W-alang Pag-asa

162 7 0
                                    

W-alang pag-asa

Sa awa ng Panginoon, nakakuha na ko ng trabaho. All-around katulong muna ako sa amo ko na taga-mayamang subdivision. Okay na din kaysa sa wala o kaya naman ay hindi marangal na trabaho. Napag-usapan na din namin ng Tatay na magle-leave of absence muna ako sa school at pumayag na sya dahil wala naman kaming choice sa ngayon.  Bale ngayon, papauwi na ko sa amin dahil tapos na ko sa lahat ng dapat gawin sa bahay ng amo ko.

“Kamusta sa trabaho mo Ate? Pwede mo ba kong dalhin dun minsan?” masiglang tanong ni Hani nang nasa hapag-kainan na kami. Tinapa at ginataang dahon ng gabi ang ulam namin sa gabing ‘to. Tahimik ang lahat habang kumakain kaya siguro naisipan ni Bunso na magbukas ng topic.

“Naku Hani. Wag mo muna asamin yan ngayon. Hindi ko pa natatantiya ang ugali ng amo ko eh”sabi ko sa kanya. Mukha kasing hindi madaling pakitunguhan ang amo ko, bagama’t sabi ng security guard ay ayos naman daw siya magpasweldo. Yun nga lang, hindi daw talaga ito pala-kausap sa sariling tauhan. Pero sana magbago naman pagtagal ko don.

“Wag ka mag-alala Ate. Pag pwede na ko, mag-aartista ako para yumaman na tayo”pilit na ngiti na lang ang isinagot ko kay Hani. Ayoko namang basagin ang pangarap ng kapatid ko ngayon. At least may pangarap siyang pinanghahawakan ngayon. Ayokong isipin niya na wala ng daan palabas sa kahirapan namin.  Kaya lang kasi, mas mamatamisin kong tapusin niya ang pag-aaral niya at mag-pursue ng ibang career na hindi kagaya ng pag-aartista. Madaming kabataan ngayon ang nasisilaw sa mabilis na pera at yaman na dala ng pagsabak sa showbiz. Pero isang malaking sugal ang showbiz. At ang sarili mo ang baraha mo, ang alas mo. Kailangan panatilihin mong nakaangkla ang pangalan mo sa ere dahil kung hindi, pagkalaos ang aabutin mo.

Para sa akin, mas maigi ang ibang professional career tulad ng doctor, business management, engineer at iba pa. At least doon, hindi kasinggulo at walang kasiguraduhan kagaya ng pakikipagsapalaran sa showbiz.

“Tss..”si Dakila ang nagreact.

“Bakit Kuya? Ikaw ba, anong pangarap mo?”tanong naman ni Hani dito. Natigilan si Dakila at matagal bago sumagot. Para bang pinag-iisipan pa kung sasagutin niya ba ang tanong o hindi. Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita na si Dakila.

“Doctor..Neurologist” Noon ako napaangat ng pagtingin sa pagkain at napatingin kay Dakila at natuklasan kong ganun din sina Gino at Tatay. Ngayon lang kasi nagpahayag tungkol sa ganoong bagay si Dakila. Tahimik kasi ito. Malihim. At tingin ko ngayon lang niya sinabi ang tungkol sa pangarap siya sa harap naming lahat.

“Matutupad yan Kuya! Magaling ka naman e. Kailangan lang natin magsikap siyempre kasi hindi naman tayo mayaman tska mahal ang tuition diba? Pero magiging doctor ka promise ko yan!”nakangiti at punung-puno ng pag-asang pag-aassure ni Hani kay Dakila.

“Tss..asa naman”wika ni Dakila na bahagyang ikinapawi ng sigla ni Hani. Ngayon ay lukot na ang mukha ng bunso namin.

“Ano ka ba Kuya..walang imposible sa mundo”nakangusong sabi pa ni Hani na ngayon ay nakatutok na kay Dakila habang hawak-hawak ang kutsara niya. Walang nagsasalita sa amin nina Gino at Tatay dahil hindi namin alam kung ano ang saabihin. Kung kanino ba kami sasang-ayon. Sa realidad o sa ideya ba?

“Meron. Yung pangarap ko”mapait na sagot ni Dakila. Maski ako ay napailing na lang sa bitterness. Sa estado kasi ng buhay naming ngayon, malabo talaga ang pangarap ni Dakila. Pero sa tingin ko ay kaya naman niyang makakuha ng scholarship. Yun nga lang ay may iba pang mga dapat isaalang-alang at paglalaanan ng pera kapag magdodoctor ka. Mahal talaga iyon, bayarin sa libro pa nga lang daw. Tapos neurology pa ang gustong specialization ni Dakila. E kakaunti lang ang ganun sa Pilipinas at malamang sa ibang bansa niya lang makukuha ang de kalidad na edukasyon pagdating sa kursong iyon.

Pinigil kong malungkot dahil baka masense ni Hani at mahawa pa siya.

“Ah..Ate! Yung pageant bukas! Alas-cinco start nun ha!”nanlaki ang mata ko dahil non ko lang ulit naalala na pageant na ni Gino bukas dahil sa sobrang dami ng isipin ko.

“Yung mga gagamitin mo—”

“Okay na. Nakaayos na yon. Pati yung mga ticket, sold-out ko na, salamat sa mga kaibigan at classmates ko. Tska sa ngayon, ako nangunguna sa padamihan ng likes sa FB Ate!”excited na balita nito.

“Syempre. Anak yata kita”komento ni Tatay na agad na nagpangiti saming lahat, pati na kay Dakila. Ngayon lang kasi umimik si Tatay simula nung aksidente niya dahil nga nabubugnot at naiinis siya sa nangyari sa kanya. Kaya isang malaking pampagaan talaga ng pakiramdam ang pagsasalita at pagngiti niya ngayon. Dahil ang hirap makita na ang mismong pinuno at pundasyon ng tahanan niyo ay parang helpless, gusto na ding sumuko at parang parati na lang galit sa mundo.

Nabuhayan ng loob ang pamilya Boonggaling dahil doon.

THE BREADWINNER [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon