko si Angel. Napatingin ako sa kanya at kasama nya din si Kathy na tila hinihintay ako.

"Break time na?" naitanong ko na lamg dahil hindi ko na namalayan ang oras dahil sa iniisip ko. Napatingin ako sa may binta katabi ng upuan ko, nasa second to the last row kasi ako at tabi ng bintana. Nakita kong madami dami na ang estudyante sa labas.

Tuamayo na ako at sumabas na sa paglalakad nila.

Muli akong napatingin sa mga tao nakapwesto sa harapan ng classroom namin at nabaling ang tingin ko sa mga nagtatawanan na nakakumpol malapit sa teacher's table.

Napatitig ako sa isang tao doon na nakatingin sa desk nya kung saan nakapatong ang cellphone nya, nawari ko ay may hinihintay mula sa cellphone nya dahil sa seryoso siyang nakatingin dito.

Kinalabit siya ng katabi nya kaya napabaling siya dito ay ngumiti.

Mas lalo nyang nakuha ang atensyon ko.

Ang ganda pala ng ngiti ni--"hoy Janine, tara na!" napatingin siya sa pwesto ko kaya napaiwas ako ay bumaling kay Kathy na siyang tumawag sakin na medyo malayo na pala sa lugar kung nasaan ako.

"E-eto na." madali akong lumapit sa pwesti nila. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nakita nya kong nakatingin sa kanya? Shocks!

FRIEND OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon