**Kamille's Pov**"Yan na nga ba ang kinakatakutan ko ang madamay sa buhay showbiz nya"!sabi ko kay Alona during our break. This past few days pinili kong dumistansya na lang kay Kenzo kahit na hindi madali.
After nang family day ni Neeka, madami ng speculations ang lumabas.
Baka daw si Kenzo talaga ang ama nang anak ko?
Ilusyunada daw ako!
Jinx lang daw ako sa career ni Kenzo at sinisira ang maganda ng career niya
Hindi daw ako ang babaeng seseryosohin ni Kenzo.
Kung pwede ko lang sanang sagutin ang mga write-ups sasabihin kong hindi ko kasalanan kung ako ang gusto ng kanilang idolo.
Nakakainis kasi na si Kenzo ang lapit ng lapit pero parang lumalabas sa
news na ako yung naghahabol"Well sa bagay na yan, wala ka nang magagawa!Mahal ka eh"
"So dapat ba akong maflattered? Eh kung ano-anong issues na ang nasabi nila tungkol sa akin"
"Tutal dawit ka na din naman sa pangalan niya!Bakit hindi mo na lang panindigan" !all smile na sabi ni Alona.
"What do you mean"?kunot ang noo kong tanong
"Make him a part of your life and Neeka's life!Tutal speculations came out at kung idedeny mo naman walang maniniwala"
"Wala naman talaga kaming relasyon ah"!
"How can you explain na andun sya sa family day ng anak mo"?
"Wala lang naman talaga yun, pinagbigyan lang niya yung request ni Neeka! Yun lang yun!!"
"Oh come on Kamille! Sobrang busy ni Kenzo pero na-managed niyang pumunta sa family day ni Neeka"
"Hindi ko siya pinilit"!
"Pero nagpunta pa din sya"! giit ni Alona
"Ginawa nya yun para kay Neeka at hindi para sa akin"
"Oh sya sya ginawa nya yun para kay Neeka at hindi para sa'yo pero please naman give him a chance na mapatunayan ang sarili nya sa'yo"
"As I told you ayokong madamay sa showbiz life nya"
"Unfair ka sa sarili mo"!
"Basta hangga't kayang iwasan, iiwasan ko siya! Ayokong masira ang career nya ng dahil sa akin"
"Kung sa kanya nga okey lang eh!Why bother about his career" patutsadang sabi pa ni Alona bago ako iniwan sa tent.
And again nahulog na naman ako sa isang malalim na pag-iisip.
Kung alam lang nila how much I wanted to be a part of Kenzo's life.
Kung alam lang sana nila how much I value Kenzo.
At kung alam lang nila kung gaano ako nasasaktan dahil pinipili kong iwasan siya.
**KENZO'S POV**
"Asan na si Aimee?hesterikal nang sabi ni Direk.
Kanina pang 10 am ang call time pero till now wala pa si Aimee Santillan
"Wala pa siya Direk, sinubukan naming tawagan yung manager niya pero hindi naman sumasagot"sabi ng isang production staff.
"We need to do something about this!malapit na ang airing natin pero wala pa tayong natatapos" hesterikal pa ding sabi ni Direk.

BINABASA MO ANG
I'd Rather Be
RomanceAko si Kamille 22 years old Independent Career Woman Single Mom Ako si Kenzo 22 years old Upcoming star of showbiz Single but totally reserved