“T
umawag sakin kaninang umaga ang amo ng tatay nyo sa Maynila. Malala na daw sakit ng itay nyo..”,
Napatigil sa kanyang ginagawa siJordan. Nasa likod siya nang kanilang bahay at nagsisibak ng kahoy nang lapitan siya nang kanilang ina at kinausap tungkol sa kalagayan ng kanilang itay sa Maynila.
“Ho? Eh kumusta na daw si tatay? Sinong nag aasikaso sa kanya doon”, punong puno ng pag-aalala ang boses ng binata matapos marinig ang sinabi ng ina.
Tumulong bigla ang luha ni Aling Marta. “Eh kaya nga ako tinawagan kasi pinaluluwas nila ako ng Maynila, anak. Na admit sa ospital ang tatay nyo..”
Nanlulumong napaupo sa isang malapit na kawayang papag siJordan. Biglang bigla ay naalala niya ang sinabi ng kanyang ama bago ito lumuwas ng Maynila.
“Magkakaroon narin ng katuparan mga pangarap natin, anak. Mag aaral kayong mabuti dito. Susulat ako ng madalas. Wag mong pababayaan ang inay at mga kapatid mo, ha.”
“Opo, tay! Ingatan nyo rin sarili nyo doon. Lagi naming ipagdarasal kaligtasan mo. Ingat po sa byahe.”
Mag wawalong buwan na mula ng lumuwas ng Maynila si Mang Artemio. Isinama siya ng matalik na kaibigan pagpuntang Maynila upang doon makipagsapalaran at maghanap ng trabaho. Katunayan, may trabaho nang naghihintay sa kanya pagdating niya doon. Inirekomenda siya ng kaibigan niyang si Mang Poldo sa isang mayamang pamilya na nangangailangan ng personal driver.
Kahit papaano’y lumuwag luwag din ang kanilang buhay sa probinsya. Bukod sa malaki laki ang sahod na nakukuha ng kanyang ama, ay madalas itong magpadala sa kanila. Dalawang beses sa isang buwan. Mayaman kasi ang amo ng kanilang ama ayon narin sa kwento nito. Nasa ibang bansa ito at ang mga anak at asawa lamang nito ang naiwan sa Maynila. May ari daw ng isang sikat na Jewelry factory.
Noong una’y tutol ang kanilang ina sa pagluwas niya ng Maynila. Bukod kasi sa ito ang unang pagkakataon na aalis ito patungo sa isang malayong lugar, ay ito rin ang unang beses na magkakahiwalay sila. Kuntento nasanasila sa pag aani ng palay sa kanilang lugar. Bukod sa pag aani ay nagkakarpintero rin si Mang Artemio kasama ang panganay na siJordan. Si Aling Marta naman ay tindera ng isda sa palengke sa bayan. Umaangkat siya ng mga isdang paninda sa mga kaibigan at kakilala niyang mangingisda. Malapit lang kasi sa dagat ang pampublikong palengke sa kanilang lalawigan. Kahit na minsan ay hindi sapat ang kanilang kinikita sa pang araw araw nilang gastusin ay masaya at buo ang pamilya nila.
Pero malaki ang pangarap ni Mang Artemio sa kanyang mga anak. Gusto niyang makatapos ito ng kanilang pag aaral. SiJordan, nasa second year na ng kinukuha nitong 2-year vocational course sa kanilang bayan. Mekaniko ang kinukuha nitong kurso. Samantalang ang kapatid niyang si Jasmine ay nasa third year high school na. Ang bunso sa tatlong magkakapatid, si Jerome ay graduating na sa elementarya. Kaya kahit labag man sa kalooban ni Mang Artemio na iwan ang pamilya ay wala siyang nagawa kundi ang lumuwas na lamang ng Maynila dala ang pag asang makakaahon sila sa nakakasawa nang kahirapan.
Noong una’y walang problema sa trabaho ang kanilang ama. Bukod sa hindi siya pinababayaan doon ay mababait ang kanyang mga kasama lalo na ang kanilang amo. Madalas lang nitong banggitin sa kanila na mahirap pakisamahan ang panganay na anak ng mga ito dahil spoiled at may pagkamaldita ang ugali. Dalawa ang anak ng kanyang amo sa Maynila at puro babae.
Nitong nakaraang mga buwan lamang ay nabalitaan nila na may benign tumor sa malaking bituka ang kanilang ama. Halos gumuho ang mundo ng kanilang ina nang malaman ang sakit ng asawa. Maging siJordanay hindi rin halos makapaniwala. May kung ilang gabing walang tulog si Aling Marta at halos araw araw itong umiiyak. Dala marahil ng labis na pagkabigla at pangungulila. Pinauuwisanasi Mang Artemio ng kanyang amo pero tumanggi siya at ipinagptuloy ang pagsesrbisyo sa kanila. Katwiran niya ay hindi naman nakamamatay ang kanyang sakit dahil benign lamang ito.
Pero hindi naglaon ay lumala ang sakit ng kanilang ama. Nagka komplikasyon dahil sa sakit nito sa baga. Muling nadiagnose si Mang Artemio at doon natuklasang ang benign tumor niya ay na develop na sa isang kanser. Stage 3. Mag dadalawang linggo na raw na hindi nagtatrabaho si Mang Artemio dahil nasa ospital ito. Nakiusap lamang ito na hindi na muna ipaalam sa kanila ang tunay niyang kalagayan. Ang kanyang amo ang sumasagot sa lahat ng medisina at gastusin niya sa ospital.
Atgayang sinabi ni Aling Marta, kaninang umaga lamang niya nalaman ang tungkol sa tunay na kalagayan ng asawa nang mag long distance call ang amo nito sa palengkeng pinagtitindahan niya. Maaga siyang nagsara upang ipaalam sa mga anak ang nangyari sa kanilang tatay sa Maynila. Nagpunta na rin siya sa kanyang kaibigan upang makahiram ng perang pamasahe paluwas ng Maynila dahil agad agad siyang pinaluluwas ng amo nito dahil malala na raw ang sakit ng kanyang asawa.
“Bukas na bukas din, anak ay aalis muna ang nanay. Pupunta ako ng Maynila para sunduin ang ama ninyo.”, anang Aling Marta na walang tigil ang pagdaloy ng luha habang nagsasalita. Pakiwari niJordanay mas tumanda ng ilang taon ang kanyang ina dahil sa laki ng problema nito. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito mula nang malaman ang sakit ng kanilang tatay. Lalong nadagdagan ang mga uban nito sa buhok at mas kumunot ang noo nito. Lumaylay ang baba at lumalim ang dalawang pisngi ng kanyang inay. Hindi na ito halos makatulog sa gabi at lagi na lamang malalim ang iniisip. Gustuhin man nilang tawagan ang tatay sa Maynila ay hindi nila malimit magawa dahil mahal ang long distance na tawag mula sa kanilang probinsya.
Nang gabing iyon ay madaling araw na nang dalawin ng antok ang binata. Maraming naglalaro sa kanyang isipan ng gabing iyon. Awang awa siya sa reaksyon nina Jasmine at Jerome nang kwentuhan ito ng kanilang nanay tungkol sa karamdaman ng kanilang ama. Bukas na bukas din ay aalis ang kanyang ina patungong Maynila. Mabuti na lamang at may natitira pa siya sa kanyang konting ipon na inirereserba sana niya sa graduation nila ni Jerome sa susunod na taon. Ibinigay niya sa ina ang kalahati ng kanyang naipon bilang dagdag sa pamasahe nito. Mabuti na lamang pala at anihan sa kanilang nayon. Habang wala ang kanilang nanay ay may magagastos sila mula sa perang isusuhol sa kanya sa pag aani.
Nakatulog ang binata na gulong gulo ang isipa’t damdamin.
M
abuti na lamang at Sabado ang luwas ni Aling Marta patungong Maynila. Inihatid ng magkakapatid ang ina sa pier sa bayan. Umaga noon ng alas nuwebe.
“Mag iingat ho kayo doon, nay. ..”, anang Jasmine at mariing niyakap at hinagkan ang ina.
“Ikumusta mo ko kay tatay Artemio ma, ha. At yung pangako niya sa aking bagong sapatos, ipaalala mo po sa kanya!”, sabi naman ng bunsong si Jerome na noo’y tila hindi pa masyadong batid ang tindi ng karamdaman ng kanilang ama. Humalik at yumakap din ito sa ina.
“Oo sige sasabihin ko sa itay mo, anak. Huwag masyadong magpapasaway sa ate at kuya mo ha?”
Mabilis na tumango tango si Jerome.
“O sige, mga anak. Aalis na ako para pagbalik ko kasama ko na ang tatay Artemio nyo. Oh, Jordan, kaw na munang bahala sa mga kapatid mo anak, ha?”, paalam ni Aling Marta at humakbang na ito sa hagdan paakyat ng barko.
“Oo, nay, akong bahala sa mga ito. Mag iingat ho kayo nila papa doon.”
Nakausad na sa malayo ang barko ay nasa pier parin ang magkakapatid.
“Sananga makauwi na si tatay kasi miss na miss ko na siya, kuya. Ikaw kuya di mo ba siya na mimiss?”, tanong ni Jasmine sa kapatid. Nakaupo sila sa sementadong upuan na nasa gilid ng pantalan.
“Siyempre naman namimiss ko si tatay. Matagal na kaya natin siyang hindi nakikita..”, nakangiting sagot naman ni Jordan.
“Sanapagbalik ni tatay ay magaling na siya. Kasi magpapaturo ako sa kanya kung paano magdrowing ng malaking bahay!”, singit naman ni Jerome.
Napatawa sinaJordanat Jasmine sa sinabi niya.
“Ang kulit mo naman, bunso. Halina nga kayo kain muna tayo sa karinderya bago tayo umuwi. Ano gusto nyo ba?”, anangJordanna tumayo na sa kinauupuan.
“Lumpiang shanghai gusto ko kainin kuya!”, masayang sabi ni Jerome.
“Pancit akin at bibingka”, sabad naman ni Jasmine.
“Oo bah. Basta kayo. Malakas kayo sa kuya nyo eh!”
Nagtalunan sa tuwa ang dalawang nakababatang kapatid ng binata.

BINABASA MO ANG
Tumapak Man Sa Lupa
RomanceNagkatitigan sina Jordan at Denise. Biglang bigla kumabog ang dibdib ng binata. Ngayon ay tila ilang hibla lamang ang layo ng mukha ng dalaga sa kanyang mukha. At mas lalo niya ngayong napagmasdan ang kagandahang minsan na niyang kinabaliwan at nagd...