*KAMILLE's POV"Birthday ng anak ko ngayon, I don't think makakapunta ako sa office" sabi ko kay Alona. I took a leave from work kasi birthday ni Neeka.
"The actor wants to meet the writer"
"Ha? Bakit? "nagtataka kong tanong. All set na ang lahat para sa I'd rather be kaya nakakataka nung sabihin ni Alona na ipinatatawag ako ng mga big boss ng station dahil yun ang demand ng bidang lalaki.
"Ewan!"
"Hindi pa man sikat demanding na"! Naiirita kong sabi.
"Just be here! I'm sure kikiligin ka"
"Kahit gaano pa sya kagwapo!"hindi interesadong sabi ko. Kahit pa siya na ang pinakagwapong lalaki sa mundo, there's only one man for me.
"Bye na Kamille! Tinatawag ako ni boss. Basta just be here by 2 pm okey" sabi ni Alona bago nawala sa kabilang linya.
"Make sure na you're beautiful today Mama"sabi ni Neeka na nakalapit na pala ng hindi ko napapansin.
"Hindi ba beautiful si mama everyday"? all smile kong sabi.
"Beautiful but I want you to become more beautiful kasi darating si Tito Enzo" excited na sabi ni Neeka na tila kinikilig pa.
"You invited him"?nagulat kong tanong ngayon lang niya sinabi na inimbitahan nya si Enzo.
"Yes Mommy and he said yes"! At nakita ko ang excitement sa anak ko.
"You really like him huh"! Sabi ko,
"Honestly! I want him to be your boyfriend"!excited na sabi pa ni Niknik"
"Di ba sabi ko sa'yo I don't need a boyfriend"
"Because you're still waiting for your great love to come back"? Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot.
"Where did you get that"?
"I heard you and Tita Sonia talking"
"Hindi tama yung makinig sa usapan ng matatanda di ba baby"? sabi ko na parang gustong mapahiya sa anak ko.
"If your really want your first love! Okey lang sa akin pero lets make a deal" sabi ni Neeka na akala mo matanda na yung kausap ko. Maaga siyang nag-matured dahil na rin siguro madalas matatanda na yung kausap nya.
"Deal"? kunot ang noong tanong ko.
"If your waiting for him, pwede po bang I-meet nyo muna si Tito Enzo"!
"What for? eh di ba nga may hinihintay si Mommy"
"Please Mommy! please"! tila Naglalambing niyang sabi. I don't know what's with that Enzo kung bakit siya nagustuhan ni Neeka.
"Okey! You win! Pero pupunta muna ako sa office"
"Paano kapag dumating na si Tito Enzo tapos wala ka pa"?
"Then tell him na hintayin ako"!
"Eh akala ko po ba wala kayong pasok"?
"Pinatatawag ako ng boss ko baby and I'm afraid na kapag hindi ako pupunta sa office Mawawalan ng work si Mommy"
"Okey! But promise na babalik ka kaagad"nakaka-unawang sabi ni Neeka.
"I promise"! sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko. Ayaw ko sanang pumunta sa istasyon kaya lang naisip ko na baka mawalan ako ng trabaho. Inisip ko na lang na baka may hindi nagustuhan sa story kaya kailangan kong pumunta sa opisina.
Sabi nga obey first before you complain, so yun ang gagawin ko bilang empleyado. Pero hindi ko itatanggi na badtrip ako sa promising actor na yun. Quality time ko na sana sa anak on her birthday inagaw pa nya.

BINABASA MO ANG
I'd Rather Be
RomantizmAko si Kamille 22 years old Independent Career Woman Single Mom Ako si Kenzo 22 years old Upcoming star of showbiz Single but totally reserved