Ikalawang Bahagi: Pagkakalayo Ng Magkapatid

274 5 4
                                    

Ikalimang tagpo:

Sa kaliwang bahagi ng entablado ay magbubukas ang ilaw. Si Dr. Guzman ay makikita sa kanyang opisinang nagbabasa ng mga dokumento. Malalim ang iniisip niya at halata sa itsura niya na siya’y nababagabag.

DR. GUZMAN: Sino kaya iyong batang pinag-uusapan nila inay at itay kagabi? May kapatid ba akong pinamigay nila hindi ko na nakilala? Pero bakit nila inililihim iyon sa akin?

Pumasok si Gemma sa opisina at dali-daling tinago ni Raymond ang mga papeles.

GEMMA: Handa ka na ba? (Excited na sasabihin) Tara, bumaba na tayo at doon na natin sila hintayin!

DR. GUZMAN: Teka, anong mayroon? At bakit mukhang ayos na ayos ka (tatawa)?

Halata sa mukha ni Gemma na naguguluhan siya sa sinabi ni Raymond. Ngayon kasi ang family dinner nila pero muhang hind naman alam ni Raymond ang tungkol dito.

DR. GUZMAN: W-wala naman akong nakalimutan diba? (Tatakbo sa kalendaryo) Malayo pa naman ang anniversary natin, ah! Hindi rin naman natin monthsary at wala akong natatandaang may nakaschedule tayong date ngayon. O baka gusto mo lang talaga makipagdate sa akin (ngingiti).

GEMMA: Hay naku, Raymond (tatawa)!Ikaw talaga, kung ano-ano ang naiisip mo. Inimbita kasi ako ng Mama mo na magdinner sa inyo mamaya. Akala ko naman alam mo na ang tungkol dito. Kinakabahan nga ako sa dinner mamaya eh. Baka kung anong magawa ko!

DR. GUZMAN: Kaya pala tumawag si Papa kanina at sinabi sa akin na sila ang susundo sa akin ngayon. Mag-aayos pa nga lang sana ako ng gamit noong pumasok ka. Pero ‘wag kang kabahan, Gemma (ngingiti). Tiyak akong magugustuhan ka nila lalo kapag nakilala ka na nila ng personal.

GEMMA: (Ngingiti) Salamat sa pagpapalakas ng loob ko, Raymond. (Tatawa) Hay naku, kaysa bolahin mo pa ako, tutulungan na lang kitang magligpit. Mabagal ka kasing mag-ayos ng gamit eh, baka ma late pa tayo!

Mamamatay ang ilaw at magbubukas naman sa kanang bahagi ng entablado.  Makikita si Gemma at Raymond na naglalakad papasok at  ang mga magulang ni Raymond na nag-hihintay sa labas ng ospital. Nagmano si Raymond sa mga magulang.

KORINA: ‘Ayan! Nandito na ang dalawa.

GEMMA: Good evening po, tita. Good evening po, tito.

KORINA:  (Matatawa) Gemma, Mama at Papa na nga ang itawag mo sa amin.

GEMMA(Tatawa) Ay, sorry po! Nakalimutan ko.

KORINA: Bagay na bagay talaga kayo ni Raymond, parehong makakalimutin (Tatawa).

GEMMA: Si Mama naman eh (matatawa).

KORINA: Tara na! Umalis na tayo. Naroon yung kotse, naka-park malapit sa gate.

Naglakad na papalabas ng entablado si Raul at Korina. Sumunod na rin si Raymond at si Gemma.

-     -     -     -     -

Ikaanim na tagpo:

Ang pamilyang Guzman at si Gemma ay makikitang kumakain sa hapag kung saan maraming pagkaing nakahanda.. Makikita na may kalakihan ang bahay ng mga Guzman.

KORINA: Iha, paano nga ba kayo nagkakilala ng anak ko?

GEMMA: Na-assign po kasi ako sa grupo niya noong bago pa lamang ako sa ospital. Nagulat na lang po ako nang imbitahan ako nitong si Raymond na mag-kape pagkatapos ng shift naming dalawa (tatawa).

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon