#TTVS 5

37 6 0
                                    

"Became an internet sensation overnight and now he's acting like he's on top of the world. Mabaog ka sana," I averted my eyes to the image playing on one of my computer monitors. 

"...wala 'yon! Ginawa ko lang 'yong tama. Pare-pareho tayong residente ng Eastwood, kaya naniniwala akong pantay-pantay lang ang karapatan nating mabuhay. I promote world peace!"

Ano raw?

Pantay-pantay na karapatan?

World peace?!

"Ew."

Alam ko namang hindi niya ako naririnig, pero bakit ba? Kung kaharap ko lang 'yan, I'd give him more than a piece of my mind.

Probably a kick in the balls or two.

"People who achieve everything in a snap are always at a higher risk to fall from their pedestal. Careful, hero."

Kasalukuyang ini-interview ang isa sa pinakasikat na superhero ngayon sa Eastwood, some home-schooled boy na lumaki sa farm. He just popped out of nowhere and saved a college student from a kidnapping incident today. Hindi maitatangging "heroic" ang kanyang ginawa, lalo't ang kidnapper ay isa sa most wanted supervillains sa Eastwood. But I wouldn't put it past public opinion if his looks played a part in his popularity. Kung hindi nga lang siya nakakalipad at may telekinesis, baka aakalain kong gayuma ang isa sa powers niya.

"He's not a threat to the society as of now. But I'll keep an eye on him," I mumbled and changed the news channel.

And by "society" I mean The Tortured Villains Society, not the society of people pretending to be people outside of our headquarters. Hindi ko obligasyong magkaroon ng pakialam sa lipunan.

Pero tulad ng inaasahan ko, tinatampok na naman ng news stations ang bagong ordinansa ni Mayor Marigold. She's being praised like a god, a savior who's only task is to eliminate supervillains.

'Pare-pareho lang talaga sila.'

I closed the tab and resumed my research. Nawalan na ako ng ganang manood. Baka dahil na rin sa personal kong galit sa mga taong nakukuha ang lahat ng ganoon-ganoon na lang, samantalang may mga taong kinailangang kumayod nang doble-doble para lang marating ang kung nasaan sila ngayon.

Mga taong kagaya ko.

'It's past 3:00 PM already,' I concluded after checking the clock on my screen. Napabuntong-hininga na lang ako at inaccess ang communicator ni Chairman.

"Chairman, wala na ang tren na hinihintay mo. It departed a few minutes ago. Just take a shortcut back to the headquarters, turn left at Elm Street and walk straight ahead for 6 minutes and 16 seconds. May maaabutan kang bus doon pabalik sa street natin, it'll take you exactly 12 minutes and 2 seconds travel time. Tapos aakyat ka pang hagdan dahil ayaw mo sa elevator, so that's another 3 minutes and 7 seconds."

"Di ko na naabutan 'yong tren? Ah, what a shame! Sayang lang pala effort kong pumunta pa rito, sana nanakot na lang ako ng mga bata sa kanto kanina!"

"Tumira ka na lang sa riles sa susunod kung gusto mo talagang magpasagasa on time."

"Great idea, Sera! You're the best!"

And he hung up, as usual.

Napasandal ako sa swivel chair ko, dahil alam kong sa bagal kumilos at pagiging unfocused ni Deangelo tuwing may makakasalubong siyang magandang babae, aabutin pa siya ng more or less 5 minutes sa byahe. I made time adjustments and lied a little with the instructions I gave him, but I'll never admit that.

Dumako ang mga mata ko sa CCTV feed ng kabilang monitor, making sure everything is in place. Zoom in, zoom out. Si Evan at Region ay nag-aaway na naman, nothing new. Si Blackie (ang aso ni Region) naman ay tine-terrorize ang mga magazines na nakakalat sa gilid ng sopa. My black gloves made it a bit difficult to use the touchscreen feature, kaya agad akong lumipat sa paggamit ng mouse. Clicking the camera feeds one by one, I caught a glimpse of Regalia exiting the elevator muching on her french fries. Buti pa siya nasulit ang lunch break!

I pressed the intercom.

"Hindi mo man lang kami sinabay ng bili."

Regalia laughed and smiled sheepishly at the camera above her.

"Si Evan pagalitan mo! Tinitipid niya tayo sa food budget, bukas-makalawa mga kalansay na tayo rito."

I shrugged. Well, she has a point. Pero dahil sa financial crisis ngayon ng organisasyon namin, alam kong sa mga susunod na siglo pa magluluwag sa budget ang magaling naming Treasurer. Ni hindi nga niya inaprubahan ang budget proposal ko na mag-install kami ng biometrix at face recognition lock sa headquarters, eh! Binasura lang niya ang 50-paged proposal na ilang linggo kong pinagpuyatan.

Gwapo si Evan, pero malala pa sa thesis panelist ang isang 'yon!

Napabuntong-hininga na lang ako.

When Regalia finally entered the headquarters, I stood up and stretched. Ang bata-bata ko pa pero pakiramdam ko mauuna pa akong magkaroon ng backpain kaysa sa lola ko!

I took off my gloves and started flexing my fingers, satisfied with the way the bones cracked.

"Sera! Pwedeng pa-check kung nakauwi na ba 'yong landlady natin?"

Nabigla ako nang nagsalita si Evan sa communication device namin. Natataranta ko namang ginalaw ang mouse, pero bago ko pa man ito ma-click, agad na naging metal ang device.

"Shit!"

Nakalimutan ko palang mag-gloves!

I quickly returned my gloves, but it looks like the damage has been done. Napasigaw ako sa inis nang bumagsak sa lupa ang ngayong metal na mouse, at muntikan pang maging metal pati ang computer monitor! Napahawak na lang ako sa sentido ko.

I hate it when this happens!

"Evan?"

"Po?"

"Umm.. sorry na agad."

"Ha, bakit naman?"

"Err... send ko na lang mamaya via email ang budget request para sa bagong mouse."

"H-HA? ANO NA NAMANG NANGYARI?!"

I disconnected, almost imagining how Evan is dramatically taking in this new information. Natatawa na lang ako pero sa totoo lang, naaawa rin ako sa isang 'yon. Buti na lang talaga hindi ako na-assign sa trabaho niya. What if I accidentally turned our money into steel? That would be priceless---literally, "priceless".

Lumabas na lang ako ng opisina ko, 'di bale nang mauna sa conference room kung saan gaganapin ang meeting namin.

Maaga ko naman natapos ang trabaho ko at proud kong masasabi na ako ang isa sa pinakamatinong miyembro ng samahang ito.

I'm Seraphina but they often call me "Sera", the "best" and also the Research Head of The Tortured Villains Society.

---

The Tortured Villains SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon