R-ehearsal

220 9 2
                                    

"Hoy!"tinapik ko ng malakas sa balikat ang walanghiyang nakakwelyo kay Gino.

Agad naman syang napapitlag at lumingon sakin.

"Bakit mo--"bigla akong napatigil nang makita ko ang mukha nung walanghiya.

Gwapo, syet.

Adeng! Adi! Edukada Boonggaling! Mind over matter!!

Agrabyado kapatid mo, siraulo!

Sermon ko sa sarili ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita ulit.

"Anong problema mo?! Bakit mo kinukwelyuhan kapatid ko ha?!"tinanggal ko ang kamay nya mula sa pagkakahigit nya kay Gino.

"It's your brother's fault! Hinaharass nya ang pinsan ko!"nanlaki ang mata ko sa sinabi nung lalake.

Si Gino?! Kapatid ko?! Manghaharass ng babae?!! E sya pa nga ang nahaharass ng babae eh.

"Gino, totoo ba yon?!?!"gigil na tanong ko sa kapatid ko.

"Ate, hindi! Kinukulit kasi ako..sama daw ako sa kanila ng kaibigan nya pagkatapos ng rehearsals. Ayaw kong pumayag pero ang kulit pa din! Hinawakan ko tuloy sa balikat para sabihan na magtigil. Yun ang inabutan ng kuya nya"

Napatingin ako sa babaeng nasa gilid nung barabas na lalake na syang tinutukoy ni Gino.

"Totoo ba yon?! Sagot!"konti na lang magsusupersayan na ko.

"Totoo po yung sinasabi ni Gino..Gusto lang naman namin syang iinvite sa party ni Chezka after ng rehearsal eh.."nakayukong sabi nito.

"What?"tanong nung barabas.

"Oo, Kuya"sabe nung babae.

"O kita mo na? Sana nagtatanong ka muna bago ka mag-inaso diba? Bwiset"pinapainit netong mga 'to ang ulo ko e!

"Mangmang yata 'to eh.."pahabol kong insulto. Nakakagigil kase!

"S-sorry.."narinig kong sabi nung barabas.

"Anyenye"nagtroll face ako. Wala kong pake kung mukha kong natatae.

Biglang tumawa yung lalake.

"Tss..tara na nga Hani. Bili tayo ng mais. Gino, ilabas mo yung suman. Magpipicnic tayo, madali ka!"parang Senyora Santibanez na utos ko.

Um-exit kami ng bonggang-bongga XP

Tulad ng promise ko kay Hani, bumili kami ng mais. Pagkatapos, pasimple kong ninenok yung tarpaulin ng Mayor namin at inilatag sa may damuhan sa plaza. Sya namang pagdating ni Gino, dala dala ang suman, may kasama pang asukal and voila!

Picnic. Yeah \m/,

"Kuya, pengeng tubig"sabi ni Hani maya-maya. Kinuha naman kaagad ni Gino ang baon nyang tubig galing sa bag.

"Bakit ka ba pinipilit nung babae kanina?"tanong ko kay Gino.

"Crush daw kasi ako nung bestfriend nya..contestant din"nangingising sabi ni Gino.

"Asows.."nasabi ko na lang. Bigla biglang nag-iba ang expression ng mukha ni Gino habang nakatingin sa likuran ko.

Syempre lingon naman ako kaagad. Naglalakad papunta sa direksyon namin yung gwapo kanina, kasama na naman yung pinsan nyang pahamak.

"P-pasensiya na po kayo kanina.."sabi nung babae nang nasa tapat na namin sila.

"Yeah, sorry"sabi din nung lalake. Conyo si dudong..mga halatang anak mayaman.

Biglang may inilapag na kahon sa tarpaulin slash picnic cloth namin.

Pizza *u*

"Ate, pizza!"sabi agad ni Hani. Sasabihin ko sana na magpakipot muna kami ng kaunti para naman di masyadong obvious na sabik kami sa pizza, pero naunahan na ko ni Hani.

"Salamat po! Ok lang po iyon"sabi ng magaling naming bunso at sinimulang tanggalin yung tali sa kahon.

/("-_-) Nagkatinginan na lang kami ni Gino at sabay na napakamot.

"Uy, Hani!"saway ko.

"Ate ang sarap!"tuwang-tuwang sabi ni Hani. Sa totoo lang, naglalaway na rin ako. Pinapairal ko lang ang pride ko. At malakas ang pakiramdam kong ganun din si Gino.

"Sige na po..wag na kayo mahiya..peace offerring po namin yan. Pasensiya na talaga"sabi nung babae.

"Tama yon. By the way, I'm Lark Valderama and she's Katie.."sabi nung lalake.

"Sya naman po ang Ate ko! Si Edukada Boonggaling. Adi, Adeng for short. Ako naman po si Kabigha-bighani Boonggaling. At eto naman po ang kuya ko..si Maginoo Boonggaling!"daldal ni Hani. Potek, bunso! Tirhan mo kami ng pizza!

Tawa ng tawa si Lark at Katie. Iba talaga ang charm ni Hani.

Ayun..maya maya pa..nag-uusap na kaming lahat na para bang walang nangyare. Okay din naman pala si Lark :P

Nakain na din namin yung pizza. Ang sarap nga! Bitin >.< heheheheheheh

Tapos na ang break nina Gino kaya naiwan na lang kami nina Hani at Lark.

Napatitig ako sa huli. Kainis..ang ganda ng kutis. Kabog na kabog ako. Ampugee talaga. Boy next door type..tapos--ay pucha! Napaiwas ako ng tingin at napatingala sa langit.

Bigla kasi syang tumingin saken!!

"Bakit?"tanong nya.

"Ha?"painosenteng tanong ko, nakatingala pa din.

"Bakit ka nakatitig sakin kanina?"

"Hoy, ako? Asa ka hoy! Di noh!"maang-maangan ko. Wish ko lang hindi nanlalaki ang mata pati butas ng ilong ko. Ganon daw kasi ako pag nagsisinungaling. Paksyet lang..

"A-ate.."napatingin ako kay Hani nang tawagin nya ko. Sapo sapo nya ang tiyan niya.

"Hani!! Anong nangyayari sayo?!!"kinakabahang tanong ko.

"Natatae lang ako, ate. Ang ingay mo naman e.."bulong nito.

O.o

THE BREADWINNER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon