#TTVS 6

21 3 0
                                    

The meeting started late, as always.

What can you expect with an organization of supervillains?

"Late na naman tayong nagsimula," pagpaparinig ko sa kanilang apat nang makaupo na ang lahat.

Sa kanan ko, napaismid si Region at para bang nanghahamon na naman ng away.

"And whose fault is that? The source of delay even has a hickey on his neck." He crossed his tattooed arms over his chest and leaned against the old chair. Bakit ba hindi pa kami bumibili ng mga bagong upuan?

Nang mapansin kong nakatingin sa'kin ang iba pang miyembro ng The Tortured Villains Society, agad kong kinapa ang leeg ko at tinakpan ang bakas ng... mga hindi dapat nakikita kapag PG-13 ang programa. Wala naman sigurong below 18 dito, tama?

"Who? Me?"

"Ay, hindi. Si Evan," sarkastiko nitong sagot. "Gago, sino pa ba magkakaroon ng chikinini sa leeg 24/7? Konti na lang iisipin kong kasama na siya sa OOTD mo."

I glared at my Vice Chairman.

Kahit kailan talaga, napakakontrabida ng isang 'to.

"Hey! Cut it out you two," pagsuway ni Sera na mukhang naii-stress na naman sa aming dalawa. "Hindi magiging productive ang meeting na 'to kung magiging audience na naman kami sa away ninyong mag-asawa. Get on with it, Chairman. Why are we here? Para saan ba ang emergency meeting na ito?"

Without my signal, she turned the projector on, flashing my presentation on the screen.

I cleared my throat, "Right. So... committee updates! Regalia, ano ang tingin sa'tin ng publiko?"

"Mga masasamang damo, mga napariwara ng landas, mga walang magawa sa buhay, at mga emo," the violet-haired woman enumerated with her fingers. Nakataas pa ang mga paa nito sa mesa, kaya halos wala akong makita kung hindi ang heeled combat boots niya. "Ah, dagdag nga pala. Tinawag tayong clout chasers at mga kulang sa aruga ng magulang kanina ng pesteng reporter na nang-istorbo ng lunch ko. But I'm pretty sure you all saw it on the news already."

I clapped my hands.

"Brilliant! At least our public image is bad... which is a good thing!" Dumako naman ako kay Evan na kanina pa nakasimangot. "Kamusta ang finances natin, Treas?"

Tumalim ang tingin niya sa'kin na para bang ako ang dahilan kaya may butas sa bulsa ng samahan.

"Geez. I don't know... maybe zero balance? Baka nga negative na, eh. Kailangan pa nating bumili ng bagong mouse ni Sera. Napakagastos ninyo! Akala niyo ba pinipitas ko lang sa puno ang pera?!"

Our Research Head immediately turned to him apologetically. "Sorry, Evan."

Evan waved a hand dismissively.

"It's not your fault. May pera namang nakuha si Region kanina... pero pinapatuyo pa ang bills dahil inihian ng magaling niyang alaga."

Region raised his hands up in defense. "Sorry, Evan."

"WALANG SORRY-SORRY! KANINA PA NAKATUTOK SA ELECTRIC FAN ANG PERA NATIN DAHIL BASA PA RIN!"

"HOY! Bakit kapag kay Sera may pa-'it's not your fault' ka pang nalalaman, pero kapag sa'kin, malala ka pa sa nanay namin kung maka-sermon! Favoritism!"

Bago pa man maging boxing ring ang conference room, nilabas ko na ang maliit na gong sa ilalim ng mesa at pinaingay ito.

"ORDER! Order in the court!"

Sera sighed. "Chairman, I'm pretty sure judges don't use gongs."

Hindi ko na lang siya pinansin (basag-trip minsan si Sera kung hindi niyo pa napapansin) at ipinagpatuloy ang presentation. The screen flashed a map of Eastwood with the locations marked in red X's.

"In the past month, before Mayor Marigold's announcement, pilit ibinaon ng media ang mga kaso ng supervillains na nawalan ng kapangyarihan," I turned serious and scanned the room. Ito ang unang beses na naipahayag namin ang impormasyong ito sa samahan, kaya hindi na nakapagtatakang nagulat sila.

"You heard it right. Before this whole issue with discriminatory laws against villains, I've done some digging on my own and requested Sera to keep an eye out for any unsual activities happening in Eastwood..."

Sera raised a hand and read some files on her tablet. "Following Mayor Marigold's announcement, may ilang kaso lang ng heroes na nanghuhuli na ng villains. Pinakamatunog na rito ang bagong hero na nagngangalang Justice Vanguard. From my initial assessment, he doesn't pose as a threat to us. At least, not for now."

"Is that even possible? Losing powers?" Region frowned, staring at the marked locations.

"That, I am not sure yet. Kung paano nila ito nagawa o kung isang coincidence lang ang lahat ng ito, malakas ang kutob kong may alam pa rin dito sina Mayor Marigold. Hence, why we opened recruitment recently. Hindi natin kakayanin nang tayo-tayo lang sa labang ito," I added. Naalala ko na naman ang samu't saring applicants na puro bagsak naman sa standards namin.

Do they even know what it takes to be a villain? You need to be prepared for two things: being hated and being misunderstood.

Walang lugar ang TTVS sa mahihina ang loob at masyadong sensitive.

"But we already have everyone we need," Evan suddenly commented. "Is it really necessary to recruit more people into the society? Kung magdadagdag ka ng villain, baka magulo lang ang trabaho natin."

"On the contrary, Evan, I am specifically looking for someone who can 'organize' and make our work more efficient. For example, during meetings like these."

"What do you mean?"

Napangiti ako. Sa totoo lang, matagal-tagal ko nang pinag-isipan ito, dahil na rin sa patuloy na rekomendasyon nina Sera at Region. Ito na rin siguro ang tamang oras para i-reveal ito sa kanila.

"I am looking for a secretary."

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Tortured Villains SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon