**KAMILLE's POV**"Mommy where's Tito Enzo"?tanong ni Neeka sa akin nung nakasakay na kami ng taxi na maghahatid sa amin sa school ni Neeka.
Today is her family day.
And tulad ng inasahan ko, ini-expect niya na darating si Kenzo.
"Busy sya di ba"?kahit Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na huwag umasa pinanghawakan pa din ng anak ko yung pinangako ni Kenzo.
"He promised me na darating sya" sabi pa din ni Neeka.
"I told you not to expect di ba"nasabi ko na lang.
"Baka ako lang ang walang daddy"naiiyak nang sabi ni Neeka.
"Hindi mo daddy si Tito Enzo mo"
"Pero he will be my future Dad, kasi sabi niya sa akin papakasalan ka daw niya someday"
"Huwag kang umasa!Niloloko ka lang niya"
"He's serious when he said that" sabi uli ni Neeka.
"Let's go! Baka ma-late pa tayo" sabi ko na lang sabay buhat kay Neeka. Ayaw ko siyang bigyan ng false hope kaya hindi na lang ako sumagot.
Ngayon ko lang nare-realized ang effect ng pakikipag-usap ni Neeka kay Kenzo.
Naniniwala tuloy ang anak ko na may chance na makumpleto kami as a family.
Tulad na lang ngayon pinaasa niya yung anak ko na darating siya.
Bigla parang gusto kong mainis!
Ayaw ko pa mandin sa lahat yung paasa.
Paasa si Kenzo!
Pinaasa nya ang anak ko.
"Okey parents maglalaro na tayo with our kids" sabi ng teacher.
"Let's play with them" aya ko sa anak.
"Umuwi na lang tayo Mommy, ako lang ang walang daddy na kasama" Sa tono ng boses nang anak ko halata na hindi na siya nag-eenjoy.
Ilang games na din ang hindi niya sinalihan.
Bigla gusto kong maawa sa anak ko. Kahit masaya naman kaming magkasama alam ko hinihintay niya pa din si Kenzo.
"Is there any problem baby"?tanong ko.
"I told you ako lang ang walang Daddy, nakaka-awa tuloy ako" sabi ni Neeka.
"Andito naman ako di ba"?sabi ko na lang na napipigil na maiyak.
"Ipakilala mo na ako kay Daddy" sabi ni Neeka.
"This is not the right time to talk about your dad baby" sabi ko na lang.
"Neeka and Mommy Kamille maglalaro na po tayo" sabi ni Teacher Annie.
Hinintay kong sumagot si Neeka pero umiling lang siya.
"Ayaw mo ba"?tanong ko sa anak.
"Ayaw ko po" mahina niyang sagot.
"Sa next game na lang po kami" sabi ko na lang dun sa teacher para hindi naman nakakahiya.
"Si Tito Enzo" sabi ni Neeka, and looking at her biglang sumigla na ang mukha niya. Nang tingnan ko kung sino yung itinuro nya. Si Kenzo nga na noon ay pinagkakaguluhan na ng mga teachers at mga nanay na nasa loob ng gym.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Bigla parang may mga daga na naglalaro sa dibdib ko.
Mas natuwa pa yata ako kaysa kay Neeka na dumating si Kenzo.
BINABASA MO ANG
I'd Rather Be
RomanceAko si Kamille 22 years old Independent Career Woman Single Mom Ako si Kenzo 22 years old Upcoming star of showbiz Single but totally reserved