"Hindi ako ang babaeng nararapat sa'yo" sabi ko kay Kenzo pero hindi ko siya matingnan sa mga mata. Ang totoo kasi ayaw ko siyang tingnan dahil sigurado magbabago ako ng desisyon kapag sinalubong ko ang tingin niya.Ayaw ko siyang bitawan but I guess yun ang tama.
Hindi niya ako kargo at ang anak ko.
"Napag-usapan na natin to di ba"?sabi ni Kenzo na pilit inihaharap ang mukha ko paharap sa kanya.
"Unfair para sa'yo!" sabi ko na pilit itinatago ang mukha sa kanya.
Nasasaktan ako pero I need to let him go.
"Pero mahal kita!Mahirap bang intindihin yun?" sabi ni Kenzo.
"Hanggang kelan?tanong ko.
"Habang buhay"!walang gatol niyang sabi.
"Oh come on Kenzo! Masyado pang maaga para ipangako mo sa akin yan! We're both young, at madami ka pang panga rap para sa sarili mo, and beside madami pang iba!Hindi yung kagaya ko ang nararapat para sa'yo"madiin kong sabi.
"Mahal kita!hindi pa ba enough na reason yun"?
"Hanggang kelan?Seventeen pa lang tayo!Kapag naging tayo! Baka hindi lang mag-work so we better stay as friends" god knows kung gaano ako nasasaktan pero kailangan ko siyang pakawalan.
"Mahal kita!At kaya kong tanggapin ang anak mo"
"Kung mahal mo talaga ako!Lalayo ka sa akin"
"Yan ba talaga ang gusto mo"?tanong ni Kenzo habang nakatitig sa akin.
"Yah"!tsaka ako humakbang palayo
I'm hurting pero ginawa ko lang yung nararapat na gawin sa ngayon.
I love him pero unfair para sa kanya kung magiging kami.
"Huwag kang lilingon Kamille" paalala ko sa sarili kahit na paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa.
At iyon na ang huli naming pagkikita.
**KEN's POV**
Nakailang tawag pa ako sa pangalan ni Kamille hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Mahal ko siya!
Pero hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko sa kanya kung talagang ayaw niya. Iisipin ko na lang na may mga issue pa siya sa sarili niya kaya kailangan muna naming magkalayo.
"When the right time comes, papatunayan ko sa'yo Kamille Filoteo na kaya kong tanggapin lahat ng maganda at pangit sa'yo" sabi ko sa sarili pero alam ko sa sarili ko na when the right time comes, if given a chance sa tamang panahon at pagkakataon.
Pipiliin ko pa ding mahalin ang isang kagaya nya.
BINABASA MO ANG
I'd Rather Be
RomanceAko si Kamille 22 years old Independent Career Woman Single Mom Ako si Kenzo 22 years old Upcoming star of showbiz Single but totally reserved