ᜑᜒᜎᜒᜅ᜔ ᜃᜓ ᜐᜈ ᜀᜌ᜔᜔ ᜁᜃᜏ᜔

19 6 0
                                    

12:51 pm - i love you ‘till now.
i miss you so much
━━━━━

i’m under the trees‚reminiscing our memories

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


i’m under the trees‚
reminiscing our memories.

the tree holds memories‚
our memories.

sa bawat patak ng ulan‚ ikaw ang aking naaalala— ang pagsabay nating sayaw sa buhos ng ulan‚ mula sa kalangitan. ang iyong mga kagikgik at himig; habang tayo’y sumasabay sa buhos ng ulan‚ ay hindi maalis sa aking isipan. hindi man mabuhay muli ang nakaraan, ang pag-ibig na totoo ay hindi kailanman lilisan. mananatili ito sa aking puso, kukubli sa aking diwa, isang pagmamahalang walang hanggan na ibinubuli ko sa iyo.

kahit ang kamatayan ay humadlang at kumitil, ang pag-ibig ko ay hindi mapaparam, hindi maglalaho't titiklop. sa bawat pagpihit ng oras, sa bawat pagtakbo ng panahon, ikaw at ako, sa alaala ay magkasama, hindi mapaghihiwalay ng kahapon.

kaya’t aking idinadalangin kay bathala, na muling masilayan ka kahit sa panaginip‚ kahit saglit lamang. upang ang pag-ibig na hindi natapos ay muling mabigyan ng pagkakataon. sa puso’t isipan, sa alaala, nawa’y magtagpo tayo, magkaulayaw sa kaharian ng kawalang-hanggan.... alam kong isang kahibangan ito‚ kayat... ika’y aking hahanapin sa susunod na panahon.

ikaw lang ang aking iibigin‚ giliw. hindi man saatin ang panahong ito‚ ngunit aking titiyakin na ang pag ibig nating naudlot ay muling mag babalik sa susunod na panahon‚ ika’y aking hahanapin at mamahaling muli. hanggang sa muli‚ aking mahal.

my heart will only beat for you.
only you‚ my love.

i promise‚ i will find you
in our next life.

i promise‚ i will find youin our next life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--------

i’m still mourning.

verses and prose i offer unto theeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon