Ikapitong tagpo:
Magbubukas ang ilaw. Makikitang ang kaliwang parte ng entablado ay ang kwarto ni Ardi at ang kanan naman ay ang hallway ng ospital. Sa kwarto ni Ardi, makikitang inaayos ni Gemma ang dextrose ni Ardi ng biglang pumapasok si Mrs. Guzman. Sinalubong ni Gemma si Mrs. Guzman at nagmano sa kanya. Umupo si Mrs. Guzman sa tabi ng higaan ni Ardi.
GEMMA: Dumating ka na pala, Mama! Tamang-tama, hindi pa bumabalik si Raymond mula sa medical seminar nila. May kulang-kulang isang oras pa po bago siya makabalik dito.
KORINA: Gemma, salamat uli ha? (Hahaplusin ang mukha ni Ardi) Kamusta na siya, iha?
GEMMA: Normal po ang tibok ng puso niya sa ngayon pero hindi na po ako magpapaligoy-ligoy. Hindi po stable ang kondisyon niya. Sinabihan na po ako ni Raymond na kahit anong oras pwedeng bigla na lang maging irregular ang heartbeat ni Ardi. Kapag hindi namin ‘yon naagapan, pwede po siyang mamatay.
KORINA: (Mapapabuntong-hininga) Ganun ba? Kung okey lang sa iyo, pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari kay Ardi na naging dahilan kung bakit comatose siya?
GEMMA: Na hit and run po siya. Dahil po sa head trauma at maraming dugo na nawala sa kanya, nag undergo siya ng ventricular fibrilation. Bumilis po ng husto ang heartbeat niya kaya kinailangan naming i-resart ang puso niya para bumalik sa normal ang pagtibok nito. Nacomatose na po si Ardi pagkatapos.
KORINA: Kawawa naman ang anak ko! Alagaan mo siya para sa akin ah, iha? Tatanawin kong malaking utang na loob ito.
GEMMA: Wag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala kay Ardi. Mama. Kailan niyo po ito sasabihin kay Raymond? Alanganin po ang lagay ni Ardi, Mama. Baka mawala na lang siya ng hindi man lang nakilala ni Raymond bilang kapatid niya saka hindi rin po ako sanay na nagtatago ng sikreto sa anak niyo.
KORINA: Kakausaapin ko muna si Raul, anak. Mauna na ako ha? (Lumabas na ng pinto)
GEMMA: (Uupo sa upuan sa gilid ng kama) Alam mo ba, nakikita ko ang sarili ko sayo? Ikaw, hindi ka lumaki sa tunay mong mga magulang. Ako naman, namatay ang mga magulang ko noong eleven years old ako dahil sa isang car accident. Simula noon, nabuhay na akong mag-isa. Mahirap rin ang naging buhay ko ah. Araw-araw nakikipagsapalaran ako sa mga pagsubok na dala ng buhay. Wala akong katulong o kahit man lang karamay sa tuwing nabibigo ako. Wala rin akong kasamang natutuwa kapag ako ay nagtatagumpay. (Tatawa ng mahina) Parang ikaw lang, ano? Pero, kinaya ko. Hindi ako nawalan ng pag-asa kasi iniisip ko na balang araw may mahahanap din akong makakatuwang ko sa buhay. Yung makakasama ko sa hirap o sa ginhawa. At alam mo ba, nahanap ko na ang taong iyon? (Tatawa ng mahina) Nahanap ko na si Raymond! Kaya ikaw rin, wag ka mawalan ng pag-asa. Lalo na ngayon na hindi ka na nag-iisa, Ardi. Nandito na ang pamilya mo! Mararanasan mo na rin sa wakas ang pagmamahal ng isang ina at ama. (Hahawakan ang kamay ni Ardi) Kaya gumising ka na Ardi, para sa iyong mga magulang, para sa akin, at para kay Raymond. Hihintayin ka namin ah?
Si Raymond ay pumasok sa kwarto pagkatapos makalipas ng ilang sandali.
GEMMA: (Biglang napatayo sa gulat) Raymond, akala ko four o’clock pa matatapos ang seminar niyo? Three fourteen pa lang ah.
DR. GUZMAN: (Nanlumo) Hindi ka ba masaya na maaga akong naka-uwi?
GEMMA: H-hindi naman sa ganun, nagulat lang ako na maaga kang nakabalik. ‘Di ba madalas na late natatapos ang mga seminar niyo?
BINABASA MO ANG
Kuya
Mystery / ThrillerIsang madamdaming dula tungkol sa muling pagkikita ng dalawang magkapatid na pilit pinaghihiwalay ng kahirapan, panahon, mga problema, pagkakataon, at kamatayan.