Kuya

731 12 4
                                    

Pinamigay ka na parang isang laruan na kukunin na lang ulit kapag kinailangan. Nabuhay ka ng mag-isa simula nang namatay ang nag-ampon sa iyo. Wala kang kaagapay, katulong, at kasama sa buhay. Sa lahat ng mga pagsubok na dumaan at mga paghihirap na iyong sinuong, mag-isa ka lang. Kahit mahirap, tiniis mo. Kahit hindi mo na kaya, iniisip mo pa ring may pag-asa. Kahit ubos na ang iyong lakas at tapang, patuloy ka pa ring lumalaban.

Naging ganoon lang ang buhay mo, nang biglang dumating ang isang aksidenteng babago sa buhay mo . . .

Anong mararamdaman mo kung pagkatapos ng mahabang panahon na akala mong ulila ka na, bigla mong matagpuan ang pamilya mo? Anong mararamdaman mo kung mahanap mo na rin sa wakas ang kapatid na matagal nawalay sa iyo?

Natagpuan mo na ang pamilya mong nangiwan sa iyo, pero magiging masaya ka ba? Mapapatawad mo ba sila? Matutuwa ka ba?

Kahit pa alam mong ipinanganak ka lang para mabuhay si Kuya?

-     -     -     -     -

AN: Dedicated kay ate Jhing ang buong dula na 'to :D Kahit underrated writer siya as of now, alam kong malaki ang potential niyang makilala dahil sa galing niyang sumulat. Thumbs up to you ate Jhing! More power! Sana maenjoy mo 'tong dula ko :">

Sinulat ko po 'to para sa Filipino Class ko. So expect deep words. Pero dahil script to ng play, medyo may mga english words naman here and there :).

Actually pair work 'to. My classmate contributed about 1/5 of the text tapos sabay rin kami nagbebrainstorm so hindi lahat ng credits sa akin. Mostly lang ;)

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon