Unang Tagpo:
Pagbukas ng ilaw ay makikitang tumatawid si Ardi sa lansangan. Magsara ang ilaw at may maririnig na malakas na pagtibok ng puso at nakabibinging busina. Magbubukas muli ang ilaw at makikita ang isang kotse na papalapit kay Ardi. Maririnig ang pagsigaw ng mga tao sa paligid. Si ardi ay masasagasaan at magpapatay muli ang ilaw. Ang malakas na pabagsak ni Ardi sa lapag ay maririnig at maririnig ang pagharurot ng sasakyan habang ito ay mabilis na tumatakas. Magliliwanag ang paligid at makikitang nakahandusay ang duguang si Ardi sa gitna ng lansangan.
TINDERA: (Tatakbo mula sa bangketa papunta kay Ardi at pupulsuhan ang binata) Buhay pa ‘to. Tulungan natin siya! Tumawag kayo ng ambulansiya, dali!
EXTRA 1: (Bubuhatin si Ardi papunta sa sidewalk.) Napakawalanghiya ng gumawa nito sa kanya. Pagkatapos niyang sagasaan, tinakbuhan lang!
EXTRA 2: (Tatawagan ang telepono ng ospital) Hello? May nasagasaan po rito sa Guillermo street. Kailangan po namin ng ambulansiya para mabilis na madala ang pasyente diyan. Marami na ang dugong nawala sa kanya kaya sana’y bilisan niyong pumunta rito.
Mamamatay ang ilaw at makakarinig ng mahinang tunog ng ambulansiya na unti-unting lalakas at hihinang magmuli.
- - - - -
Ikalawang Tagpo:
Pagbukas ng ilaw ay sinusugod na si Ardi sa Emergency Room. Nakahiga siya sa isang stretcher na dala-dala ng dalawang nars na tumatakbo. Pagdating sa kama ay mabilis na nilipat ng mga nars si Ardi sa kama. Tinanggal nila ang pantaas na damit ni Ardi at ikinabit ang ECG, ang makinang magpapakita sa doktor kung normal ba ang tibok ng pusong pasyente. Maririnig ang matinis at sunod-sunod na beep galing sa makina.
DR. GUZMAN: Kunin niyo yung defibrillator! Kailangan nating mabalik ang pagtibok ng puso niya sa normal. Bilisan niyo!
Makikitang tumakbo palabas si Gemma na mabilis namang bumalik. Dala na niya ang defibrillator, ang makinang ginagamit ng mga doktor para irestart at ibalik sa normal ang tibok ng puso kapag ito ay irregular o masyadong mabilis. Ipinagkiskis ng doktor ang dalawang metal pads.
DR. GUZMAN: Clear!
Itinaas ng mga nars ang kamay nila para hindi sila makuryente. Inilapat naman ni Dr. Guzman ang dalawang metal pads sa dibdib ni Ardi. Makakarinig ng bzzt at makikitang mapapatalon si Ardi dahil sa kuryente. Patuloy na maririnig ang matinis at sunod-sunod na beep.
DR. GUZMAN: Clear!
Mauulit muli ang tunog at makikitang magmuli na mapapatalon si Ardi habang nakahiga. Maririnig na humaba na ang interval ng mga beep na nanggagaling sa makina. Si Dr. Guzman ay nakahinga na sa wakas ng maluwag. Nagngitian sila ni Gemma at tinapik siya ng babae sa balikat.
GEMMA: Nagawa natin Raymond, nagawa natin!
DR. GUZMAN: (Ngingiti ng malaki) Great job, guys! Magaling!
- - - - -
Ikatlong tagpo:
Nakahiga si Ardi sa isang Hospital bed. Maririnig rin ang pag-beep ng ECG.
GEMMA: Isang linggo ka na dito ah. Wala pang bumibisitang kamag-anak mo. (Ngingiti ng malaki) Magpasalamat ka na inaalagaan ka namin ni Raymond. (Tatawa ng mahina) Gumising ka na kasi. Hindi kasi namin alam kung saan mahahanap yung pamilya mo o kung may pamilya ka pa nga ba.
BINABASA MO ANG
Kuya
Mystery / ThrillerIsang madamdaming dula tungkol sa muling pagkikita ng dalawang magkapatid na pilit pinaghihiwalay ng kahirapan, panahon, mga problema, pagkakataon, at kamatayan.