Chapter 7 Speechless

159 4 4
                                    

**KAMILLE's POV**

"Kanino galing to"?kunot ang noong tanong ko nung makita ang sandwich at hot chocolate drink sa mesa na pwesto ko kanina. Naki-Cr lang ako sa may-ari ng bahay pagbalik ko, may pagkain na para daw sa akin.

At si Kenzo lang ang gagawa nun. Hindi ko naman siya pwedeng sitahin or tanungin dahil baka mamaya nag-assume lang pala ako na sa kanya galing. Mapahiya pa ako.

Ilang weeks na kami sa pagti- taping and for the past days consistent si Kenzo. Hindi kami nag-uusap pero he find ways para mapansin ko. And I must say effective naman. Hindi lang talaga ako nagpapahalata.

"Baka si David"! sabi ni Alona.

"Nag-usap na kami, hindi na niya ako liligawan" casual kong sabi.

"Consistent sya ha"! all smile na sabi ni Debie isa din sa staff ng show.

"I have no idea talaga kung sino ang posibleng regular na nagpapadala sa akin ng mga ganyan"casual kong sabi.

"Hindi kaya si Kenzo?"!pabulong na tanong ni Alona sa punong tenga ko. Lately parang ibinibida niya sa akin si Kenzo. Nahiya naman akong sitahin kaya nginingitian ko na lang.

"Paano mo nasabing sya?At tsaka bakit naman niya gagawin yun"?padedma kong tanong kay Alona.

"Bakit nga ba Kamille?Ano nga ba ang kaugnayan mo kay Kenzo Gutierrez at ganyan siya ka-concern sa'yo"!madiing sabi ni Alona pero sa paraang bumubulong.

"Wala"!patay malisya ko namang sagot. Obvious na ba masyado na may something kami?

"Wehh"?tila nang-iinis pang sabi ni Alona na halatang hindi kumbinsido sa huling naging sagot ko.

"Magtrabaho ka na nga"!pagtataboy ko na kay Alona, sigurado kasi na hindi niya ako titigilan kung hindi ko pa siya itataboy.

"Hindi kaya after ng mga panahong nasayang eh liligawan ka na niya"? casual na sabi ni Alona pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napatingin akong bigla kay Alona dahil sa huling sinabi nya.

Ano ang alam niya sa naging ugnayan namin ni Kenzo noon?

May alam na ba siya?

Pero paano kung wala naman akong kinukwento sa kanya.

But knowing her, hindi siya basta nagsasalita patungkol sa isang bagay nang hindi niya napapatunayan.

Pero sino ang nagsabi?Mentras ko mang isipin wala akong natatandaan na nagkuwento na ako sa kanya about sa past namin ni Kenzo.

Pero instead na magtanong ako sa kung anong alam niya nagkunwari pa din ako na clueless sa tinutukoy nya.

"Bakit naman niya gagawin yun"? padedma kong sabi

"Bakit nga ba?Bakit hindi mo subukang itanong sa sarili mo"?tila nanunudyo pa niyang tanong.

"Baka he's just being generous"!

"Eh bakit ikaw lang?"all smile na sabi ni Alona sabay turo sa pagkain sa mesa.

"Aba eh Malay ko sa kanya"! padedma kong sabi, ang totoo kasi wala akong masabi.

I'd Rather BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon