Chapter 1

2.3K 40 29
                                    

The Cab

Khyssa

Narito ako ngayon sa isang park at hinihintay ang mga kaibigan ko. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang may mga pamilya na nakikipag bonding sa pamilya nila at may mga batang naglalaro rin habang naghahabulan at ang iba ay naglalaro rin sa swing.

Buti pa sila masaya. Pero ako?

Masaya ako kung masasabunutan ko mga kaibigan ko at masakal sa leeg. Actually kulang pa ’yan, baka nga maluto na sila ng kumukulo kong dugo ko since bad mood ako ngayon dahil pinag hintay ako ng mga kaibigan kong leche.

Kapag may napapatingin sa akin sila na mismo ang umiiwas ng tingin natatakot ata sa maganda kong mata. Ang maganda kong berdeng mata ay kinakatakutan nila. Ika nga ng the neighborhood 'darling your looks can kill, so now you're dead' pero sa part na ’to yung mata ko yung nakakamatay. Kung hindi lang ako bad mood panigurado marami nang nainlove sa aking pretty eyes at sa aking mukha. Sa ganda ko naman ba ’to.

"Khyssa, my friend namiss kita!" Speaking of the devil.

She wrapped her arms hands around my neck at tumalikod ako upang makita ko ang pagmumukha niya at COMFIRM! Siya nga ang kaibigan kong si Sheena.

Hindi si Sheena Geronimo, Sheena Hatdog, Pero si Sheena talaga. Pero isa nalang talaga Sheesherain ko na pagmumukha at buhay ng baklitang ’to kasama ng tatlong mga tarantadong kasabwat niya.

"Bitawan mo nga ako, Sheen." tinanggal ko ang braso nito at nag cross arms.

"Hala bebe anong nangyari sa’yo?" takang tanong nito at binigyan ko nalang ito ng irap bago sumagot.

"Ay? so ako pa ang manghuhula kung ano ang nangyari sa’kin?"

Hala anong nangyari sa’yo Khyssa?

POTANGINA ANO AKO, BALIW?

halata ngayon na pinipigilan niya ang tawa niya kaya mas kumulo pa ang aking dugo. Baka gusto niyang matestingan ang kulo ng dugo ng isang magandang katulad ko. Baka sa sobrang hot ko manginit ang buong katawan niya.

CHARING!

May pamilyar na boses pa na tumawag sa atensyon namin at alam ko na kaagad kung sino iyon. Pagkalingon ko ay nakita ko sila Deon at Jamaica. Ang kumumpleto sa leche list ko.

Masama kong tinignan ang dalawa kong kaibigan na papalapit sa kinaroroonan namin ngayon.

"Anyare?" tanong ni Jamaica.

You're asking me what happened?

Seriously? PUTANGINAMERLS!

Hindi na ako isang normal person, isa na akong manghuhulang pinapahula ng mga kaibigan kong nagtatanong sa kung ano ang nangyari kahit sila naman ang may pakana. Sila rin ang rason kung bakit kumukulo ang dugo ko. Sa sobrang init ng dugo ko, dinaig pa ang init ng araw yung tipong isang titig ko lang sa mga kaibigan ko parang gusto ko nalang silang bigwasan. Nakakainis ang mukha nila.

Pinag-intay ba naman ako ng isang oras dito ng mga lokong ’to tapos ang ending makikita ko nalang sa gc na ni-reschedule nila yung time na pagpunta namin dito kase busy daw kuno sila.

Okay lang naman na ni-reschedule pero pinag intay ang isang Khyssa Karssev ng isang oras? no way!

Bakit ako nag intay ng isang oras? Nag intay lang naman ako ng isang oras kasi sabu nila 'on the way na ako' 'saglit lang traffic' 'mamaya na ako makakapunta' TAPOS MAKIKITA KO NALANG NA 'mamayang alas tres nalang pala ta’yo mag kita, ciao!'

"Wazzup! miss mo’ko?" si Deon iyon na nakalapit na sa kinaroroonan namin ni Sheena habang suot suot ang ngiti niyang nakasira ng araw. Kung ang ibang mga babae, nahuhulog sa ngiti niyang mukhang natataeng titan na kinulang sa ligo, pwes ako hindi.

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now