#TTVS 4

44 5 2
                                    

Our headquarters is located on the third floor of an old grey apartment building.

Don't ask how much the rent is. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan kong pumayag ako sa ideyang ito ni Chairman. Why the third floor? Rent is much cheaper on the rooftop! Ang buong akala ko kapakanan ng society ang iniisip ni Deangelo. May powerpoint presentation pa siya dati tungkol sa benefits ng third floor view sa "mental health" ng members (as if my co-workers aren't already insane!), kung kaya't napapayag niya akong mag-release ng budget para sa downpayment nito.

Pero nang makarating kami rito, napag-alaman ko ang tatlong mahahalagang bagay:

1. Gusto lang ni Deangelo ng access sa rooftop para i-"testing" ito kung tatalon siya

2. Gusto lang ni Deangelo landiin ang magandang landlady sa first floor

3. Gusto lang ni Deangelo landiin ang dating sexy actress sa second floor

"Evan, it's for the mental health of the members", my ass! Mental health lang ng butihin naming Chairman ang rason kung bakit ilang buwan na akong namomorblema sa pera at sa pagbabayad ng renta namin.

'Bakit ba napunta pa sa akin ang pinaka-stressful na trabaho sa society?' I sighed and eyed the wallclock shaped like a devil with horns.

"Maga-alas tres na, ang tagal naman nila."

Naiinip kong binalingan ang bundok ng bills namin sa mesa ko at bumuntong-hininga.

A notification popped on my cellphone. I immediately checked my messages and frowned upon seeing the Chairman's latest message.

Upuan: Hey @everyone~! Male-late lang aq sa meeting 👉👈 may tinatapos lang me hehe

Nag-thumbs up na lang ako. Hindi na bago sa'min ang mga ganitong eksensa sa society, and I don't even need to use my powers to guess the others' immediate replies.

Reg: tinatapos mo na nman buhay mo?? Sige update mo na lang kami

Goth_queen💜: Good luck po @Upuan 🥳

Sera: @Evannn ihanda mo na budget pamburol

Doon tumigil ang mundo ko. Gago? Halos maiyak ako iniisip ko pa lang ang gastos sa pagpapalibing. Sa inflation natin sa panahon ngayon? Oh, hell no! I quickly typed my reply.

Evannn: @Upuan wala sa budget kaya wag ka munang mamatay 😠

Upuan: luh? Salamat sa concern ah

Reg: @Evannn tapon mo na lang sa ilog ang katawan nya para makatipid tayo

Upuan: @Reg inamo

Goth_queen💜: pareho kami ng ina hoy

Sera: may meeting pa ba mamaya?

Inexit ko na lang ang group chat namin at pinatay ang notifications sa cellphone ko. Naupo na lang ako sa may sala at binuksan ang telebisyon. Nanghihinayang rin ako sa kuryente, pero mas kailangan naming maging updated sa mga balita sa Eastwood. Especially since Mayor Marigold released her new order. Habang tumatagal, lalong nagiging biased ang lipunan laban sa mga katulad naming supervillains. Everyday, you get to see superheroes rescuing people and doing good deeds, as if it's not just some publicity stunt to make people believe that Eastwood only needs the good guys.

Kaya hindi na rin bago sa'min na kinamumuhian kami.

In fact, the society was established only a few months ago after a certain incident I have no rights to mention. Hanggang ngayon, hindi ko lubos maunawaan ang damage at trauma na idinulot nito kay Chairman.

Five tortured souls who only have one goal in mind.

I stared at the television, a bit disappointed. "This is old news. Tingnan naman natin ang mga balita sa hinaharap..." kinuha ko ang piraso ng tsokolate sa candy bowl sa mesa at kinain ito. The sugar rush instantly ignited something within me.

"...that's more like it."

The images were out of order, like a picture show that needs to be rearranged. Hindi ko mamukhaan ang ilang mga tao bukod sa mga nakilala ko na sa reyalidad. Nakikita ko ang pag-alis ni Sera sa kanyang opisina para sa isang appointment. I saw Region making his usual grand entrance and dropping the bags of money on the floor, his black dog barking alongside him. Maya-maya pa, naalarma ako nang pumalibot ang mga tao sa city hall, nagkakagulo ang lahat. Anong nangyayari? Shit. I tried my best to look into what was happening, but the images jumbled more until I started seeing unfamiliar faces. Teka, bakit nage-evacuate tayo ng headquarters? Sinong nasugatan? Bakit dumidilim ang langit at umiiyak si---

"AH, NOTHING LIKE HOME!"

Napapitlag ako nang bigla na lang bumagsak ang pinto. My white irises immediately followed the bags of money Region dropped on the floor. Narinig ko ang tahol ng kanyang aso habang sinusundan niya ito sa kusina.

"Hey, Evan! Mission accomplished. I think we should be celebrating tonight, what do you... think?"

Natigilan si Region nang makita ang natirang tsokolate sa harapan ko. He cocked an eyebrow and sighed.

"Trying to see the future again? Ilang beses nang sinabi ni Deangelo na delikado ang powers mo. It's unstable."

"I know," I sighed and grabbed the bags of money. Ilang sandali pa, natigilan ako. "Teka, bakit mapanghi ang pera natin?! REGION?!"

"Arf! Arf!"

"Oops? Tsk! At least may dala akong pera, 'di ba? Iyon naman ang mahalaga!" He raised his hands up in defense.

Napaupo na lang ako sa sopa, sumasakit na ang ulo ko sa mga pangyayari rito sa headquarters.

"KAYA OKAY LANG IHIAN NG ASO MO ANG PERA NATIN?!"

"Arf! Arf!"

Welcome to the daily stress and struggles of Evander, the Treasurer of The Tortured Villains Society.

---

The Tortured Villains SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon