D-iskarteng pano, Lord?

168 8 0
                                    

Hay, isang araw na naman ang nakalipas. Isang araw na naman ang nairaos namin. Pero ang tanong, hanggang kailan kami magsu-survive. Hindi pwedeng ganito kami palagi. Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa tindi ng kunsumisyon ko. Alam kong sinusubok mo lang ang tibay namin Lord. Pero putangina! Ang hirap! Ang hirap hirap! Ang hirap naman Lord e. Unti-unti ng tumulo ang mga luha ko hanggang sa umagos na ang mga ito.



Haaay.. Edukada! Mag-isip ka na ng paraan! Walang mangyayari kung puro iyak.



Huminga muna ako ng malalim para kontrolin ang emosyon ko.


O-Okay. Okay lang yan, Adi. Okay lang yan.



Okay lang yan..




Pero sa kabila ng pagpipigil kong umiyak ay nag-uunahan pa rin tumulo ang mga luha ko.



Tangina! Parang wala ng daan palabas sa mga problema ko. Bakit yung ibang kaedad ko dyan, puro lovelife lang ang inaatupag? Petiks petiks lang sa buhay. Samantalang ako, pakiramdam ko pasan ko na ang mundo. Diba dapat nag-eenjoy din akong tulad nila?

Haay! Tumigil ka Edukada! Wag kang mag-isip ng ganyan. Ang isipin mo kung paano naman kayo makakaraos bukas. At sa isang bukas..at sa isang bukas pa..




Buti may tanim kaming kamote sa likod-bahay. Talbos na lang muna ang kakainin namin. Yung bigas..uhmm..pano ba? Pabalihin ko na kaya muna si Gino sa amo nya? 



Teka malamang sa malamang hindi pumayag yung amo nun. Kakasimula pa lang nya, bale agad?! 


"Ate.."pinahid ko muna ang mga luha ko bago ako lumingon.


"O, Dakila, gising ka pa?"napansin kong may hawak hawak si Dakila.


"Ate, oh"sabay abot saken ng hawak nya. Yung alkansya nya na punung-puno. Mahilig kase mag-ipon si Dakila. Yun ang pinambibili nya kapag may luho syang gustong pagbigyan. Mahilig din sya magbenta ng kung anu-ano. Lahat may katumbas na pera. Mautak. Tuso. Galing yun sa baon at bayad sa kanya kapag may iginagawa sya ng assignments at itinu-tutor.



Kung nakuha ni Gino ang nag-uumapaw na charm, nakuha naman ni Dakila ang talino. Lalo sa Math.

Napatingin ako sa mukha ni Dakila. Neutral lang ang expression. Lagi namang ganon. Ang damot sa ngiti netong isang 'to eh. Kaya kahit halos wala silang pinagkaiba sa itsura ng kakambal nya, madali mo pa din malalaman kung sino si Gino at sino si Dakila.



"Oh..sigurado ka ba?"tanong ko sa kanya. Alam kong matagal nyang pinaghirapang ipunin ang lahat ng 'to eh.


"Iaabot ko ba sayo yan kung hindi?"napasimangot na lang ako pambabara ng kapatid ko. 



"Ang panget mo lalo Ate. Wag ka na sumimangot. Ang sagwa mo"


"SALAMAT HA?!!"halos manlaki pati butas ng ilong ko sa panlalait ng sarili kong kapatid.


Padarag na binuksan ko na lang ang alkansya nya para simulang bilangin.
"One thousand seven hundred thirty-three and 25 cents yan lahat Ate. Nabilang ko na"



"Edi maigi. Salamat ha?"I smiled faintly at him.



"Oo sige matutulog na ko"sabi nya sabay talikod at pasok sa kwarto. Ang bastos talaga nun.


Nice, solve na yung problema sa bigas. Ang goal ko naman para bukas: makahanap na ng trabaho.

Salamat Lord.
Kala Nyo po siguro nagtatampo na ko sa inyo no? Minsan lang naman po tska saglit lang. Alam ko namang everything happens for a reason. Alam ko namang tinetesting mo lang kami. 



Hay..nakakawalang pag-asa man ang buhay na 'to, hindi ako susuko. Hindi ako papadaig sa problema ko. 



Ako yata si Edukada Boonggaling! 




At naniniwala akong matatapos din ang lahat ng ito. 



And when all of these are over, babalikan ko na lang sa alaala ko ang lahat ng mga ito tapos masasabi ko sa sarili ko na kaya ko pala eh. 


Kinaya ko. At walang rason para di ko kayanin ang mga darating pang problema.




Naks! What an inspirational speech, Edukada Bonggaling. You may now go to sleep.

THE BREADWINNER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon