E-h ang hirap maging mahirap

289 8 1
                                    

Napakamot ako sa ulo ko habang nag-iisip kung paano papakiusapan yung nagbabantay ng public toilet na libre na lang si Hani. Limang piso kasi ang bayad kapag tatae ka. E naipambili na namin ng mais ni Hani yung perang dala ko. Malay ko ba naman kasi na ngayun pa maiisipan ng tyan ni Hani na magbawas. Ang takaw kasi!

"Hani, aabot ka pa ba sa Jollibee?"may Jollibee kasi sa di kalayuan ng plaza. Dun ko na lang sana sya papaebakin. Sosyal pa diba?

"E ate, hindi na e.."lukot na lukot na ang mukha ni Hani at nagsimula ng magmadali papunta sa public toilet.

Hay bahala na!

"Ah-e-manong. Baka naman pwedeng ibalato mo na to samin. Pasensya na po, wala na talaga kong pera"pakiusap ko dun sa nagbabantay ng banyo.

"O sige na! Basta buhusan nyong maigi!"

"Salamat po!! :D"dali dali kong inalalayan si bunso sa loob ng banyo.

PWE! Kung anong inaliwalas ng mukha ni Hani paglabas namin ng banyo, sya namang asim ng mukha ko. Ang baho! Kelan ba huling nagbawas tong kapatid ko!

"Ano, okay na kayo?"nagulat ako ng makita si Lark na katabi nung nagbabantay ng banyo. Nakalimutan ko na sya sa sobrang depressing ng mga pangyayari kani-kanina lang.

"Ah oo"hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nakakahiya. Pasimpleng inamoy ko yung sarili ko. Nakng! Baka kumapit yung pamatay na amoy ng jebs ni Hani e. Bawas ganda points pa.

Hmm..okay naman. Mabuti at hindi kumapit.

Nagpatuloy na kami sa pagkekwentuhan ni Lark hanggang sa matapos ang practice nina Gino.

"Ate, tara na!"yaya ni Gino.

"Bye Kuya Lark! Bye Ate Katie!"sabi ni Hani.

"Bye Hani. Bye Gino! Bye A-Ate"atubiling sabi ni Katie.

"Sige babye.."sabi ko sa kanilang dalawa ni Lark.

"Bye Hani, Gino. Bye Adi"naglakad na kami pauwi.

"Dakila?! Bakit hindi ka pa nagsasaing?"untag ko ng makita kong wala pang sinaing. E alas sais na.

"Wala namang sasaingin e"sabi ni Dakila habang nakatutok pa rin sa PSP na hiniram nya.

Pagtingin ko sa lagayan ng bigas, wala na ngang laman. Tsk. Umutang muna ko sa may sari-sari store sa may tapat ng bahay namin. Tsk. Dagdag na naman to sa mahabang mahaba na naming listahan ng utang kay Aling Nelia.

"Wag kang mag-alala Adeng. Hindi ko naman kayo minamadaling magbayad"nakangiting sabi ni Aling Nelia. Buti na lang talaga, mabait sya. Nakakakonsensiya na nga minsan e. Parang naaabuso na kasi namin sya. Lalo na pag mas gipit kami. Tulad ngayon.

"Pasensiya na po talaga kayo Aling Nelia"ang pamilya yata namin ang magiging sanhi ng pagkalugi ng Aling Nelia's Sari-Sari Store. Naku po.

Pagkatapos kong isalang yung sinaing, sinimulan ko ng balatan yung pusa ng kapitbahay namin.

JOKE JOKE JOKE! HAHAHA

Napabungisngis ako sa sarili kong joke habang inihahanda yung imbak namin na tuyong isda.

Anong oras kaya uuwi si Tatay?

Alas-diyes na pero wala pa rin si Tatay. Tulog na sina Hani at yung kambal. Ako na lang ang gising dahil nagrereview ako para sa exam namin next week.

Maya-maya pa, bumukas na yung pinto.

"Tatay!"nagmano ako.

"Kumain na ba kayo?"

"Opo"

"Tay! Anong nangyari sa braso mo?!"nagulat ako nang makita kong ang napalaking sugat sa braso ni Tatay.

"Nabagsakan ako nung mga kahoy at bakal dun sa may pinapagawang bahay na pinag-extrahan ko saglit"hapong hapo na napaupo si Tatay sa may mesa at hinubad ang sombrero niya.

Dun ko nakita na maski ulo niya, may sugat. Nakapaikot ang gasa sa may bandang noo niya.

"Nagamot nyo na po ba yan?"nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Oo. Magpakulo ka na lang muna ng tubig. Lilinisin ko ulit. Nakahingi naman ako sa kapit bahay ng mga gamot. Mabuti na lang at napakabait ng mga tao dito sa barangay natin"

Mabilis akong nagsalang ng kaldero na may tubig at binalikan si Tatay. Nakakatakot yung sugat! Nagdudugo pa nga ng kaunti.

Nakakatakot kung maiimpeksyon.

"Datu? Datu?"may tumawag kay Tatay mula sa labas. Pagkabukas ko ng pinto, si Mang Kadyo.

"O eto yung antibiotic oh. Nakow. Iingatan mo yang mga sugat mo at linising maigi palagi at baka maimpeksyon"bilin pa nito. Sabay kaming nagpasalamat ni Tatay.

"Adeng? Oh eto yung baon mo oh"inabutan ako ni Tatay ng isang libo.

Ibinalik ko yung tatlong daan sa kanya.

"Ipambili nyo po ng gamot"

"Eh--"

"Kaya ko pong pagkasyahin to sa isang linggo"dahil nga malayo ang school ko, nagbo-boarding house ako. Alam kong hindi kasya ang 700, kasama pa ang pamasahe papunta at pauwi, sa isang linggo, kung normal na gastos ang pagbabasehan. Pero kaya ko namang magtipid.

"Salamat, Anak"pinigil ko ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa mula sa mga mata ko. Ang hirap maging mahirap. Bakit kaya ganito ang ibinigay Nyong buhay samin ha, Lord?

"Bukas, gisingin mo mga kapatid mo ng maaga. Magsisimba tayo"

"Opo"

THE BREADWINNER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon