**KAMILLE's POV**
Hoy baka matunaw na yang magazine sa sobrang titig mo" sabi ni Alona nung mapansin na sobra ang titig ko sa gwapong mukha ng lalaki na naka-print sa magazine.
"I'm just happy for him" wala sa loob kong sabi.
"Kilala mo"?tanong ni Alona.
"Yah"!maikli kong sagot tsaka tumitig ulit sa magazine.
Weird pero nakaramdam ako ng panghihinayang habang nakatitig pa din sa gwapong mukha ni Kenzo.
Muntik na syang maging akin.
Pero ngayong unti-unti na nyang naaabot ang pangarap niya at masaya ako para sa kanya.At least naging worth it yung pagsasakripisyo ko sa nararamdaman ko.
Four year has passed pero after ng mga taon na lumipas alam ko sa sarili ko nothing has changed with my feelings.
Kahit sa mga print ads at commercial ko lang siya nakikita alam ko sa puso ko andun pa din ang pangalan niya.
"Paano kayo nagkakilala"?curious na tanong ni Alona.
"Mahabang kwento"sabi ko na lang para hindi na siya mangulit.
"I'm willing to listen" sabi nya."Hindi pa ako ready na magkwento"sabi ko tsaka iniwan na si Alona sa table niya.
Ayaw kong magkwento hindi dahil ayaw kong balikan yung past but because ayaw kong maramdaman yung pagsisisi dahil pinakawalan ko yung chance na maging kami noon.
Regrets na till now nasa puso ko pa.
Sa buhay ko, feeling ko kumpleto na ako.
Melon akong daughter at pamilya na source ng strength at happiness ko.
I graduated Mass Communication kahit na kasabay nun ang pagiging batang ina.
I have a fulfilling job as production assistant sa isang sikat na company. Hindi ko man natupad ang pinangarap ko noong lime light thankful pa din ako na sa field of television and film pa din ako napunta.
"Haays"!napabuntong hininga kong sabi.Sa pagtitig ko sa picture nya parang sinasaksak ang puso ko.
Sa current status ng career niya as print ad and commercial model swerte nya kung pansinin pa nya ako.
I loved him pero hanggang sa puso ko na lang.
Hindi ko alam kung gaano na katagal akong nakatitig sa magazine nung biglang dumating yung head ng department namin.
"Go to my room now"! Malakas niyang sabi na halatang mainit ang ulo.
"May deadline na naman siguro"pabulong na sabi ni Jake.
"Malamang nga! Nagkakaganyan lang naman siya kapag kinaka-usap ng mga boss"sabi ni Lei, isa sa mga senior staff ng production team.
"We have a new show! I need a story na babagay sa kanya"sabi ni Mrs. Labos.
"New show for a promising star"?tanong ni Jake, nakakataka kasi na nagkakaganito si Mrs. Labos.
"Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking yun pero gusto siyang bigyan ng chance ng istasyon"sabi ni Mrs.Labos bago ako naman ang kina-usap.
"I heard, nagsusulat ka din" sabi nya.
"Opo Ma'am pero hobby ko lang"sabi ko
"Bring all your finish stories para makapamili ako"madiin niyang sabi tsaka kami itinaboy palabas ng opisina nya, wala na tuloy nakapagtanong kung sino ang promising star na tinutukoy nya.
BINABASA MO ANG
I'd Rather Be
RomanceAko si Kamille 22 years old Independent Career Woman Single Mom Ako si Kenzo 22 years old Upcoming star of showbiz Single but totally reserved