8 • her?

4 1 0
                                    

"What happened nung umpisa?" tanong ko sa babae.

She looks hesitant nung umpisa pero nagsalita rin naman.

"Uhmmm... You see, the girl you had a talk with is Beatrice Asuncion. She's the daughter of the elite business man. And her minions. And they're my friends-" Gaia cut the girls word.

" You called that friendship? They made you pahiya sa buong store. That bitch talaga!" Galit na sabi nito.

" Continue."

" And they invited me para gumala and who am I to refuse? I really thought they were my friends but I guess not." at ngumiti ng mapait. " Ginawa nila akong tagabitbit. I'm just 16 and I don't know kung sino ang dapat kong makasama. All I want is to have at least one friend and yet I don't even have one. I'm so disappointed with myself kasi I need to please someone so I can have someone to accompany me." kwento nito.

Nilapitan naman siya ni Gaia at niyakap.

" It's fine, Mei. You have us. I'm Gabriella Anastasia Inniah Ariella Montana Britzie but you can call me Gaia just like everyone does." pagpapakilala ni Gaia at mukang hiningal pa ito.

" I'm--" I was about to introduce myself when she cut me off.

" You are Clara Raia Agustin Clemonte. Governor Clemonte's daugther." she then smiled. " Everyone knows you Ms. Clemonte. Not because of your parents name but because of your beauty and brain. You've been in TV shows and was in the news for about 1 month because you were a gold medalist on 5 contests straight. I was and still amaze to be honest. I'm a big fan." she said. Wow. Just wow.

" Come on, join us." pag-aaya ni Gaia.

"Okay lang ba? Na'ko huwag na nakakahiya naman." pagtanggi nito.

" I don't and will never take a "no" as an answer. Let's go. " sabi ko at tumalikod.

Nakita ako ni kuya Roni na papalapit sa glass door kaya pinagbuksan niya ako. Pagtingin ko sa likod ko ay nakasunod na sila sa akin.

"Buy those books na nasa cart namin and yung cart ni Mei kuya..." binalingan ko naman ng tingin yung dalawa. "Saan tayo next?" I asked.

"I'm thinking na pumunta sa quantum." sabi ni Gaia.

"Let's go then... Kuya sa quantum po kami next." sabi ko.


"Ma'am hindi po kami tumatanggap ng cards. Kung gusto niyo po ay mag-cash out po muna kayo. May ATM po sa labas po nito." sabi na babae sa cashier.

"Seryoso kang wala kang cash? Grabe ka naman, Cia." parang stress na sabi nito.


"OA. Here, may cash ako." sabay abot sa'kin ni Mei ng 1,000 peso bill. "Gamitin mo muna yan hanggang sa makarating yung butler mo dito." sabay ngiti niya.

Si Gaia ang nagpapalit ng token. Habang nagpapapalit ito at kinuha ko ang phone ko at tinawagan si kuya Roni.

"Raia, bakit?" tanong nito sa kabilang linya.

"Kuya I need cash. At least 5,000 po."

"Ayon lang ba? Sige, wait niyo ako dyan."

Hindi na ako nagsalita pa. Siya na rin ang pumutol sa tawag.

"Hey, ito na yung tokens. Let's go!!!" binigyan niya kami ng tokens sabay takbo sa loob.

Nagkatitigan naman kami ni Mei at nagkibitbalikat at sinundan siya.

"Hey, Cia! Pahiram phone. Let's do a time lapse." kinuha ko naman ang phone ko at binigay sa kanya.

Sumali na rin sa laro si Mei. I don't know how to explain this feeling.... It's like, I feel like I'm living. It feels like I'm alive. Or maybe something's wrong with me? I don't know. I'll ask kuya Roni later and I should go to the doctor.

Nabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Mei.

"Ara!"

"Cia"

sabay na tawag nila.

Wow. May nickname sila sa'kin. I felt overwhelmed. Should I do the same? I don't really know.

Should I?

Maybe I should.

Pag-iisipan ko.

Naglaro lang kami sa loob ng quantum hanggang sa maubos na yung 3k na tokens.

"I'm tired na you guys. Let's pahinga muna." Sabi ni Mei.

" I'm hungry. Tara kain tayo." Aya ni Gaia.

Up until now iniisip ko pa rin ano bang itatawag ko sa kanila. Hayst.



"Tara Inasal!" maligalig na sabi ni Gaia.

"Yeah let's go there."

"Uhmm.. Guys, what's inasal?" tanong ko.

Food chain ba 'yon? Playground? Café? wala talaga akong idea ni isa.

"You've never been in inasal before?" takang tanong ni Mei na inilingan ko.

Tumingin ako kay kuya Roni at nagtanong.

"Kuya, what's inasal? Marami bang books doon?" tumingin naman ito sa'kin ng may pagtataka pero kalaunan ay nawala rin.

" Mang Inasal or Inasal. Isa rin yang fast food chain. Bakit mo natanong?" paliwanag nito.

" Kuya masarap ba doon? " tanong ko ulit. Now I'm curious kung anong food ang sine-serve nila doon.

" For me yes... " tumingin naman ito sa mga kasama ko. " Doon niyo ba balak mag-lunch?" tanong sa kanila na tinanguan naman nila Mei.

"Yes po sana kuya eh." Gaia.

"Ah ganon ba? Sige. ano tara na ba? Nako, pagpasensyahan niyo na si Raia kung hindi niya gaanong gets mga ganyang bagay ah. Hindi kasi siya gaanong exposed sa ganyang bagay." ani ni kuya Roni.

" Wow. Para naman akong ignorant dumb sa kwento mo kuya. " sabi ko habang walang emosyon.

" Hindi naman sa ganon. Itong si Raia kasi hindi gaanong lumalabas ng bahay. kung magsa-shopping man yan eh ako lang ang kasama niyan. Puro café lang din ang pinupuntahan ay high end restaurant. Medyo picky eater din siya kaya sana ay pagbigyan niyo ng mahabang oras. " pagpapatuloy nito haggang sa makarating kami sa sinasabi nilang Inasal.

It looks like grilled chicken pagtingin ko sa menu nila. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinila ko ang dulo ng damit ni kuya Roni at tumingin dito.

Yumuko ito saglit at nagsalita.

"Gusto mo ba dito?" tanong niya at tumango ako. " Anong gusto mong kainin?"

"I don't know, Kuya. I don't know these foods. I think you should order for me nalang po." medyo mahina king bulong. Tumango naman ito at tinanong ang order ng dalawa.

"Oh siya sige, hanap kayo ng table niyo ah, at susunod ako." sabi ni kuya Roni. Bitbit pa rin ang mga pinamili namin kanina.

Nakita ko namang naglabas ng pera si Gaia at inabot kay kuya Roni.

" Ito po kuya. it's on me naman. Sila na ni Cia at Mei kanina sa National at Quantum eh. " ani nito.

" Let's go, Ara. " si Mei at humawak sa braso ko. It's a miracle na hindi ako napitlag sa hawak nito. I'm more comfortable na hawakan nila ako kaysa sa sarili kong parents.

" Uh wait. " at pumunta ako kay kuya Roni. " Kuya Roni you should order as well. Sabay ka po sa amin kumain. " aangal pa sana ito pero tinignan ko lang siya kaya tumango nalang din.



______________
:)

Barcodes ( Attempt Series 1)Where stories live. Discover now