Ikaapat na Bahagi: Muling Pagkikita

173 5 16
                                    

Ikasiyam na tagpo:

Magbubukas ang ilaw. Makikitang sa kaliwang bahagi ng entablado ay nakaupo si Raymond sa upuan sa tabi ng kama ni Ardi habang hawak-hawak ang kamay ng kapatid at umiiyak. Nakatayo si Gemma sa tabi niya. Sa kanang bahagi naman ay makikita ang hallway ng ospital.

GEMMA: At ganoon nga ang nangyari, Raymond. Sinubukan siyang hanapin ni Mama pero nahirapan siya dahil lumipat na ang nag-ampon kay Ardi kasama siya.

DR. GUZMAN: Bakit nila itinago sa akin ang tungkol sa ‘yo? (Hahagulgol at titingin kay Gemma) Alam kong mahirap para sa kanila na sabihin ang totoo sa akin pero hindi naman ako magagalit eh. Alam ko namang mabubuting tao ang mga magulang namin at may dahilan para gawin nila ito.

GEMMA: (Hinimas ang likod ni Raymond) Raymond...

DR. GUZMAN: Sana naman gumising na si Ardi. Gusto ko na siyang makasama, Gemma.

Makikitang naglalakad ang mga magulang ni Raymond sa hallway. Kumatok sila sa kwarto ni Ardi.

GEMMA: Sina Mama at Papa!

Papasok ang mag-asawa. Umiwas ng tingin si Raymond sa kanilang dalawa.

RAUL: Mond, anak. (Titigil sandali) Patawarin mo na kami ng Mama mo. Ipapaalam ko na sa publiko na may isa pa akong anak. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao. Wala na rin akong pakialam kung matalo ako. Mas importante ang pamilya natin kaysa sa pagiging konsehal ko.

KORINA: Patawarin mo na kami kung naging duwag kami masyado. Pinapangako ko na sa oras na dumilat si Ardi, sasabihin ko sa kanya ang lahat at hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

DR. GUZMAN: (Mapapangiti at lalapit sa mga magulang) Pinapatawad ko na po kayo. Patawarin niyo rin po ako kung nasigawan ko kayo kanina.

GEMMA: (Tatawa) Group hug!

Magyayakapan ang apat habang silang lahat ay tumatawa. Makikitang gumalaw ang kamay ni Ardi.

GEMMA: Sandali lang, nakita niyo ba ‘yon?

DR. GUZMAN: Ang alin, Gemma?

GEMMA: Gumalaw yung kamay ni Ardi, Raymond! Gumalaw yung kamay niya!

Bumukas dahan-dahan ang mata ni Ardi.

KORINA: Ardi, anak! Gising ka na!

ARDI: (Mabagal at nauutal na sasabihin) M-mama? Kayo po ba si Mrs. Korina Guzman?

RAUL: Oo anak, at ako naman ang Papa Raul mo. Siya naman ang kuya mong si Raymond. Siya naman si ate Gemma mo, ang mapapangasawa ng kuya mo.

DR. GUZMAN: (Nakangiti ng malaki) Isa itong himala! Kadalasan na kapag nagigising ang isang comatose na pasyente ay hindi agad nakakapagsalita!

ARDI: N-nakwento po kayo sa akin ni Nanay bago siya mamatay. Kinuwento na rin po niya sa akin ang lahat. (Ngingiti) Ang pagkakasakit ni kuya Raymond, ang stem cell therapy, at ang pagpapaampon niyo sa akin gawa ng kahirapan.

KORINA: (Maiiyak) Patawarin mo kami anak! Hindi naming ginustong ipamigay ka. Patawarin mo kami ng tatay mo!

ARDI: N-noong ikinuwento kayo ni Nanay saakin, galit na galit ako sa inyo. (Tumingin kay Raymond) Nagalit ako kasi pinanganak lang pala ako para iligtas ka. Pero ‘wag po kayong mag-alala. Napatawad ko na po kayo ni Papa. Yun po kasi ang huling habilin sa akin ni Nanay Rosa, ang patawarin at hanapin kayo para magkasama tayong magmuli. Alam po kasi niya na hinahanap niyo ako dati. (Tatawa) Nilayo niya ako sa inyo dahil gusto niya akong makasama sa mga nalalabing oras niya rito sa mundo. Natakot siya na baka kunin niyo ako sa kanya at paghiwalayin niyo kami. (Naiyak) Minahal po niya ako ng parang sa kanya kaya po kahit naging mahirap para sa akin, pinatawad ko kayo at hinanap. Saka naisip ko rin po na baka hindi ko kayang mabuhay mag-isa (tatawa). Kaya nga po ako napadpad rito sa Maynila eh.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon